Kryz Uy may sweet na mensahe sa eldest son niyang si Scottie sa 4th birthday nito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Scottie’s 4th birthday party.
- Kryz Uy birthday message to son Scottie.
Scottie’s 4th birthday party
Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy
Nitong June 2 ay nagdiwang ng kaniyang 4th birthday ang panganay na anak nila Kryz Uy at Slater Young na si Scottie. Ang kaniyang kaarawan ipinagdiwang ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng isang baking party. Sa mga larawang ibinahagi ni Kryz Uy sa Instagram ay makikitang enjoy na enjoy ang anak sa naging birthday niya. Dahil ayon kay Kryz, gustong gusto daw ni Scottie na gumawa ng sarili niyang Lightning McQueen cake. Kaya naman very happy ito na naisakatuparan niya ang wish niyang ito nitong birthday niya.
Kryz Uy birthday message to son Scottie
Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy
Samantala, sa hiwalay na Instagram post ay nagbigay naman ng emotional na mensahe si Kryz para sa anak. Dito niya ibinahagi kung gaano siya kasaya na dumating ang panganay na anak sa buhay niya. At kung paano nito nabago ang mundo nilang dalawa ni Slater bilang mga magulang.
“My dearest Scott Knoa. You are the boy who changed our lives forever. How has it already been 4 years??? 4 years of cuddles, 4 years of endless laughs and 4 years of the sweetest conversations.”
Ito ang bahagi ng mensahe ni Kryz sa anak na tinatawag daw siya na favorite being nito.
View this post on Instagram
Kaya naman si Kryz, feeling blessed sa ka-sweetan ng anak. Ibinahagi niya ring ito ang source of strength at comfort niya sa buhay.
“How have Daddy and I become so lucky to have you as our baby? You are my source of strength and my source of comfort even on my toughest days. (Crying while writing this bec it just hits so hard! Or maybe it’s the pregnancy hormones again lol) Just by being you, you make our lives so much better and brighter. We love you so much, our dearest Ahia, Scottie Boo!!”
Ito ang sabi pa ni Kryz Uy sa eldest son niyang si Scottie sa 4th birthday nito.
Larawan mula sa Facebok ni Kryz Uy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!