Kristine Hermosa nagdiwang ng kaniyang 40th birthday. May mensahe sa mga taong malalapit sa kaniya. Partikular na sa mister na si Oyo Boy Sotto na tinawag niyang best husband and friend.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kristine Hermosa 40th birthday celebration.
- Mensahe ni Kristine sa mister na si Oyo Boy Sotto.
Kristine Hermosa 40th birthday
Kahapon ay nagdiwang ng kaniyang 40th birthday ang aktres na si Kristine Hermosa. Ito ay ibinahagi niya sa Instagram kalakip ang ilang latest na larawan niya habang nagwoworkout.
“Yes, I’m officially 40! 😱 (so blessed to have made it in this ever changing world🙏🏻)
Now, I shall take my time, bask on every God given moment and continue to be like Jesus.❤️🙏🏻”
Ito ang sabi ni Kristine sa Instagram tungkol sa kaniyang 40th birthday.
Si Kristine na tila hindi tumatanda ay may mensahe ring ibinigay sa mga taong naging bahagi ng 40 years existence niya. Lalo na sa mister at mga anak niya na siyang nangunguna sa ngayon sa priorities niya. Tinawag pa nga niyang best husband ang mister na si Oyo para sa kaniya.
Mensahe ni Kristine sa mister na si Oyo Boy Sotto
Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa-Sotto
“Oyo, you are the best husband and friend I could ever ask for ❤️
I LOVE YOU WITH ALL MY HEART. ❤️”
“To my beautiful children, you are incomparable!❤️🥰 I LOVE ALL OF YOU ENORMOUSLY & EQUALLY ..😘”
Ito ang sabi pa ni Kristine.
Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa-Sotto
Si Oyo syempre may mensahe rin sa misis na si Kristine sa birthday celebration nito na sinimulan nila sa isang workout. Ito ang pagbati ni Oyo kay Kristine sa 40th birthday nito.
“Birthday workout! Happy birthday to the love of my life😍 I thank God for your life! We are truly blessed to have you…😊 Thank you sa lahat ng ginagawa mo para sa amin, I love you so much!❤️ #40”
Happy birthday Kristine Hermosa!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!