Juancho Trivino and Joyce Pring wedding dinaluhan ng malalapit na kaibigan nila sa industriya ng telebisyon at pagbabalita.
Juancho Trivino and Joyce Pring wedding
Kasal na ang cool celebrity couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring. Ang detalye ng kanilang kasal unang naisa-publiko sa pamamagitan ng Instagram.
Kahapon, Linggo, February 9, 2020 ay opisyal nang naging Mr. and Mrs. Trivino ang celebrity couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino. Ang kasal ay ginanap sa garden ng Sofitel Philippine Plaza Manila.
Sa isang Instagram post isang araw bago ang kanilang kasal ay hindi nga napigilan ng actor at TV host na si Juancho na itago ang kanyang excitement.
Ang sweet niyang mensahe kay Joyce ay ito:
juanchotrivino
You are my today and all of my tomorrow.. See you tomorrow baby @joycepring #PringHomeTheJuan •
View this post on Instagram
A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino) on
Ganoon din si Joyce na idinaan sa isang biro na may kalakip na larawan mula sa kanilang pre-nup ang mensahe niya para kay Juancho.
joycepring
Boy, you gotta carry that weight,
Carry that weight long time. 🤷🏽♀️
Siargao adventures with @metrophoto.siargao for #PringHomeTheJuan. 🌞
View this post on Instagram
A post shared by Joyce Pring (@joycepring) on
Mga dumalo sa Juancho Trivino at Joyce Pring wedding
Sa araw ng kanilang mismong kasal, isa nga sa unang nagbigay ng updates ay ang aktres na si Gladys Reyes. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng isang video na kung saan makikita rin ang co-actors ni Juancho na sina Thea Tolentino and Phytos Ramirez. Si Gladys, Phytos at Thea ay nakasama ni Juancho sa isa sa mga naging programa nito sa GMA 7.
View this post on Instagram
Maliban kay Gladys Reyes ay nagbigay rin ng update tungkol sa Juancho Trivino at Joyce Pring wedding ang TV news anchor and reporter na si Connie Sison.
Tulad niya ay present din sa kasal ang mga Unang Hirit hosts na sina Lyn Ching-Pascual, Susan Enriquez, Suzie Entrata-Abrera and Mariz Umali-Tima.
View this post on Instagram
A post shared by Connie Sison (@connie_sison) on
Nagpunta rin sa kasal sina Arnold Clavio, Raffy Tima at Mike Enriquez na tumayong mga ninong ng celebrity couple sa kasal. Pati na ang doctor to the stars na si Dra. Vicki Belo kasama ang kaniyang partner na si Hayden Kho.
Cool wedding ni Juancho at Joyce
Tulad ng kanilang personality ay very cool din ang wedding nina Juancho at Joyce. Maliban sa ito ay garden wedding, overlooking din ang kanilang venue sa Manila Baby.
Very fresh and sweet rin ng look ni Joyce suot ng kaniyang wedding dress. Ito ay dinesenyo ng French-Israeli designer na si Liz Martinez na tinernohan niya ng pares ng leather boots.
Habang ang cream suit naman ni Juancho ay dinisenyo ng Filipino designer na si Nat Manilag.
View this post on Instagram
A post shared by Shania Aburquez (@shania_128) on
Sinelyohan nga nila ang kanilang pag-iisang dibdib hindi lang ng isang halik. Kung hindi pati narin ng isang high five na tanda ng very cool na relasyon ng dalawa.
View this post on Instagram
A post shared by Juan Carlo & Princess Joyce (@juancho_joyce) on
Relasyong Joyce Pring at Juancho Trivino
Kinumpirma ng celebrity couple ang kanilang relasyon noong Mayo ng nakaraang taon.
Sinundan ito ng kanilang engagement noong Agosto. Na kung saan ayon sa isang IG post ni Juancho ay kaniyang isinagawa sa Boracay. Ang surprised proposal hindi nga daw magiging successful kung hindi sa tulong ng mommy ni Joyce na noon ay nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
View this post on Instagram
Engagement shoot nina Juancho at Joyce
Ang kanilang engagement shoot ay isinagawa naman sa isla ng Siargao. Isa sa mga lugar na nagpapakita ng pagmamahal ng dalawa hindi lang sa isa’t-isa. Kung hindi pati narin sa mga bagay na masaya nilang ginagawa, ang pag-byahe at pag-susurfing.
View this post on Instagram
A post shared by Metrophoto Siargao (@metrophoto.siargao) on
Ayon sa isang YouTube post ni Juancho, ikinuwento niya na una silang nagkakilala ni Joyce noong April 2014. Ito ay sa isang event na kung saan si Joyce ang host. Muli na nga umano silang nagkita noong parehong mag-host sa GMA7 morning show na Unang Hirit.
Base parin sa isang social media post ng aktor, ang kanilang kasal ay dapat gaganapin sa Tagaytay. Ngunit kailangan nilang baguhin ang kanilang plano dahil sa biglaang pagputok ng bulkang Taal.
Source:
Rappler, ABS-CBN News, GMA News
LOOK: Pre-nup photo shoot ni Joyce Ching at ng non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon