Sa latest vlog ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ay tinalakay nila ang ilang myths o sabi-sabi na nararanasan umano ng mag-asawa kapag nagkaanak na. Isa na nga rito ay ang tungkol sa pagkasira ng sex life na naging daan sa rebelasyon ni Solenn.
Solenn Heussaff takot makipagtalik muli matapos manganak
Ayon sa sexy TV host-actress na si Solenn Heussaff, mula ng siya’y manganak kay Thylane na ngayon ay 8 buwan na ay hindi pa ulit sila nagtatalik ng asawang si Nico Bolzico. Ito ay dahil natatakot pa siya at hindi pa handang gawin ito.
“Personally, I was C-sectioned. I don’t know if its subconsciously in my head but we are chopped down there from 9 different layers. So, I’m still a little bit scared and I’m not yet ready to be quite on this, and I know it’s been a while and some moms are like, ‘what the but’ that’s the truth.” Ito ang pag-amin ni Solenn Heussaff.
Larawan mula sa Instagram ni Solenn Heaussaff
Mabuti naman at very understanding ang asawa niyang si Nico. Ayon nga rito, handa siyang mag-antay kapag handa na si Solenn. Dahil hindi niya naman daw alam kung ano ang eksaktong pinagdaanan nito noong nagbuntis at nanganak. Kaya naman irerespeto niya ang desisyon nito. Aantayin niya umano ang oras na kapag ready na siyang sumabak ulit sa aksyon sa pakikipagtalik.
“For me, after the women gave birth, it’s on her time. We just need to wait as long as we need. Because we didn’t go through pregnancy. We supported the pregnancy and that has nothing to do with going through pregnancy. So, they are the bosses.”
“If they want to go back to action, we should be ready. Or if they want to wait, we should be ready. If they wanna try and then stop, we should be ready. And if they want to go in a different direction from before, we should be ready.” Ito ang pahayag ni Nico.
Larawan mula sa Instagram ni Solenn Heaussaff
Kailan ang tamang oras na makipagtalik muli matapos manganak?
Ang pagkaramdam ng takot na makipagtalik muli ay normal lamang na nararanasan ng mga first time mom. Ito’y dahil natatakot pa sila na maaaring maging masakit ito o kaya naman ay maging dahilan ito ng pagbuka ng kanilang tahi. May iba namang natatakot na makipagtalik sa takot na baka sila ay agad na mabuntis.
Pero pagdating sa tamang oras ng pakikipagtalik pagkatapos manganak, ang mahalagang payo ng mga eksperto ay kumonsulta muna sa iyong doktor. Dahil ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, maraming factor na dapat i-consider bago gawin muli ito.
Para sa mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng normal vaginal delivery, ang unang apat na linggo pagkatapos manganak ay panahon kung saan very susceptible ang vagina sa impeksyon. Lalo na ang mga nakaranas ng episiotomy o surgical cut sa vagina. Kaya payo ng mga doktor ay palipasin muna ang anim na linggo bago makipagtalik muli. Dahil ito rin ang tamang panahon kung kailan ganap ng natatapos ang pagdurugo o bleeding pagkatapos manganak.
Ganito rin naman ang ipinapayong tagal o panahon na dapat antayin ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng C-section delivery. Pero muli mas mabuting magpa-konsulta muna sa doktor at hingin ang go signal nito bago makipagtalik muli.
Tips para sa mga bagong panganak na babaeng natatakot makipagtalik muli
Ngunit maliban sa pakikipag-usap sa iyong doktor, payo ng OB physician na si David Puls, dapat ay makipag-usap din sa iyong partner tungkol sa postpartum sex. Lalo na kung hindi pa handa o natatakot na gawin itong muli.
Maging open at kausapin tungkol rito ang iyong partner
“Discuss concerns with your partner as well. Patience and understanding are part of a good relationship.”
Ito ang pahayag ni Dr. Puls. Dahil mahalaga raw ang pagiging open sa iyong partner tungkol sa usapin ng sex.
Dapat din umano ay pakinggan ng isang babae ang kaniyang sarili. Huwag itong pilitin kung hindi pa talaga siya komportable.
“Women need to listen to their bodies and their providers with regards to increasing physical activity, as well as when to return to sexual activities.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Puls.
Maging intimate pa rin sa iyong partner sa ibang paraan.
Kung sakali namang sa paglipas ng mahaba ng panahon at natatakot paring makipagtalik muli, mabuting humingi na ng professional help. Dahil kung ito ay mapabayaan ay maaari umano itong magdulot ng resentment sa isang relasyon. Ito’y ayon sa New York sex coach na si Amy Levine. Payo niya, maging physically intimate pa rin sa iyong partner. Hindi man sa paraan ng pagtatalik ngunit sa pamamagitan ng mga haplos at halik.
“If there’s no physical intimacy, or if it’s really limited, couples start to feel like roommates, which is rarely a good thing. Feeling disconnected can lead to resentment. So, start with kissing or touching each other in a loving way, and work your way up to post-delivery sex when you’re ready.”
Ito ang pahayag ni Levine.
Huwag mahiyang makipag-usap sa ibang babae tungkol sa kanilang naging karanasan.
Dagdag pa niya, mukha mang nakakatakot kung iisipin ngunit mas mai-enjoy umano ng mga babae ang sex atfer birth. Ito’y dahil mas binubuhay ng panganganak ang ating katawan sa mas marami pang sensations o pakiramdam. Kaya naman lalo tayong nagiging alive at nagiging sensitive sa stimulation. Base umano ito sa karanasan ng maraming kababaihan.
“Giving birth awakens us to a range of sensations, and as a result, our bodies, particularly our genitals, become more alive, increasing our pleasure potential. Many women report more comfort with their bodies and more intense orgasms after having kids.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Levine.
Para mapatunayan ito ay huwag mahiyang magtanong sa mga kaibigan mong babae na nakapanganak na. Pakinggan ang kanilang naging karanasan upang masagot ang iyong mga tanong at mapawi ang takot na iyong nadarama.
BASAHIN:
Regine Tolentino: “Very traumatic experience” ang panganganak ngayong pandemic
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!