Solenn Heussaff gave birth to her baby, Thylane
Isa ang artistang si Solenn Heusaff sa mga inaabangang soon-to-be showbiz mommy. Marami ang na-e-excite na makita ang kanyang very first baby. At ngayong taon nga, matagumpay niyang pinanganak ang kanyang panganay na si baby Thylane.
Solenn Heussaff with baby Thylane
Masayang sinalubong ng actress/TV host na si Solenn Heussaff kasama ang kanyang asawang si Nico Bolzico ang bagong taon nang isilang niya ang kanilang unang baby.
Ipinanganak si baby Thylane Katana noong January 1 sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.
Sa mga IG stories ni Solenn, makikita na dumaan lamang siya sa ospital para sa kanyang check up. Ngunit hindi inaasahan na agad rin siyang in-admit sa mismong araw din ng December 31.
Kinabukasan, kinumpirma rin niya ang kanyang successful birth sa kanyang Instagram account na may caption na:
“Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana,”
Solenn Heussaff Baby Thylane | Screenshot image from Solenn Heussaff Instagram Post
Matatandaang ibinahagi ni Nico Bolzico ang ginawang prank sa kanya ng asawang si Solenn. Sa video, makikita ang kunwaring pumutok ang panubigan ni Solenn. Hudyat na manganganak ito. Tarantang kinuha naman ni Nico ang mga kailangang dalhin nila sa ospital. Panoorin ang buong video rito:
www.instagram.com/tv/B6o-hEHlFSn/?utm_source=ig_embed
Aliw na aliw naman ang netizens sa in-upload na video ng mag-asawa sa kanilang Instagram.
Sa video, makikita si Solenn na gumagamit ng breast pumps habang sumasayaw. Nasa likod naman nito ang kanyang asawang si Nico. Hindi mo aasahan ang dulong part nito!
Panoorin ang buong video rito:
www.instagram.com/p/B9IynLdhIcu/
Taong 2016 nang ikasal sina Solenn at ang kanyang asawang si Nico sa France.
Solenn, sinagot ang comment na pangit ang anak niya
Samantala, hindi na napigilan ni Solenn ang magsalita tungkol sa mga ibinabatong patama sa kanyang anak ng mga netizens.
Simula pa lamang nang ipinanganak ni Solenn Heusaff si baby Thylane ay ibinahagi na nito ang kanyang parenting style. Ngunit hindi ipinapakita ng aktres ang mukha ng kanyang anak.
Dahil dito, marami ang pumansin at nagtaka kung ano ba talaga ang itsura ni baby Thylane.
May nagsabi pa na kung pangit ba ang kanyang anak at hindi siya proud dito. Sa isang IG story, ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin sa pangyayaring ito.
Solenn Heussaff Baby Thylane | Screenshot image from Solenn Heussaff Instragram story
“People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will, sometimes I am not in a hurry and enjoying her every change. She is so precious.”
Ayon ka Solenn, may mga nabasa pa siyang comment na kung pangit ba ang anak nito at hindi normal.
Solenn Heussaff Baby Thylane | Screenshot image from Solenn Heussaff Instragram story
“I’ve read comments like: ‘Is your baby ugly?’ ‘Aren’t you proud of her?’ ‘Is she abnormal?’ amongst other things. People need to remember LIFE does NOT happen on IG. Yes, it’s a great things to share things. But you don’t have to share everything. ”
Dagdag niya, nakakatulong ang Instagram para malayang makapagbahagi ang isang tao ng pangyayari. Ngunit hindi lahat ng bagay ay kailangang i-post dito.
Kailangan maintindihan ng tao na hindi umiikot sa Instagram ang buhay ng isang tao. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang i-expose si baby Thylane sa social media.
Baby Thylane Katana
Ipinasilip naman ni Nico ang mata ng kanyang baby Thylane sa isang Instagram post.
“Best and most exhausting 31 days of our life! We didn’t know we were capable of so much love.
Many lessons learned, but the most important is that we, men, are not only useless during the pregnancy but also after (at least the first 31 days)! We are simply decoration! Just be fully supportive and do everything your wife tells you to do without asking why! New chapter on fatherhood coming up in the #BulliedHusbandsClub Handbook!
I only post the eye of Thylane coz if I show her @solenn will eradicate me from the world!”
www.instagram.com/p/B7-uQSfFGXy/
Source: GMA Network
BASAHIN: LOOK: Anne Curtis nag-post ng sexy pregnancy photo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!