X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anne Curtis, laging nagtatanong sa pedia ni Baby Dahlia—"I'm a super praning mom!"

5 min read

Super praning ganito kung ilarawan ang pag-aalaga ni Anne Curtis kay Baby Dahlia. Alamin dito kung gaano ka-praning si Anne bilang isang ina.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anne Curtis to Baby Dahlia as a mom.
  • Mga natutunan ni Anne Curtis bilang first time mom.

Anne Curtis to Baby Dahlia as a mom: “I am a super praning mom!”

Anne Curtis Baby Dahlia

Anne Curtis & Baby Dahlia/ Image from Anne Curtis Official Facebook account

Sa ginawang virtual launch ng Johnson & Johnson’s reformulated Milk +Rice Bath and Lotion na kung saan si Anne Curtis ang pinakabagong ‘mombassador’ ay ibinahagi ng aktres ang ilan sa mga natutunan niya bilang isang’s first time mom. Umamin din si Anne sa nasabing event na siya ay isang super praning mom.

Kuwento ni Anne, kahit noon nasa Australia pa sila ni Erwann at Dahlia kasama ang kaniyang pamilya ay super praning na siya. Sa katunayan ay lagi nga umano siyang tumatawag sa isang hotline doon para lang magtanong tungkol sa mga nangyayari sa anak niyang si Dahlia.

“I am a praning mom, ‘yon ‘yong totoo. I am a very super-duper praning mom. In Australia, you can call a hotline with a midwife that is always on call and you can ask questions like you know as in anything under the sun.

And minsan natatawa na lang ‘yong midwives on the phone. And they are like, is it your first child and saki ko nalang yes it is.”

Ito ang natatawang pagkukuwento ni Anne sa karanasan niya noong bagong panganak palang si Dahlia.

Pero pag-amin ni Anne, kahit si Dahlia ay toddler na ay hindi pa rin nawawala ang kapraningan niya. Dito sa Pilipinas, sa katunayan ay palagi rin siyang tumatawag sa pediatrician ni Dahlia para magtanong.

“Even now that she is a toddler, I still ask my pedia questions because I am a super praning mom. I don’t think that will ever change.  Even for products for my daughter I read talaga, what’s in it and is it safe.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Paliligo sa newborn Dahlia ang isa sa scariest part ng pagiging first time mom ayon kay Anne

Anne Curtis Baby Dahlia

Anne Curtis & Baby Dahlia/ Image from Anne Curtis Official Facebook account

Kung ikukumpara nga umano ang parenting approach nila ni Erwann, ang mister ang mas laidback na naging daan rin para kahit paano ay makampante siya at mabawasan ang kapraningan niya. Pero pagdating sa mga produktong gagamitin ni Dahlia, ito ay talagang pinag-aaralan nila at pinag-uusapan.

“We works as a team talaga and we are reading about products together, what we want to use for Dahlia and learning about what’s the best for her and discussing about it.”

Pagbabahagi pa ni Anne, isa sa mga bagay na kinatatakutan niya noong bagong panganak palang si Dahlia ay ang pagpapaligo dito.

“Bath time as a first time is really one of the scariest things. With the newborn, you learned the proper way of holding a baby and securing them and holding them under the arm. It’s very very scary.”

Na-overcome niya lang umano ang takot na ito sa paliligo sa anak at iba pang kapraningan niya sa tulong ng payo na magmula sa kaniyang ina. Ito ay ang itinuturing niyang best advice sa katulad niyang first time palang maging isang ina.

BASAHIN:

Anne Curtis felt “melancholic” as she slowly weans Baby Dahlia after 17 months of breastfeeding

Anne Curtis, naiyak matapos magkuwento tungkol sa anak na si Dahlia

Meet Baby Dahlia: Anne Curtis nag-post na ng photo ng kanyang baby

Best advice ng mom ni Anne sa kaniya bilang isang ina

Anne Curtis, laging nagtatanong sa pedia ni Baby Dahlia—Im a super praning mom!

Anne Curtis & Baby Dahlia/ Image from Anne Curtis Official Facebook account

“My mom keeps reminding me na parang every mom has their own personal journey and it’s their unique journey as a mother. You know be easy on yourself and trust you own instinct. Because you are the best mom for your own baby.”

Ito ang pagbabahagi pa ng aktres.

Malaking bagay rin daw ang support mula sa pedia ni Dahlia na laging nandyan para sumagot sa mga tanong niya. May isang payo nga daw na binigay ang pedia niya para hindi siya labis na ma-praning at mag-alala bilang isang ina.

“One thing my pedia also told me to do is to stop googling. Huwag si Dr. Google! Even if its late night just message me na lang.”

Ito daw sabi ng pedia ni Anne kaya naman sigurado siya na tama ang bawat hakbang na ginagawa niya sa  pag-aalaga sa anak.

Sa kabuuan, ayon kay Anne, bagamat mahirap ay na-eenjoy niya ang bawat minuto ng pagiging isang ina.

“I did not enjoy anything, I love everything talaga, as in. I think that’s part of the journey of being a first time mom you appreciate even if it’s hard.”

Ito ang nasabi pa ni Anne Curtis tungkol sa pag-aalaga sa anak na si Dahlia.

 

Photo:

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Image from Anne Curtis Official Facebook account

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anne Curtis, laging nagtatanong sa pedia ni Baby Dahlia—"I'm a super praning mom!"
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.