Kryz Uy ipinanganak na ang 3rd baby nila ni Slater Young: “Welcome to the world, our baby Saxon Kent”

Tingnan dito ang cute na mga larawan nila as family of 5.

Kryz Uy ipinanganak na ang third baby nila ng mister na si Slater Young.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kryz Uy ipinanganak na ang third baby nila ng mister na si Slater Young.
  • Reaksyon ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang pangatlong anak.

Kryz Uy ipinanganak na ang third baby nila ng mister na si Slater Young

kryz uy at slater young family

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng vlogger na si Kryz Uy na naipanganak niya na ang third baby nila ng mister na si Slater Young. Hindi pa man nai-kuwento ni Kryz ang detalye ng kaniyang naging panganganak ay makikitang naging very smooth ang delivery niya  sa maikling video na ibinihagi niya sa Instagram. Doon nga ay makikita na si Slater ang pumutol ng pusod ng kanilang baby. Ito ay nakangiti na tila kinakabahan sa pagsalubong sa third baby nila ni Kris.

Ang pangatlong anak nila Kris at Slater ay isa na namang lalaki. Ito nga ang napili nilang pangalan sa kanilang third baby boy.

“Welcome to the world, our baby Saxon Kent. We are so so so happy to meet you.”

Ito ang caption ng IG post ni Kryz tungkol sa pagdating ng kaniyang pangatlong anak.

kryz uy third baby with kuya scottie and kai

Larawan mula sa Instagram

Reaksyon ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang pangatlong anak

Sa latest post ni Kryz ay sinabi niyang nakauwi na sila ng bahay ni Baby Saxon. Si Slater hinahanda naman na ang sarili sa mangyayari sa oras na lumaki-lumaki na si Baby Saxon at kaya ng makipaghabulan sa mga older brothers niyang sina Scottie at Kai.

“First night home as a family of 5!!! Welcome home Little Cute! ❤️ Ang gulo na neto. 😅”

Ito ang sabi ni Slater na may kalakip na picture ng kanilang pamilya kasama si Baby Saxon.

Sa naturang post, si Kryz ay nag-comment na tila mukhang hindi na siya maghahabol pa na magkababae.

“Thank you Lord for our growing family but last na gyud ni hahaha”

Ito ang sabi pa ni Kryz Uy.

Welcome to the world Baby Saxon! Congratulations Kryz and Slater!

kryz uy and slater young third baby and family

Larawan mula sa Instagram

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!