Ito ang kwento ng postpartum depression ko.
Emosyonal akong tao, mababaw lang ang luha ko ganoon din ang kaligayahan ko. Hindi ko sukat akalain na mararanasan ko ang tinatawag nilang “postpartum depression”.
Tayong mga mommy, hindi madali ang pinagdaanan natin simula pagbubuntis hanggang sa pagkapanganak natin kung may pagkakataon nga lang na bibigyan tayo ng pagpipilian is siguro mas pipiliin nating maging lalaki.
Pero dahil ito ang nakatadhana at kapalaran natin ay tinanggap natin ito ng buong-buo. OO, masarap maging magulang lalo na ang maging isang ina kahit na may katumbas itong malaking responsibilidad.
Mga pagsubok sa buhay na pinagdaanan ko
Nalugi ang negosyo ng aking mga magulang dahilan kung bakit kami nagkandahiwalay-hiwalay. At the age of 17, natuto na akong tumayo sa sarili kong paa dahil iyon ang kailangan dahil wala na akong maaasahan kundi ang sarili ko na lamang.
Kami ng sister ko ang naiwan, actually nagpaiwan kami samantalang sila mama at iba kong kapatid ay umuwi na ng probinsya at doon na nila balak mamuhay.
That time nag-aaral pa ako at kailangan kong dumiskarte para may pang-baon at pamasahe ako sa araw-araw. Nagtitinda ako sa school ng palihim, nagtitinda ng gulay sa palengke at namasukan din ako bilang kasambahay.
Sa aking pagbubuntis, ay hindi ko sinabi sa kahit kanino. Bale nagbuntis ako at nanganak na walang alam ang parents ko, mga kapatid ko kahit mga kaibigan ko.
Kwento ng postpartum depression ko
I mean pili lang sinabihan ko na walang connection sa family ko buti na lang at maswerte ako sa partner at biyenan ko. Simula nang nanganak ako bigla na lang akong umiiyak kahit walang dahilan iyak ako ng iyak.
Wala akong mapagsabihan sa nararamdaman ko, feeling ko wala na patutunguhan buhay ko, bigla na lang talaga akong iiyak out of nowhere. Nawalan na rin ako ng gana sa pagkain, feeling ko wala na akong pag-asa at nagtatanong ako sa sarili ko ano bang ginawa ko sa buhay ko.
Dahil nga hindi alam ng mga parents ko, hindi ko alam paano ko papalakihin anak ko, mga dapat kong gawin bilang nanay ay wala akong idea. Nagbigay din siguro sa akin ng depression ay ang pagiging full time mom ko.
Siguro dahil wala akong maaasahan is sarili ko lang para magbantay at magalaga sa anak ko, simula sa pagpapadede, pagpapaligo, pagpapalit ng diaper, pagbabantay sa buong maghapon hanggang madaling araw at pagpapa-araw sa bata.
Halos wala akong tulog, unting iyak lang gising agad ako. Ang partner ko kasi ay may work kaya ako lang mag-isa naiiwan sa bahay at sobrang lungkot dahil kahit gusto mo mang magpahinga ng maayos is hindi pwede. Oo, pahinga pero sobrang sandali lang.
Feeling ko nga nabinat din ako that time kasi sobrang sakit ng ulo ko tas grabe ‘yong lamig na nararamdaman at ngatog/nginig na nararamdaman ko.
Napapaisip din ako kung kaya ko bang maging mabuti at responsableng ina, kung kaya ko bang ibigay ang pagmamahal ng ina sa kanya, kung magiging mabuti ba akong ina at ayun ang iniiyak ko minsan.
Grabe talaga ‘yong stress na nararamdaman ko na akala ko hindi ko na kaya, parang gusto ko na lang magwala dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdamanan ko.
Tapos sabayan pa ng walang maayos na ligo dahil nararamdaman ng baby natin na wala tayo sa tabi nila kaya talagang mabilisang ligo lang talaga nagagawa ko, madalas nga ay hindi na ako nakakaligo. Hinihintay ko pa makauwi galing work ang partner ko para lang makaligo ako at mayroonv magbantay kay baby.
Hindi ko alam kung nalagpasan ko na ba ang stage ng postpartum, pero sabi nga nila…. walang hindi kinakaya ng isang ina para sa kaniyang anak.
Kaya mga mamsh, lalo na sa mga first time mom na katulad ko is magpakatatag kayo, magpakatibay tayo dahil may umaasa na sa atin at alam kong malalagpasan din natin ang ganitong stage basta lagi lang tayong manalangin sa Ama at alam kong hindi nya tayo pababayaan.