Kris Bernal sa nalalapit na panganganak: “Am I ready? I feel like I haven’t mentally prepared my brain for birth and motherhood!"

Dalawang buwan na lamang at makakasama na ng aktres na si Kris Bernal ang kanyang first baby ngayong Agosto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malapit na makapiling ng aktres na si Kris Bernal ang kanyang first baby. 

Kris Bernal manganganak na sa August

Kris Bernal, mixed emotions ang nararamdaman ngayong malapit na ang due date sa panganganak.

“Me realizing there’s only 2 months left until this baby has to come out,” caption ni Kris sa kanyang Instagram. Makikita rin ang video na mukha itong kinakabahan. 

Gustong gusto na ng aktres makita ang kanyang baby girl. Naiinip na nga ito sa kanyang 3rd trimester. 

Ito ay bagong journey ng aktres sa kanyang buhay. Umamin rin ang aktres na hindi pa siya mentally prepared na maging mom. 

Shinare ni Kris ang mga lows ng kanyang pregnancy journey. Ito ang isa sa mga reality ng mga pregnant moms. | Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Am I ready? I feel like I haven’t mentally prepared my brain for birth and motherhood! I have just so many ‘unknowns," dagdag niya pa sa kanyang caption.

Marami man daw siyang hindi alam, sure naman siyang unti-unti rin niya matutunan ang motherhood.

Ayon pa sakanya, hindi naman pinanganak ang mga babae na alam ang mga ito. Kaya naman one step at a time ang gagawin ni Kris. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Proud si Kris sa pagbabago sa katawan sa kanyang pregnancy, kahit  minsan may insecurities ito. | Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal

Binandera ni Kris ang ilang pagbabago sa kanyang katawan sa kanyang pregnancy journey.

Pinakita ng aktres ang kanyang stretch marks at ang pangingitim ng kanyang katawan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Buhay buntis: Dark armpits, dark batok, dark singit + stretch marks starting to show up,” nakalagay sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, okay lang ito pag-usapan dahil isa ito sa mga katotohanan na pinagdaanan ng mga pregnant moms. Ibinahagi rin niya na minsan ay nakakaramdam siya ng insecurities

Lalo na minsan feeling niya ay hindi na siya maganda o attractive. Feeling rin niya ay palagi siyang bloated at hindi na tulad ng dati ang kanyang katawan. 

Pero sinabi rin ng aktres na ito ay normal at ito ang reality. Hindi dahil sinasabi niya ang lows ng kanyang pregnancy ay ungrateful na siya. 

Kung matatandaan, noong March inanounce ni Kris at ng kanyang  non-showbiz asawa, Perry Choi ang kanilang bagong journey. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva