Lola, sikretong pinagupitan ang apo dahil hindi gusto ang kulot na buhok nito

Dahil hindi gusto ang kulot na buhok ng apo, lola sikretong pinagupitan ang apo nang hindi pinapaalam sa magulang. Alamin ang kanilang kwento.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gusto natin na makita ang mga firsts ng mga anak natin—at maging parte ng desisyon sa pagpapalaki dito. Mula sa mga unang hakbang hanggang unang sleepover, mga importanteng milestones ito at oo, pati ang unang gupit ng buhok nila.

Ngunit kuwento ng isang ina mula sa , ang kaniyang biyenan ay naki-alam at sikretong pinagupitan ang kanyang anak dahil sa kulot na buhok nito. Sa kabila ng pagsabi ng ina na maghihintay sila bago gupitan ang bata, sikretong pinagupitan ng lola ang kaniyang apo at sinubukan pang itago ito.

Ibinahagi ng ina ang pagtubo ng blonde na kulot na buhok ng anak, ngunit hindi ito nagustuhan kaniyang biyenan.

Source: Mumsnet

Sa isang thread sa Mumsnet, sinimulan ng ina ang pagpaliwanag na matapos ang 6 na linggo, nalagas ang buhok ng kanyang bagong panganak. Tumubo din ito ngunit makapal, sobrang kulot, at kulay blonde. Tuwang tuwa siya sa buhok ng kanyang anak.

Napagkasunduan nilang mag-asawa na mabuting pahabain muna nila ang buhok ng bata. Ngunit, hindi sang-ayon ang kanyang biyenan at “iminungkahi” na dapat pagupitan ang bata para “masbumilis ang tubo”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ng maraming magulang, masaya sila sa buhok ng baby at nagdesisyon na pagupitan ito sa pagtanda pa ng bata.

Sa una, hindi niya pinansin nang pinasyal ng lola ang baby nang isang araw at bumalik nang may suot na bagong sumbrero.

Source: Mumsnet

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tinanong ko siya kung saan galing ang sumbrero at pakimkim niyang sinabi na regalo niya ito,” kuwento ng ina. “Nang hindi ito binigyang pansin, nagpasalamat ako at nakipag-usap tungkol sa lamig ng panahon (sa pagpapalagay na kaya niya binili ang sumbrero).”

Ngunit, mabilis umalis ang lola—bago pa natanggal ng ina ang panlabas ng kanyang anak.

“Nang natanggal ko na ang sumbrero nagulat ako. Lahat ng kanyang kulot na buhok ay WALA NA! Hindi lang ito trim, wala na siyang buhok,” kuwento ng ina.

Ayon sa ina ay tila mababaw lang ito, ngunit galit na galit siya sa kanyang biyenan dahil hindi sinunod ang kanyang kagustuhan. At ang malala pa, tinanong ng ina kung nagtabi ba ang biyenan ng buhok na maaari niyang itago. Um-oo ang kanyang biyenan ngunit HINDI PUMAYAG NA IBIGAY ITO SA KANYA.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nakadagdag ito sa galit ko at sinabihan ko siyang wala siyang karapatan at dapat niya muna akong iwasan,” sulat niya. “Kapag naiisip ko, malamang ay overreacting lang ako, galit na galit lang talaga ako!”

Online, sumang-ayon ang ibang tao. Mali ang kanyang biyenan.

Kinomento pa ng isa na ang pagtataksil ng kanyang biyenan ay mapangahas.

Source: Mumsnet

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

At sabi ng isa pa ay sinusubukang markahan ng kanyang biyenan ang kanyang teritoryo.

Source: Mumsnet

Mamaya pa, nilinaw ng ina na hindi niya pinapalaki ang kuwento nang sabihing LAHAT ng buhok ng anak ay wala na. “Ang anak ko ay may makapal na kulot na buhok sa likod ng ulo, maikli ang taas dahil mas mabagal itong tumubo. Tingin ko ay sinubukan ng nagupit na pantayin ang haba nito,” ayon sa kanya.

Ngunit, kahit gaano pa kaikli ang pinagupit ng biyenan, mali parin na ginawa niya ito. “Magagalit parin ako kahit trim lang,” sabi niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At higit sa lahat, marami ang naniniwalang hindi na dapat hayaan ng ina ang anak na makasamang mag-isa ang kanyang lola.

Source: Mumsnet

Sa isang update sa kanyang post, sinabi ng ina matapos basahin ang mga reaksyon, “Buti nalang hindi ako overreacting.” Sinabi niya na kinakampihan siya ng kanyang asawa at hindi ito nakikipag-usap sa kanyang stepmother. Ganon paman, masakit ang panloloko.

“Pakiramdam ko ay nanakawan ako!” sabi niya. “Wala ako dun, hindi ko pinahintulutan, at ayaw niyang ibigay ang buhok. Sino ba siya sa palagay niya?”

Pina-alam din niya na hindi ito ang unang pagkakataon na pinanghina ng kanyang biyenan ang kanyang pagiging magulang at “mukha talaga siyang mapanghusga.” Ngunit sa ngayon, hindi siya 100% na kumportableng iwanan ang kanyang anak sa lola nito. “Sa kabila ng pagiging ina rin, tila wala siyang alam sa pagiging magulang”, ayon sa kanya.

 

Ang article na ito ay unang nai-publish sa CafeMom.

Basahin: Biyenan, kinuhanan ng video ang panganganak ng manugang—mula pag ire hanggang pagtahi sa pwerta