Kris Bernal sinabing maraming challenges siyang naranasan sa breastfeeding. Pero magkaganoon man, ang pagpapasuso very worth it naman daw sa benepisyong bigay nito para sa kaniyang baby.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kris Bernal on breastfeeding.
- Motherhood journey ni Kris Bernal.
Kris Bernal on breastfeeding
Nitong nakaraang buwan ay ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal ang kaniyang karanasan sa breastfeeding as a first-time mom. Kabilang na dito syempre ang paggising sa kada dalawa o tatlong oras para magpadede sa kaniyang newborn. Pati na ang pananakit ng likod, suso at cracked nipples na talaga nga namang napakasakit.
Hindi man madali, ang aktres patuloy sa pagbibigay ng breastmilk sa kaniyang baby. Sapagkat ang challenges naman daw na dala nito ay worth it dahil narin sa benepisyong bigay nito sa kaniyang baby.
“The challenges of breastfeeding. I do it because it’s worth it. Just thinking about the many benefits of breastfeeding for my baby, it’s worth fighting for, it’s worth the sacrifices. But I’ll be honest, it’s not easy for every mama. Period.”
Ito ang pahayag pa ni Kris sa isa niyang Instagram story.
Motherhood journey ni Kris Bernal
Ang pagpapasuso ay isa lang sa bahagi ng pagiging isang ina na talaga nga namang sumubok kay Kris. Pero ayon sa aktres nai-enjoy niya ang learnings at experience na itinuturo sa kaniya ng pagiging isang ina. At as a first-time mom sa anak na si Hailee ay mas naiinlove rin siya sa pagdaan ng mga araw na nakikita niya itong lumalaki na bunga ng kaniyang pag-aalaga.
“KUMUSTA AKO? Most days, I’m a broken mess, makeup-less w/ panda eyes, in nursing bra, and haphazard mum-bun 😅 Standing, fighting, trying! 💪🏼 I realized I’ve lost myself in motherhood. Constantly learning, growing, and adapting. Motherhood pushes me, willing or not, into growth, evolution, metamorphosis. It’s painful and amazing and it just is. 💛”
Ito ang sabi pa ng aktres sa kaniyang motherhood journey as a first-time mom.