Kuya Kim Atienza ipinakita ang suporta sa youngest daughter niyang si Emman sa paglaban sa sakit na anorexia nervosa.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Pagsuporta ni Kuya Kim sa mental health journey ng youngest daughter niyang si Emman
- Ano ang anorexia nervosa?
Pagsuporta ni Kuya Kim sa mental health journey ng youngest daughter niyang si Emman
Sa kaniyang Instagram account ay ipinakita ng TV host na si Kuya Kim Atienza ang pagsuporta niya sa youngest daughter niyang si Emmanuelle o Emman. Si Emman ay nakakaranas ng pagsubok sa kaniyang mental health. Siya ay natukoy na may sakit na anorexia nervosa.
View this post on Instagram
Base sa IG post ni Emman na ni-repost ni Kuya Kim, mula nang mag-diet siya at nakabawas ng malaki sa kaniyang timbang naging obsessive na siya sa kaniyang calorie intake. Dumating na nga daw sa point na halos hindi na siya kumakain dahil sa takot na maari siyang tumaba.
“After properly dieting and losing an increasingly high amount of weight, I became obsessive over my calories. I would sometimes eat much less than a healthy body needs to survive. It became so obsessive that others became concerned about my own health and my daily functioning was at stake.”
Ito ang matapang na pag-amin ni Emman sa pinagdaanan niya.
Sabi pa ni Emman, gustuhin man niyang kumain pero tila ayaw ng kaniyang katawan. Sinubukan niya daw lumapit sa doktor para humingi ng tulong tungkol sa kondisyon niya. P
ero hindi daw siya inentertain nito dahil sa hindi pa naman daw siya underweight. Ito ay sa kabila ng problemang nararanasan niya hindi lang sa pisikal niyang katawan kung hindi pati na rin sa kaniyang isipan o mental health.
“Even with my mental state, I was refused professional help because i wasn’t “clinically underweight” at the time. This is yet another way the stereotypes associated with mental health can truly affect people. I was struggling with my body, caloric intake, and more. yet, because I wasn’t underweight I couldn’t get help. This caused my mentality to deteriorate further,” pagbabahagi pa ni Emman.
Base pa rin sa post ni Emman, siya ay nakakaranas ng kondisyon ng anorexia nervosa. Ito ay isang emotional disorder na labis na nakaapekto sa pangangatawan at kalusugan niya.
Ano ang anorexia nervosa
Ayon sa Mayo Clinic, ang anorexia nervosa ay isang eating disorder. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng abnormal at mababang body weight. Ito ay dahil nakakaranas siya ng intense fear na baka siya ay tumaba.
Ang mga taong may anorexia ay patuloy na nagpapayat kahit payat na sila. Pinipigilan rin nila ang pagkain ng maayos o lahat ay gagawin para mapigilan ang ikinatatakot nilang pagtaba. Sila ay maaring masuka matapos kumain o kaya naman ay gumamit ng laxatives o iba pang inaakala nila na pipigil sa kanilang tumaba.
Ang anorexia ay hindi lang basta tungkol sa pagkaing kinakain ng isang tao. Ito ay tungkol sa pananaw niya sa pangangatawan na kung saan iniisip niya na ang pagiging payat ang kahulugan ng maganda.
Natutunan at payo ni Emman sa naging karanasan
Kaya naman si Emman, base sa karanasan ay may paalala sa iba pa. Lalo na sa mga nagpapayat na gawin ito sa tama at malusog na paraan. Kung sakaling man nakakaranas ng sintomas ng anorexia nervosa o anumang eating disorder ay magpatingin na sa doktor. Ito ay para agad na maagapan ang iyong mga sintomas at hindi na nito maapektuhan pa ang iyong physical at mental health.
“I urge everyone to lose weight healthily. If you are already struggling, I encourage you to seek help even if you aren’t underweight. Remember that anorexia or any eating disorder isn’t defined by your weight, it’s your mental state and daily habits in which symptoms are present.”
Dagdag pa ni Emman, hindi batayan ng pagpapahalaga sa sarili ang iyong timbang. Kung sakali mang nais magpapayat, payo niya ay gawin ito sa tamang paraan. Sa paraang healthy at hindi mahihigitan ang limits ng iyong katawan.
“Lastly, please remember the numbers on your scale aren’t a measure of your self worth. I was beautiful before and after my weight loss. I’m recovered now but, previously, I simply chose to live a lifestyle with a better diet (which eventually turned sour). But you don’t have to end up the same way. do your research before dieting and remember to know your limits.”
Ito ang sabi pa ni Emman.
Si Kuya Kim, proud at suportado ang anak sa ginawang pagbabahagi nito sa kaniyang kuwento. Habang ang ilang celebrity friends nila, inspired at hinangaan rin si Emman sa pag-amin at pag-share nito sa kaniyang karanasan.
iamkarendavila: “Praise God for Emman’s strength, courage and openness to share her journey.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!