Kryz Uy at Slater Young 3rd baby gender reveal: “Road to #skyfam basketball team lets go”

Kryz at Slater humiling ng girl sana pero another baby boy ang ipinagkaloob sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kryz Uy at Slater Young ni-reveal na ang gender ng kanilang third baby.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kryz Uy at Slater Young third baby gender reveal.
  • Reaction nila Kryz Uy at Slater sa gender ng kanilang pangatlong anak.

Kryz Uy at Slater Young third baby gender reveal

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Isinagawa na ng mag-asawang sina Kryz Uy at Slater Young ang gender reveal ng kanilang third baby. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ni Kryz ng kaniyang 34th birthday. Sa kanilang vlog ay ibinahagi ni Kryz ang nararamdaman nila sa paparating na bagong blessing sa kanilang pamilya. Ayon sa soon-to-be mom of three, syempre hiling ng kanilang pamilya ay sana magka-baby girl na sila. Ito rin daw ang hinala niya dahil narin sa naiibang sintomas ng pagbubuntis na nararanasan niya kumpara sa pagbubuntis noon sa mga anak na sina Scottie at Sevi.

“Slater really think it’s a girl. Scottie really wants it to be a girl. And Sevi really wants to wear whatever Scottie's wearing. So we are all gonna be wearing pink today.”

Ito ang sabi ni Kryz sa kanilang vlog na kung saan ang buong pamilya nga nila ay nakasuot ng pink pagdating sa venue.

Kasama ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ay ni-reveal ng mag-asawa ang gender ng kanilang 3rd baby. Sa gitna ng isang platform ay hinatak ng mag-asawa na bitbit ang dalawa nilang anak ang mga taling nagbagsak ng kulay asul na lobo at confetti. Ito ang palatandaan na baby boy ang pangatlong pagbubuntis ni Kryz.

Larawan mula sa YouTube vlog ni Kryz Uy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaction nila Kryz Uy at Slater sa gender ng kanilang pangatlong anak

Sina Slater at Kryz nalungkot man ng konti dahil hindi ang hiniling na girl ang magiging gender ng kanilang 3rd baby ay masaya parin sila. Inaasahan na nga rin daw ni Kryz na mas iingay pa at magulo ang kanilang bahay dahil tatlong batang lalaki na ang titira dito. On the good side, ayon kay Slater, sa pangatlong boy ay alam na nila ang gagawin nila at hindi na mabibigla pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It would have been nice to have a baby girl just because I don't know that feeling yet. Other than that, sanay na tayo sa boys kaya na natin.”

Ito ang sabi pa ni Slater Young.

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement