Kristine Hermosa-Sotto pregnant sa baby number 6 nila ni Oyo Boy Sotto: “Kahit pa ang dami nila, parang laging 1st time”

Masayang inanunsyo ni Kristine Hermosa sa social media na siya ay buntis sa kanilang baby number 6 ng asawang si Oyo Boy Sotto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kristine Hermosa buntis! Masayang inanunsyo ni Kristine Hermosa ang kaniyang muling pagbubuntis. Sa edad na 40 ay pregnant ang wife ni Oyo Boy Sotto sa kanilang baby number 6.

Kristine Hermosa buntis sa kanilang baby number 6: “Parang laging first time”

“Another one on the way,” ito ang pahayag ni Kristine Hermosa sa kaniyang post sa social media. Aniya, malakas ang paniniwala niya sa power at faithfulness ng Panginoon sa kaniyang buhay.

Hindi man aniya inexpect ay hopeful pa rin siya na bibiyayaan sila ng mga anak ni Oyo Boy Sotto. At ngayon nga ay hindi lang isa kundi magiging anim na ang kanilang anak.

Larawan mula sa Instagram ni Kristine Hermosa-Sotto

“I may at times feel discouraged but I always have a strong sense of security that only God gives — I know He’s got our backs all the time. To be honest, I was hopeful but never really expected He would bless us with children.. like.. lots of them and another one on the way…” saad ni Kristine sa kaniyang Instagram post.

Buntis nga si Kristine Hermosa sa kanilang ika-6 na anak ni Oyo Boy Sotto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, “Funny as it may seem, but I still get those butterflies every time I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.”

Larawan mula sa Instagram ni Kristine Hermosa-Sotto

Ibang level ang emotions each stage of  every pregnancy

Ibinahagi rin ng buntis na si Kristine Hermosa na ibang level umano ang kaniyang nararamdaman sa bawat niyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, “Iba’t ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy. Ibang level din when you can already see and hear the heartbeat. Iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God.”

Samantala, inulan naman ng pagbati ang social media post ni Kristine mula sa mga kaibigan sa showbiz at maging mula sa mga netizen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan