Celebrity weddings na inaabangan ngayong 2020

Celebrity weddings na inaabangan ngayong 2020

Maraming celebrity weddings ang inaabangan ngayong 2020 sa Philippines. Alamin kung sino sino ang mga ito at ang kanilang mga wedding plans!

Matunog ang mga naging engagement ng ilan sa mga kilalang personalities noong 2019. Ngayong 2020 naman, tutok ang marami kung kailan nga ba gaganapin ang mga celebrity weddings Philippines na ito.

Kamakailan lang ay kinasal na nga sila Megan Young at Mikael Daez. Ganun din sila Joyce Pring at Juancho Trivino. Ang tanong ng marami, sino na ba ang next in line?

Celebrity weddings Philippines

Sarah and Matteo Guidicelli

6 years na ang mag-partner na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at sila nga ay na-engage last year. Tungkol sa kanilang wedding date, mukhang gaganapin ito mid to late 2020. Secretive ang dalawa sa kanilang mga wedding plans, at kahit nga noong sila ay na-engage, lahat ay ginawa nilang private. Kahit sa simula pa lang ng kanilang relasyon, hindi talaga masyadong nagbibigay ng detalye ang dalawa tungkol sa kanilang dating life. Kung titignan naman ang istilo ng dalawa, mukhang sila ay magkakaroon lang ng simple at solemn wedding.

celebrity-weddings-philippines

Screenshot from Instagram

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Ilang beses man na naudlot ang kasal ng dalawa dahil na rin sa kanilang busy schedule, inanunsyo na ng celebrity couple na gaganapin ang kanilang kasal ngayong March. Kung titignan ang mga naging wedding ng malalapit na tao sa kanila, karamihan sa mga ito ay engrande at talaga namang pinaghandaan. May usap-usapan din na maari ngang ganapin ang kanilang wedding sa ibang bansa. Ang kanilang mga anak naman na sila Zion at Kai ay paniguradong kasama rin sa magiging entourage.

celebrity-weddings-philippines

Screenshot from Instagram

Angel Locsin and Neil Arce

Noong huling nagbigay ng details ang aktres na si Angel Locsin, sinabi niyang ngayong taon nga gaganapin ang kanilang kasal. Hindi pa masabi kung ano ang exact date nito pero sinabi niya na ang wedding plans nila ay may progress naman. Sa katunayan, masyado nga raw silang mabilis ayon sa kanilang wedding planner. Pero hindi pa rin niya masabi kung dito sa bansa gaganapin ang kasal o sa ibang bansa. Sa ngayon daw kasi ay busy pa sila pareho at gusto nilang kapag nagsimula na sila ulit magplano ay full attention ang mabigay nila para rito.

celebrity-weddings-philippines

Screenshot from Instagram

Alex Gonzaga and Mikee Morada

Ibinahagi ng celebrity vlogger na si Alex Gonzaga kamakailan lang na siya nga ay engaged na sa kanyang boyfriend of almost 3 years. Sikat ang dalawa dahil sa kanilang fun at cute vlogs na magkasama. Marami nga ang nagsasabing perfect match ang dalawa dahil kalmado at medyo may pagka-shy si Mikee habang sobrang outgoing naman ni Alex. Hindi pa sinabi ng dalawa kung kailan ang kasalan pero sigurado namang ishe-share nila ito soon sa vlogs.

celebrity-weddings-philippines

Screenshot from Instagram

KZ Tandingan and TJ Monterde

Kailan lang din ay nagviral ang video ng proposal ni TJ Monterde sa Facebook. Hindi lang kasi siya ang nag-propose sa nasabing video, kundi si KZ din. Sobrang gulat naman ng mga kaibigan nila na nandoon sa event dahil parehong may dalang singsing ang dalawa. Bukod dito, nag-alay din ng kanta si TJ para sa kanya at isang tearjerker na message. Dahil parehong busy ang dalawa sa kanilang mga shows at gigs, hindi pa rin kumpirmado kung kailan ang kasal. Pero katulad nila Moira at Jason na parehong singers at songwriters, excited din kaming malaman kung paano ang magiging wedding vows ng dalawa!

celebrity-weddings-philippines

Screenshot from Instagram

Kris Bernal and Perry Choi

Engaged na nga si Kris Bernal at business partner and long-term boyfriend na si Perry Choi. Bukod sa mga business ventures at fitness journey ni Kris, ngayon niya nga lang ibinahagi ang details ng kanyang love life. Sa birthday party nga ng kanyang boyfriend siya sinurpresa nito. Bukod sa business partner siya ni Kris, si Perry din ay isang chef. Mukha namang aabot pa this year ang kanilang wedding dahil kita naman sa dalawa ang pagka-organized at set sa kanilang mga goals!

celebrity-weddings-philippines

Screenshot from Instagram

Ayon sa Astrology, good year daw ang 2020 para magpakasal. Kaya naman bukod sa mga celebrity weddings na ito, baka ikaw na rin ang susunod!

 

SOURCE: PhilStar, Rappler

BASAHIN: LOOK: Joyce Pring ikinasal na kay Juancho Trivino #PringHomeTheJuanWedding dress ni Megan Young, less than 4,000 pesos lang!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner