Kryz Uy kapag nahuling nag-cheat si Slater Young: "I'm gonna be super praning."

Kryz Uy aminadong magiging praning na sa oras na huling mag-cheat ang mister na si Slater Young sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kryz Uy and Slater Young may trust sa isa’t isa. Ito daw ang dahilan kung bakit happy at chill ang kanilang pagsasama.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kryz Uy and Slater Young talks about cheating.
  • Ang sikreto sa masayang pagsasama nila Kryz Uy at Slater Young.
  • Mga palatandaan ng cheating sa isang pagsasama.

Kryz Uy and Slater Young talk about cheating

Isa sa mga sinusubaybayan at hinahangaang celebrity couple sa bansa ay sina Kryz Uy at Slater Young. Dahil sa mga social media post nila at vlog episodes ay makikitang very happy at contented ang dalawa sa kanilang buhay pamilya.

Base sa pinakabagong vlog at podcast episode nila Kryz at Slater ay ibinahagi ng mag-asawa ang sikreto ng masayang pagsasama nila. Ayon kay Kryz ito ay ang trust o tiwala nila sa kanilang relationship.

“Ngayon sa relationship natin we trust each other and we know that’s not gonna happen.”

Ito ang sabi ni Kryz na sinuportahan naman ni Slater.

“If I can't trust you without me having to look over your shoulder, parang there's no point in that relationship.”

Ito ang sabi naman ni Slater.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Slater Young's Facebook account

Ang pagtitiwala daw sa isa’t-isa ang numero unong dahilan kung bakit chill lang ang takbo ng relasyon nila Kryz at Slater.

Bagamat pag-amin ni Kryz sa oras na malaman niyang may ginagawang hindi maganda o mahuli niyang mag-cheat si Slater sa kaniya ay agad na may magbabago sa kaniya at sa takbo ng kanilang relasyon.

“If one day I find out something. I am not gonna be that Kryz na chill. I am gonna be that super praning. When you are at the shower ,I'm gonna get your phone. Every time you say I have a meeting, I'll say sinong kasama mo. So the relationship dynamic will change.”

Ito daw ang magiging reaksyon ni Kryz sa oras na mag-cheat sa kaniya si Slater.

Pero dagdag pa ni Kryz, sa pinagdaanan naman nila ni Slater ay alam niyang hindi ganoong klaseng tao ang mister. Bagamat noong una ay ito daw ang inaakala niya at warning sa kaniya ng mga tao sa paligid nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang bagay na napatunayan ni Kryz na hindi totoo ng lubos niya ng makikila si Slater at bumuo na sila ng kanilang pamilya.

Si Kryz Uy ngayon ay buntis sa pangalawang anak nila ni Slater. Ang panganay nila ay si Scottie na higit isang taong gulang na.

Image from Slater Young's Facebook account

BASAHIN:

Kryz Uy sa pagkakaroon ng COVID: “I was just in bed, trying to recover, watching TV all day.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes sa pagiging single mom kina Aki at Summer: "Sila lang ang kailangan ko to keep me going."

Michelle Madrigal napaiyak ng kaniyang anak na si Anika: “You are so appreciative!”

Mga palatandaan ng cheating sa isang pagsasama

Cheating ang isa mga dahilan kung bakit nasisira ang isang pagsasama. Ito ang isa sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga magkarelasyon na maaring magpatibay o magdulot ng lamat na madalas ay mahihirapan na silang maayos pa.

Ayon kay Robert Weiss, isang clinical sexologist at practicing psychotherapist, may mga mapapansing pagbabago sa isang tao sa oras na ito ay nag-cheat sa kaniyang karelasyon. Sa kaso ng mga mag-asawa, ito daw ang ilan sa palatandaan na maaring nag-cheat na si misis o mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Pag-iimprove ng appearance o look nito. Halimbawa nito ay kung bigla nalang nagi-exercise, pumoporma o nagpapa-sexy ang iyong asawa. Maaring ito ay kaniyang ginagawa para magmukhang attractive sa paningin ng iba. Lalo na kung ito ay ginagawa niya sa oras na hindi ka niya kasama o sa mga pagkakataong wala ka sa tabi niya.
  2. Nagiging masikreto siya sa paggamit ng cellphone o computer niya. Dahil maaring gamit ito ay may kinokontak o kinakausap siyang ayaw niyang ipaalam sayo.
  3. May mga pagkakataon na hindi mo ma-reach ang iyong asawa. O hindi siya sumasagot sa mga text o tawag mo lalo na sa mga oras na late na at hindi pa siya nakakauwi.
  4. Biglang nagkaroon ng pagbabago sa sex drive niya. Maaring mas ginanahan siya sa pagtatalik o may mga bagong nalalamang technique. O biglang nawalan siya ng gana dahil may iba na siyang pinapantasya o pinag-aaksayahan ng panahon.
  5. Nawawala na ang emotional intimacy sa pagitan ninyo. O mas madalas na siyang umiiwas sa tuwing nilalambing mo siya. Maari din namang mas gusto niyang mapag-isa kaysa mag-spend ng oras na kasama ka.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa palatandaan na posibleng nag-checheat ang iyong asawa. Pero ito ay hindi basehan para masigurong ginagawa niya ito. Para makampante at maagapan na hindi masira ang inyong relasyon may maari kang gawin.

Ano ang dapat gawin?

Home owner photo created by tirachardz - www.freepik.com 

Ang pinaka-magandang gawin para masolusyonan o maagapan itong tuluyang masira ang inyong relasyon ay makipag-usap sa iyong partner. Alamin ang nais at nasa isip niya.

Saka magkasundo sa ikakabubuti ng inyong pagsasama. Dahil sabi nga nila lahat ay nadadaan sa mabuting usapan.Lalo na isang pagsasama na napaka-halaga ng komunikasyon sa pagitan ng magka-relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement