Ikinasal na si Miss World 2013 titleholder Megan Young sa aktor at kanyang longtime boyfriend na si Mikael Daez. Matapos ang kanilang secret wedding noong January 10 na mayroon lamang 10 guests, ikinasal sila uli sa Zambales nitong January 25.
Picture from Metrophoto
Megan Young wedding dress
Sa kanilang unang wedding isinuot ni Megan ang simpleng asymmetric puff sleeve dress na nagkakahalaga lamang ng 3,590 pesos. Ito ay mula sa isang local clothing brand na Zoo Label.
https://www.instagram.com/p/B7vEb5IBbA7/?utm_source=ig_embed
Ang second wedding naman ay ginanap sa Subic, Zambales kung saan siya lumaki. Dito, nagsuot siya ng dalawang gowns na simple pa rin. Ito ay gawa naman ng kanyang designer friends na si Patricia Santos at Boom Sason.
Ayon sa kanya, gusto niyang mag-focus lamang kay Mikael at sa ceremony. Dahil nga bilang celebrity, palagi silang nagsusuot ng mga magarbong damit. Para sa kanya, ispesyal ang mga dress na kanyang sinuot dahil likha ito ng kanyang mga kaibigan.
Isa lamang daw ang kanyang naging request para sa designs, “no beadwork, no shiny stuff”. Mas mahalaga raw kasi para sa kanya ang comfort. Gusto niya rin na makita ng mga tao ang kanyang pagiging simple at lowkey.
Bakit nga ba nila ito ginawang secret ceremony?
Picture from Metrophoto
Sa isang interview, sinabi ni Megan kung bakit nga ba nila ginawang sikreto ang kanilang wedding. “We are already in the public eye. So, there are things that we just like to keep to ourselves.” Makikita naman talaga sa dalawa na simula pa noon ay hindi sila masyadong showy sa kanilang relationship.
Limang taon na simula noong na-engage ang dalawa at 9 years naman simula nang sila ay maging officially dating. Bukod sa kanilang artista life, present din sa YouTube space ang couple na ito. Noong 2014 nagsimulang mag-vlog si Mikael at madalas ay gumagawa siya ng mga travel vlogs. Nagsimula naman siyang makakuha ng mga avid viewers simula noong sinama niya na si Megan sa kanyang mga videos.
Dito lang kasi nasusubaybayan ng mga tao ang kanilang relationship. Makikita sa mga travel vlogs nila kung gaano ka-simple at genuine ang dalawa.
Budget wedding dress
Hindi naman kailangang magarbo ang isusuot na dress para sa iyong wedding. Ang isang bagay lang na kailangan mong tandaan ay kung swak ba ito sa iyong personality.
Tulad ni Megan at Mikael, maraming celebrities na rin ang nagkaroon ng lowkey wedding noon at ilan sa kanila ay nagsuot din ng budget dresses.
Narito ang ilan sa mga budget dresses na puwede mong i-consider kung ikaw ay malapit nang ikasal.
https://www.instagram.com/p/B72RfAiplwU/?utm_source=ig_web_copy_link
Ang fringe dress na ito ay talaga namang punong-puno ng personality. Kung gusto mo ng budget dress na kakaiba, ito ay perfect para sa’yo!
https://www.instagram.com/p/B2ERKrthbN9/
Itong dress naman na ito ay para sa mga gusto ng silk dress na simple pero flattering sa iyong katawan.
https://www.instagram.com/p/BzuhUl7h4P2/
Chic dress at easy to wear naman ang peg ng dress na ito. Kung ang wedding mo ay destination wedding, swak na swak ito.
Kung malapit na ang iyong kasal at ikaw ay abala pa sa pagpaplano, ito ang dapat mong tandaan. Ang iyong wedding ay para sa inyo ng iyong magiging asawa. Wag masyadong magpa-stress sa mga paghahanda. Isipin lamang na ito ay magiging isa sa mga pangyayari sa iyong buhay na iyong babalik-balikan.
SOURCES: ABS-CBN News
BASAHIN: 50,000 pesos wedding budget? Kayang kaya mo na yan!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!