Isang kilalang vlogger at mommy ng kaniyang mga baby na sina Scottie at Sevi si Kryz Uy. May 2022 nang manganak si Kryz Uy sa kaniyang pangalawang baby na si Sevi.
Mababasa sa artikulo na ito ang sumusunod:
- Mga realizations ni Kryz Uy sa pagiging mommy
- Nakatulong kay Kryz Uy para sa pag-aalaga ng kaniyang newborn
Mga realizations ni Kryz sa pagiging mommy
Sa kaniyang YouTube channel ibinahagi ni Kryz Uy ang ilan sa mga naranasan niyang pagkakamali noong una siyang magka-baby. Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang mga pagbabagong ginagawa niya sa kasalukuyan. Una, tungkol sa pagtulog o sleep. Ika niya, isa sa mga prayoridad ay ang pagtulog ng mga bagong silang na sanggol.
“Point number 1 is about sleep. I think a first time mom or any mom, the priority is really how to get your newborn to sleep through the night. Because sleep is something that will come by so rarely when you’re a new mom.”
Aniya pa, ang unang tatlong buwan ng mga sanggol sa mundo ay tinuturing ding fourth trimester. Sa una hanggang tatlong buwan din ng mga sanggol ay nagko-cope pa ang mga ito.
“As much as possible we wanna make the environment very womb-like so they’ll be most comfortable. Which brings me to the first ever mistake that I did.”
Kwento ni Kryz, noong newborn pa lang si Scottie, marami ang nagsasabi sa kaniya na dapat niyang sanayin ang anak na matulog sa maingay na paligid. Gaya ng pagsalita gamit ang normal na boses, marinig ang ingay ng vacuum, coffee machine. Ang lahat ay dapat maging normal para masanay ang bata na matulog kahit saan, ang mga ito raw ay mali.
“Everything should be normal, so that you’re training him to sleep wherever and he’s not gonna be a picky sleeper.“
Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy
Paliwanag niya, ang mga adults o matatanda nga’y hindi makatulog kapag maingay ang paligid at maliwanag. Paano pa kaya ang mga baby na nasanay sa dilim ng sinapupunan. Pagpapatuloy pa niya, noong newborn pa lang si Scottie palagi silang nasa kanilang living room. Dagdag pa ang liwanag, kaya marahil hindi ito nakakatulog. Ngayon kay Sevi, natutulog na ito sa kaniyang sariling kwarto.
“And now with the amount of research that I’ve done and also the experience that I have, Sevi sleeps in his own room. We put the white noise on, we close the blinds, sometimes we let little light peek in so that he knows the difference between nap time and evening time. So it’s like very womb-like burning environment.”
Ipinakita rin ni Kryz ang crib ni Sevi at kung ano ang maaaring gawin dito gaya ng maaaring mas makita ang baby kapag ito’y umiiyak. Matapos nito’y ibinahagi niya ang pangalawa niyang pagkakamali. Sinabi niya na masyado raw silang nagi-intervene.
Pagkukwento ni Kryz, noong newborn pa lang si Scottie, kada inda at maliliit na ingay na nagagawa nito, agad niya itong inaalalayan. Agad niya ring inaalam kung maayos din ba ang lagay ng anak.
“I was super duper panicky, which was wrong because now I’ve learned that babies are usually in the REM sleep and babies are really fussy when they sleep.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy
Paliwanag ni Kryz, kapag nasa REM ang baby, magpo-fuss, magwi-whin at gagalaw ang mga ito at normal lang ang ganito. Aniya, ang pagpasok sa kwarto at pagtapik para makatulog o pagbuhat sa mga ito ang maaari pang maging sanhi para magising ang baby.
“If you come in and rush to pat them back to sleep or to carry them because you think they’re not comfortable then you could possibly waking them up. You are the cause, your anxiety and the worrying in your head is actually the cause of why your baby can’t sleep.”
“So if you just let them be they are able to connect these sleep cycles on their own, they’re more likely to fall asleep back on their own without you intervening.”
Aniya, lesson learned at ginagawa niya ngayon kay Sevi, kung gusto nito mag-fuss, binibigyan niya ito ng pagkakataong mag-fuss. Inoobeserbahan din niya muna ito bago tumakbo at gawin ang sa tingin niyang kailangan gawin. Dagdag pa ni Kryz, alam niyang nakakabahala ang pag-iyak at pag-fuss ng mga baby pero kung minsan hindi nito gustong magpabitbit kundi nais iparating na hindi ito kumportable.
Nakatulong kay Kryz para sa pag-aalaga ng kaniyang newborn baby
Binanggit din ni Kryz Uy ang “Mom’s On Call schedule”, aniya isa itong libro na nakapagpabago ng motherhood para sa kaniya.
Naka-outline rin ang kailangan dito, ipinakita rin ni Kryz ang tipikal na araw para sa isang two-four week old, gaya ng kung anong oras ang kanilang pagkain, pagtulog, pagligo at iba pa. Aniya, sinusunod niya ito ilang araw pa lang ang nakararaan at nagkaroon na ito ng malaking pagbabago sa kaniya.
Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy
Sa pagsunod dito ni Kryz Uy ay may napansin na siyang development kay Sevi. Kasama na rito ang sleeping patterns ng kaniyang newborn baby.
“At five weeks, Sevi was already able to sleep for 8 hours. This isn’t consistent, it’s not every night. It only happened once.”
Inirekomenda rin ni Kryz na subukan ang feeding schedule para sa baby at sinabing magpa-check sa mga pediatrician. Aniya, pumayag ang kaniyang pediatrician na sundin ang schedule. Dagdag pa niya, bago gumawa ng kahit ano’y magtanong muna sa mga pediatrician.
Isa rin sa mga pagkakamaling nabanggit niya ang over-analyzing everything. Aniya, “we can’t over-analyze every single thing, it gives us less anxiety if we just let things happen and I totally totally agree”.
Sa huling bahagi rin ng kaniyang vlog, sinabi niya ang kaniyang last tip. Lahad niya, “I’ve realized now that having a perfect life for your kids is actually not so good for them”. Pagpapaliwanag niya, kung ipaplano ang lahat para sa mga ito, papaano sila makakapag-deal sa mga kahirapan sa buhay.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!