Sobrang adorable ng Instagram story ni Kris Bernal kamakailan. Makikita kasi ang new milestone ng kaniyang daughter na si Hailee Lucca sa nasabing IG story.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kris Bernal proud na nakakaupo na ang anak nang walang alalay
- Paboritong era ang motherhood
Baby Hailee ni Kris Bernal nakakaupo na nang di inaalalayan
Isang cute photo ang ibinahagi ni Kris Bernal sa kaniyang Instagram story kamakailan. Sa nasabing IG story, makikita na nakaupo ang kaniyang anak sa crib o higaan nito.
Maikling caption lang ang makikita sa Instagram post ng aktres. Ayon kay Kris, pina-practice na umano ng kaniyang baby daughter na umupo nang walang assistance ng sino man.
“Practicing up without assistance,” ito ang maikling caption ni Kris.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
Matatandaang isinilang si Baby Lucca Hailee noong August 2023. Ilang buwan na lamang ay mag-iisang taon na ito. Kaya naman proud na proud ang celebrity mom sa bagong milestone na ito ng kaniya baby girl.
“Being a mama is my favorite era”
Noong Pebrero 2024, nagbahagi rin si Kris ng heartwarming Instagram post kung saan ay ipinahayag nito ang kaniyang nararamdaman bilang isang ina.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
Aniya, overwhelming ang motherhood pero grateful umano siya sa era na ito ng kaniyang buhay.
“I sometimes feel suffocated by motherhood but I also found my purpose. I feel so many emotions in one day. It’s overstimulating, it’s hard, and it’s some of the most challenging, most rewarding days of my life,” saad ng aktres.
Hindi man umano siya perpektong mommy alam niyang walang magmamahal sa kaniyang anak nang kasing lalim ng pagmamahal niya rito bilang isang ina.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
“As a mother, I’m not perfect, I make mistakes, I forget things, I lose my cool. And, some days I go a little crazy but it’s okay because in the end, no one could ever love my child the way I do. And, at the end of every day, no matter how exhausted, burnt out, overwhelmed, and behind I am with the world, I just do it. Because I’m a mother. I wouldn’t want it any other way.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!