Meet Baby Dahlia: Anne Curtis nag-post na ng photo ng kanyang baby

Meet Baby Dahlia: Anne Curtis nag-post na ng photo ng kanyang baby

Kinumpirma na ng aktres na si Anne Curtis at ang kanyang asawang si Erwan Heussaff ang kanilang first baby girl. Alamin ang pang princess-like name nito!

Anne curtis baby name announced!

Apat na araw ang nakakaraan, ang most waited mommy na si Anne Curtis ay kumpirmadong nanganak na.

anne-curtis-baby-name

Anne Curtis nag-post na ng photo ng kanyang baby | Source: Anne Curtis Instagram

Noong March 2, masayang sinalubong ng publiko ang anunsyong nanganak na ang actress-host na si Anne Curtis sa kanyang asawang si Erwan Heussaff, na kasalukuyang isang sikat na vlogger.

Kahit na walang kumpirmasyon tungkol sa kanilang newly born baby, marami pa rin ang na-excite at nag aabang sa anak nila Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Ngunit ngayong araw, March 6, ibinahagi na ni Anne Curtis at Erwan Heussaff ang kanilang first baby girl na si Dahlia Amélie Heussaff sa kanilang Instagram.

anne-curtis-baby-name

Anne Curtis nag-post na ng photo ng kanyang baby | Image from Anne Curtis Instagram

Ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin sa kanilang first baby girl,

“Never knew I could love someone so much… So much that it hurts in a good way… it’s an unexplainable kind of love. The kind I’ve never felt before. It’s so overwhelming and fills your heart to the brim with pure happiness. I will always be here to love, protect, guide and hold her little hand every step of the way… even when that little hand isn’t so little anymore. Everyone, I would like to introduce our darling daughter, Dahlia Amélie Heussaff.”

Masaya ring ibinahigi ni Erwan Heussaff ang litrato ng maliliit na paa ni baby Dahlia.

“Our beautiful little daughter was born on March 2, 2020. I never knew that my heart could grow so quickly in just one day. I also had no idea that I could fall in even more in love with my wife. Anne was so impressive throughout her pregnancy and labor and I will forever be in her debt.”

Si Anne Curtis ay nanganak noong March 2 sa kanyang hometown sa Melbourne, Australia. Kasalukuran rin itong naka break sa kanyang hosting sa noon time show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Samantala, nabigay naman ng pagbati ang iba’t-ibang artista na kasamahan niya sa trabaho. Kasama na ang kanyang malapit na kaibigan at co-TV host sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

anne-curtis-baby-name

Anne Curtis nag-post na ng photo at name ng kanyang baby | Source: Vice Ganda Twitter

Anne Curtis and Erwan Heussaff Love story

Sa isang interview kay Anne Curtis, taong 2009 ng unang magkakilala sila ng kanyang asawa sa gitna ng kanyang bakasyon sa Spain. Nagkamabutihan ang dalawa dahil rin sa mga kaibigan nila na sina Raymond Gutierrez, Liz Uy at Isabelle Daza. Aminado noon si Erwan na may malalim na paghanga ito sa aktres.

Approved naman si Mommy Carmen Curtis kay Erwan. Ayon sa interview nito sa isang show sa ABS-CBN, marunong makisama si Erwan at palakaibigan rin ito kaya naman nagustuhan nito ang binata.

“The best, I think. Kasi siguro yung loob ko kay Erwan, very friendly siya, okay siyang makisama. Yun ang first impression ko noong makita ko siya. He knows how to talk to you.”

Taong 2011 nang ipinakilala ni Anne Curtis si Erwan Heussaff bilang boyfriend nito sa publiko. Agad ring minahal ng madla ang kanilang relationship at taon rin ‘yon ay ipinakilala ng aktres ang kanyang boyfriend sa family nito.

Noong 2014, kumalat ang rumors na sila ay napabalitang naghiwalay na. Naglabas naman pagkainis si Erwan dahil sa issue na ito. Ayon sa kanya, wala siyang oras para sa mga taong pilit nagpapakalat ng maling impormasyon. Sa tweet nito, ibinahagi ni Erwan ang kanyang saloobin.

“Thanks for the concern, but let’s remember that FP isn’t BBC, there are more veracious sources of information out there. We are fine :)”

Pagsapit ng 30th birthday ni Anne, buong puso nitong binata ang aktes sa Instagram.

“Happy birthday to most caring and hardest working woman I know. Today you turned 30, a number that freaks out most people, sending them into a frenzy of “what have I done with my life?”. In your case you’ve accomplished so much already. You’ve kept a strong head during tough times and have arrived more fulfilled than ever. I can’t wait to conquer more countries with you, eat our way through bizarre cities, wreck ourselves at workouts, binge watch TV series’ and bounce around like idiots at different concerts. Remember you’re just 18 with 12 years of experience under your belt. Je t’aime.”

At December 2016, dito na nag proposed si Erwan para sa aktres na si Anne Curtis. Kinumpira ng aktres ang kanilang engagement sa noon time show na It’s Showtime.

Matatandaang taong 2017 ikinasal sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Queenstown, New Zealand..

 

BASAHIN: Celebrity weddings na inaabangan ngayong 2020

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner