Kris Bernal at Perry Choi nililibot ang Europe para sa kanilang honeymoon!

Binahagi rin ni Kris ang kaniyang mga naging adjustments noong siya ay ikinasal na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa wakas ay natuloy na rin ang honeymoon ng aktres na si Kris Bernal at husband niya na si Perry Choi. 2021 pa nagpakasal ang dalawa, ngunit ngayon lang sila nag-out of the country para sa kanilang honeymoon.

Maaaring mabasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Honeymoon nina Kris Bernal at husband niyang si Perry Choi
  • Mga pagbabago sa daily routine ni Kris Bernal 

Honeymoon nina Kris Bernal at husband niyang si Perry Choi

Sa kaniyang Instagram post ibinahagi ni Kris Bernal na matutuloy na ang honeymoon nila ng kaniyang husband na si Perry Choi. Aniya, makaka-alis na sila ng Pilipinas para sa kanilang belated na honeymoon na magaganap sa Europe.

Today, we finally leave the Philippines for our long-awaited/long overdue/belated honeymoon in Europe.”

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Ayon pa sa caption ni Kris Bernal, ang kanilang naging first stop ay sa London para na rin sana concert ni Adele, kaso hindi lang umabot ang kanilang visa. Sinabi rin ng aktres na naibenta nila ang kanilang mga tickets.  

“A month-long trip! Our first stop was supposed to be in London for Adele’s concert. Unfortunately, the UK Visa did not make it. Thankfully, we were able to sell our Adele tickets. The rebooking cost us a lot. Huhu. We rebooked and rerouted our flight to Switzerland. Then to Netherlands, Germany, Czech Republic, Austria, Italy, France, Spain and the list goes on! 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Mga pagbabago sa daily routine ni Kris Bernal 

Sa YouTube channel ni Kris Bernal makikita ang vlog kung saan ipinakita ng aktres ang pagbabago sa kaniyang daily routine bilang kasal na siya.

Ayon kay Kris, isa sa gusto niya ay magkaroon sila ng sariling aso sa kanilang condo. Kasi ayaw ng kaniyang mommy na dalhin niya ang kanilang mga aso dahil baka ‘di niya ito matutukan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So gustong-gusto ko magkaroon ng aso dito sa condo, gusto kong mag-alaga ng aso, I want to have a pet of my own. Kasi ayaw ng mommy ko na dalhin ko yung mga aso ko dito, baka hindi ko matutukan. Nagpabili ako sa asawa ko, gusto ko pa ‘yong parang chihuahua…”

Ngunit imbis na aso raw ang kunin ni Perry, tortoise daw o pagong ang inuwi nito sa kanila.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Kris na Ptero ang pangalan ng kanilang alaga dahil gusto raw ng kaniyang asawa ng pterodactyl, kaya ito ang naging pangalan ng alaga. Dagdag pa niya, masaya naman siya kay Ptero.

Ipinakita rin ni Kris ang kaniyang pag-aalmusal at pag-inom ng vitamins. Matapos nito, naghugas din si Kris ng pinagkainan. Kwento niya, sa kanilang bahay noon, tambak ang kanilang hugasin dahil gabi na madalas silang naghuhugas ng pinagkainan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Fun fact, again. When I was still staying with my mom, tambak ‘yong dishes ng gabi. Usually, lahat ng mga pinagkainan namin pag gabi na namin hinuhugasan para isang hugasan na lang, isang effort na lang but with Perry, hindi pwede. Dapat pagkakain mo, hugas na agad. Ganoon kalinis ‘yong asawa ko.”

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Ayon kay Kris, noong bumukod sila, na-realize niya ang lahat ng sakripisyo para sa kaniya ng ina. Aniya, spoiled siya dahil hindi siya natuto ng mga basic na gawaing bahay, kung kaya kailangan niya pa ng training mula sa ina. 

Isa rin sa ginawa ni Kris ang mag-mop at mag-vacuum ng sahig, kama, sofa at mga upuan. Pag-amin ni Kris, hindi siya marunong gumamit ng washing machine kung kaya tinawagan niya muna ang asawa at nagtanong paano ito gamitin. Sinagot naman din ito ni Perry at tinuruan si Kris.

Binahagi rin ng aktres kung ano ang laging gusto sa kaniya ng kaniyang husband.

“Alam mo naman ‘yong asawa ko, gustong-gusto niya talagang syempre bigyan ko siya ng oras. Yun lang naman yung request niya lagi, bigyan ko siya ng oras, tigilan ko ‘yong kaka-phone kapag kasama ko siya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi rin ni Kris na na-realize niyang ang mga duties ay dumoble simula nang siya’y makasal, ngunit hindi siya nagrereklamo rito. Aniya, dahil naging triple naman ang kaniyang kasiyahan. Sa huling bahagi ng vlog, ibinahagi ni Kris ang best lesson na natutunan niya simula noong mag-move in sila ng asawa. 

“Actually, there’s no winning when you’re on the same team. Meaning we don’t keep track or we don’t keep tally of our shortcomings. Hindi kami nagbibilangan kung ano yung mga pagkukulang namin, kung ano ‘yung mali namin but we’re both open to adjustments. 

So I guess, gano’n na rin siya. If you really love the person, you’ll be open for adjustments.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nichole Samson