Kulang sa tulog dementia at Alzheimer’s disease ang maaring kahantungan ayon sa isang bagong pag-aaral.
Kulang sa tulog dementia at Alzheimer’s disease
Mula sa pinagsamang data ng dalawang pag-aaral na “Rush Memory and Aging Project” at “The Religious Orders Study”, natuklasan ng mga researcher ng bagong pag-aaral na isinagawa sa University of Toronto na ang pagiging kulang sa tulog ay maaring maging sanhi ng sakit na dementia.
Ito ay dahil ang pagkakaroon umano ng chronic sleep loss o madalas na kakulangan sa tulog ay mas nagpapatanda ng utak ng isang tao ng mabilis. Mas pinapahina rin umano nito ang immune cells ng utak na ang epekto ay cognitive problems kabilang na ang sakit na dementia.
“Chronically losing sleep may cause inflammation of the brain and cause it to age faster. This was detected through actual, identifiable changes in the inflammatory cells of the brain.”
Ito ang pahayag ng third-year medical student ng University of Toronto na si Kirusanthy Kaneshwaran na kabilang sa nagsagawa ng bagong pag-aaral. Dahil maliban sa pag-analyze ng data ay sumailalim din sa cognitive test at exams ang 685 adults na edad 65-anyos pataas na kabilang sa ginawang pag-aaral.
Pagsasagawa ng pag-aaral
Ang ilan sa cognitive test na isinagawa sa participants ng pag-aaral ay ang pagpapaalala ng seven-digit number, mga salita, at larawan na kanilang nakita. Pinag-aralan rin ang quality ng kanilang tulog at ang epekto nito sa kanilang utak gamit ang Fitbit-like disease na ginagamit para masuri kung ang isang tao ay may Alzheimer’s disease. Dito nila natuklasan ang nakakabahalang epekto ng kakulangan ng tulog sa utak ng isang tao.
Ayon nga sa principal investigator ng ginawang pag-aaral at neurologist na si Dr. Andrew Lim, natuklasan nilang ang mga taong may maayos na tulog ay mas may bata o younger at less activated ang immune cells sa kanilang utak. Ang mga immune cells na ito ang nagsisilbing proteksyon ng utak laban sa sakit na dementia o Alzheimer’s disease.
Kaya naman payo ng mga nagsagawa ng pag-aaral, matulog ng maayos hangga’t maari. At kung nahihirapan na ito ay gawin o kaya naman ay madalas na nagigising ng paulit-ulit sa gitna ng pagtulog sa gabi ay magpatingin na sa doktor. Ito ay dahil maaring sign na ito ng sakit na dapat ng matingnan at agad na malunasan.
“But I think it adds one more reason to try and sleep better. What (for) many people might be annoyances — you know, waking up multiple times a night — can sometimes be a sign of something that needs to be dealt with.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Dr. Lim.
Tips para magkaroon ng masarap at mahimbing na tulog sa gabi
Para naman magkaroon ng maayos at mahimbing na tulog sa gabi ay narito ang ilang tips na maari mong gawin.
- Mag-stick sa isang sleep schedule ng pagtulog sa gabi at pagising sa umaga. Dahil sa ganitong paraan ay nireregulate ito ang body clock ng katawan na makakatulong sayong makatulog ng maayos at mahimbing.
- Magpraktis ng relaxing bedtime ritual tulad ng pagbabasa o kaya naman ay pagmemeditate bago matulog. Ito ay upang maalis ang stress o anxiety na gumugulo sa isip mo.
- Iwasang maidlip sa hapon upang makatulog ng maayos sa gabi.
- Mag-exercise araw-araw.
- Umiwas sa masyadong maliwanag na ilaw at siguraduhing ang iyong kwarto ay malayo sa source ng ingay o noise. Siguraduhin ding ito ay properly ventilated o cool.
- Matulog sa komportableng kama at unan.
- Iwasan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagkain ng sobra sa gabi. Dahil ito ay maaring magdulot sayo ng discomfort at hirap sa pagtulog.
- Alisin o ilayo ang mga computer, gadgets o cellphones sa iyong kwarto. Dahil ang ilaw na nagmumula rito ay makakasira sa pagkakaroon ng maayos na tulog mo.
Oo nga’t sinasabi na ang kulang sa tulog dementia o Alzheimer’s disease ang maaring kahantungan, ngunit ito naman ay maaring maiwasan. Kaya magpahinga at hayaan ang iyong sarili na matulog na kailangan at mahalaga sa iyong katawan.
Source: CTV News, Science Mag, Sleep Foundation
Basahin: 10 steps para mas maagang mapatulog ang bata