X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kulani: Sanhi, Sintomas at Gamot sa Pamamaga ng Lymph Nodes

8 min read

Kulani sa leeg o panga, madalas ka bang magkaroon nito? Alamin kung ano ang posibleng ibig-sabihin nito!

Mababasas sa artikulong ito:

  • Ano ang kulani?
  • Mga posibleng sanhi ng kulani sa leeg at panga
  • Kailan dapat kumonsulta sa doktor?

Karaniwang makakapa ang namamagang kulani sa leeg, na makikita sa ilalim ng panga, o di kaya kulani sa kili kili o singit. Kadalasang lumalabas ito kapag may sakit ang isang tao. Subalit ano nga ba ang kulani at bakit tayo nagkakaroon nito?

Talaan ng Nilalaman

  • Ano ang kulani?
  • Kulani sa leeg: delikado ba ito?
  • Mga posibleng sanhi ng kulani
  • Kulani ba o bukol?
  • May gamot ba ang kulani sa leeg?
  • Diagnosis at gamot sa kulani dulot ng ibang sakit
  • Kulani sa leeg: Dapat bang ikabahala ito?

Ano ang kulani?

kulani sa leeg

Larawan mula sa Unsplash

Paliwanag ni Dr. Regent Andre Piedad, MD, ang lymph nodes o kulani ay innate o bahagi ng sistema ng ating katawan na nagsisilbing proteksiyon at pansala (filter) ng dugo laban sa mga impurities tulad ng mga impeksyon.

Ang kulani ay maliliit na parang bukol o pabilog na cluster ng cells sa ating katawan. Sa loob nito ay iba’t ibang uri ng immune system cells. Ang mga ito ay nagsisilbing “filter” ng ating lymphatic fluid habang dumadaloy ito sa katawan at pinupuksa ang masasamang virus o bacteria.

Ang mga kulani ay nahahati sa iba’t ibang grupo para salain ang bateria sa isang parte ng katawan. Kaya naman makikita, makakapa o mararamdaman ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Madalas natin itong makapa sa ating leeg, subalit maari ring magkaroon ng kulani sa mga sumusunod:

  • sa kilikili
  • kulani sa panga o bandang likod ng tenga
  • sa may singit
  • nasa itaas ng collarbone
  • Sa mga bata, madalas makapa ang kulani sa bandang batok

Katunayan, ang pwesto o posisyon kung saan natagpuan ang kulani (lalo na kung namamaga ito) ay may kinalaman sa posibleng sanhi nito. Halimbawa, mapapansing mas malaki at namamaga ang kulani sa leeg kapag may aktibong bacterial o viral infection sa partikular na bahagi ng katawan gaya ng sipon at ubo.

Kapag kinakapa mo ang kulani ay malambot ito at gumagalaw. Minsan, may kaunting pananakit din na mararamdaman.

Kulani sa leeg: delikado ba ito?

Ayon kay Dr. Piedad, ang pamamaga ng kulani ay hindi naman delikado, bagkus ito ay senyales pa nga na protektado ang ating katawan. Ito ang unang pang-depensa ng katawan laban sa mga impeksiyon.

Ang pamamaga ng ating kulani ay isang senyales na gumagana ang ating lymphatic system para alisin sa katawan ang mga virus o bacteria na nakakasama sa ating kalusugan.

Subalit depende rin kung gaano na katagal ang kulani, dahil maaring isa itong sintomas o indikasyon ng mas malalang sakit.

Mga posibleng sanhi ng kulani

Ilan sa mga karaniwang sanhi ng pamamaga ng kulani sa leeg ay impeksyon, lalong lalo na ang mga viral infection gaya ng sipon at ubo. Narito pa ang ilang posibleng sanhi ng pamamaga ng kulani.

Mga karaniwang sanhi

  • Strep throat/tonsillitis
  • Measles
  • Ear infection
  • Ngipin na may nana (abscessed)
  • Mononucleosis
  • Sugat na naimpeksiyon

Para sa mga sanhing nabanggit, kadalasan ay sinasamahan ang kulani ng ubo, lagnat, sipon, pagpapawis at matinding pagod.

kulani sa leeg

Larawan mula sa Pexels

Hindi pangkaraniwang impeksyon

  • Tuberculosis
  • Mga sexually transmitted infection gaya ng syphillis
  • Toxoplasmosis o cat scratch fever

Mga sakit na may kinalaman sa immune system

  • Lupus
  • Rheumatoid arthritis

Mga uri ng cancer

  • Lymphoma — cancer na tumatama sa iyong lymphatic system
  • Leukemia — cancer na tumatama sa iyong bone marrow at lymphatic system
  • Mga uri ng cancer na lumaki at kumalat na sa iyong lymph nodes

Dahil dito, mahalaga na bantayan mo ang iyong kulani kapag napapansin na namamaga ito upang malaman kung ito ba ay dahil lang sa simpleng infection o posibleng senyales na ng ibang sakit.

Kulani ba o bukol?

Minsan naman, maaring may makapa kang bukol sa iyong leeg na akalain mo ay kulani subalit hindi pala. Kung matigas ang iyong nakakapa at parang bukol sa bandang gilid ng iyong lalamunan o adam’s apple, maaring mayroon kang thyroid nodule.

Ang bukol na ito ay sanhi ng mga sakit na may kinalaman sa thyroid gland gaya ng iodine deficiency o thyroiditis.

Iba ito sa kulani at kadalasan ay sinasamahan ng mga sumusunod na sintomas:

  • garalgal na boses
  • bahagyang pangangati ng lalamunan
  • hirap sa paghinga
  • hirap sa paglunok
  • parang nasasakal kapag nakahiga
  • minsan ay nagdudulot rin ito ng kulani

Kapag napansin ang bukol sa iyong leeg na sinasamahan ng mga sintomas na nabanggit, mas mabuting kumonsulta sa doktor para makumpirma kung ano ito at ang tamang lunas para rito.

May gamot ba ang kulani sa leeg?

Gamot sa kulani dulot ng viral infection

Kadalasan, kusa namang humuhupa ang pamamaga ng kulani sa leeg at hindi mo mamamalayan ay wala na ito.

Kung karaniwang impeksiyon lamang, pero nakakaramdam ng sakit sa namamagang kulani sa leeg, makakatulong ang pagdampi ng warm compress o mainit na tuwalya o bote na may maligamgam na tubig sa kulani.

Partner Stories
Max’s Corner Bakery Introduces New Cake Made with Award-Winning Malagos Chocolate in Time for Father’s Day 
Max’s Corner Bakery Introduces New Cake Made with Award-Winning Malagos Chocolate in Time for Father’s Day 
Pure Premium Care is Now Available in the Philippines: Mom's Best Treat on their Babies' Skin
Pure Premium Care is Now Available in the Philippines: Mom's Best Treat on their Babies' Skin
3 Game Changing Baby Products that’s Now Available
3 Game Changing Baby Products that’s Now Available
Have you seen McDonald's latest video “Sarap ‘Pag Nandito Ka”?
Have you seen McDonald's latest video “Sarap ‘Pag Nandito Ka”?

Pwede ring subukan ang mga gamot o pain reliever tulad ng aspirin, ibuprofen, naproxen o acetaminophen na puwedeng mabili sa botika nang walang reseta. Siguraduhin na walang allergy sa mga gamot na ito bago inumin. Iwasan lang ang pagbibigay ng aspirin sa mga bata at teenagers dahil ito ay dapat aprubado ng doktor.

Mahalaga rin kapag may viral infection na magkaroon ng sapat na pahinga, para gumaling agad at mawala ang mga sintomas gaya ng kulani.

BASAHIN:

Kulani sa kilikili: Dapat bang ikabahala?

6 warning signs ng goiter o problema sa thyroid na dapat bantayan

Pigsa sa kilikili, sintomas, lunas at paano ,maiiwasan ito

Diagnosis at gamot sa kulani dulot ng ibang sakit

Subalit kung nag-aalala ka sa iyong kulani, maari kang kumonsulta sa iyong doktor para makasiguro kung ano nga ba ang sanhi nito.

Isa sa mga itatanong niya ay kung nagkasakit ka ba o nagkaroon ng injury. Makakatulong ang impormasyong ito para mahanap ng doktor ang posibleng sanhi ng kulani. Aalamin rin niya ang iyong medical history.

Pagkatapos mong sabihin ang mga sintomas, maaring magsagawa ng doktor ng isang physical examination. Titingnan niya kung gaano kalaki ang iyong kulani at kakapain kung malambot ba ito. Pwede rin siyang magsagawa ng blood test para makita kung may kinalaman ito sa mga sakit gaya ng hormonal disorders.

Kadalasan, kung hindi viral infection ang sanhi ng kulani, ang tanging paraan para magamot ang kulani ay kapag nagamot na ang sakit na nagdudulot nito.

Kung hindi pa rin natutukoy ang sanhi, maaring mag-order ang iyong doktor ng mga karagdagang tests gaya ng CT scan, MRI scan, x-ray o ultrasound.

Kung kinakailangan, pwede rin siyang magpagawa ng lymph node biopsy kung saan may parang karayon na kukuha ng sample ng cells mula sa kulani. Subalit isinasagawa lang naman ito kapag may hinala ang doktor na ang iyong kulani ay posibleng indikasyon ng malalang sakit gaya ng cancer.

Kung cancer nga ang sanhi ng iyong kulani, maaring manatili ito hanggang sa magamot ang cancer. Isang posibleng epekto ng chemotherapy ay ang pagliit ng kulani na dulot ng cancer.

Kulani sa leeg: Dapat bang ikabahala ito?

Gaya ng nabanggit, ang mga kulani na sanhi ng viral infection ay kusa namang nawawala. Pero kapag napansin ang mga sintomas na ito, mas mabuting magpakonsulta na sa iyong doktor:

  • Nagkaroon ng kulani kahit wala ka namang sakit
  • Patuloy ang paglaki at nanatili ng mahigit 4 na linggo
  • Matigas at parang goma, hindi gumagalaw kapag pinipindot o kinakapa
  • Sinasamahan ng tuluy-tuloy na lagnat, pagpapawis sa gabi at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

Pumunta agad sa ospital kapag mayroon kang kulani at nahihirapan kang lumunok o huminga.

Kung ang kulani sa leeg ay patuloy na namamaga, at lumalaki pa, tumagal na ng hanggang 6 na buwan, at may kasama nang mataas na lagnat at mabilis na pagbaba ng timbang, dapat nang ikonsulta sa doktor. Sintomas ito ng pulmonary tuberculosis, ani Dr. Piedad.

Kapag ang impeksiyon na sanhi ng kulani sa leeg o sa ibang parte ng katawan ay hindi nagamot agad, maaaring magkaroon ng komplikasyon tulad ng pagkakaroon ng nana o abscess, at pagkakaron ng impeksiyon sa dugo (bacteremia). 

Kapag kumalat ang bacterial infection sa katawan, maaaring maging sepsis ito, na nakamamatay. Antibiotic ang pangunahing gamot para sa impeksiyon.

kulani sa leeg

Larawan mula sa Freepik

Para hindi mabahala, magpatingin kaagad sa doktor sa unang senyales ng mga sintomas na nabanggit sa itaas. Tandaan na kapag may kulani sa leeg, may impeksiyon. Kung nasaan ito, iyon ang dapat alamin, at makakatulong ang doktor para matukoy ito at mabigyan ng tamang lunas, para mapahupa ang pamamaga.

Kung ito ay dahil sa mas malubhang karamdaman tulad ng kanser, mas mabuting nalaman nang maaga kaysa mahuli ang lahat.

Tandaan, kapag nakapa o naramdaman mo na mayroon kang kulani sa leeg, kulani sa panga o iba pang bahagi ng katawan, huwag magpanic. Sa halip ay bantayan lang ito at alamin ang mga sintomas na kasama nito para mas matukoy kung ano ang sanhi at tamang lunas para rito.

Gayundin, ang sikreto para maiwasan ang anumang komplikasyon ay ang pagkain ng masustansiyang pagkain at balanced diet para maging matibay ang immune system.

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa mga sintomas ng kulani at ibang pang bagay na may kinalaman sa iyong immune system, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor.

 

Healthline, WebMD, MayoClinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Kulani: Sanhi, Sintomas at Gamot sa Pamamaga ng Lymph Nodes
Share:
  • Kulani sa kilikili: Dapat bang ikabahala?

    Kulani sa kilikili: Dapat bang ikabahala?

  • 7 na sintomas ng kulani na dapat bantayan at gamot para rito

    7 na sintomas ng kulani na dapat bantayan at gamot para rito

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Kulani sa kilikili: Dapat bang ikabahala?

    Kulani sa kilikili: Dapat bang ikabahala?

  • 7 na sintomas ng kulani na dapat bantayan at gamot para rito

    7 na sintomas ng kulani na dapat bantayan at gamot para rito

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.