Kyla Alvarez, nagbahagi ng isang emotional post tungkol sa pagkawala ng pangatlo niyang baby dahil sa miscarriage.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kyla Alvarez nagbahagi ng nararamdaman tungkol sa pangatlo niyang miscarriage.
- Reaksyon at pag-suporta ng mga netizens sa nararanasan ni Kyla ngayon.
Kyla Alvarez na-trauma sa tatlong miscarriage na naranasan
Noong nakaraang buwan, sa pamamagitan ng Instagram ay ibinahagi ng R&B singer na si Kyla na siya ay nakaranas ng miscarriage.
Sa kagustuhan na magkaroon ng isa pang anak, ang miscarriage na ito ay pangatlong beses ng nangyari sa singer. Ang unang dalawa ay noong 2018 na magkasunod na naranasan ni Kyla sa parehong taon.
Kaya naman sa pangatlong pagkakataon, base sa kaniyang post noong nakaraang buwan, si Kyla ay sobrang nalulungkot. Ang kalungkutan nga umano na kaniyang nadarama ay masyadong malalim na mahirap ng isipin.
Sa kaniyang post ay ibinahagi ni Kyla na pinangalanan na nila ang sanggol na ipinagbubuntis niya noon. Ito ay si Millie na maagang kinuha ng Panginoon tulad ng dalawa pa nitong mga kapatid.
“My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie 💔”
Ito ang post ni Kyla noong nakaraang buwan.
Image screenshot from Kyla’s Instagram account
Kyla napapaniginapan ang kaniyang baby Millie
Matapos ang isang buwan, ay hindi pa rin nakakatakas ang singer na si Kyla sa pagkawala muli ng kaniyang baby dahil sa miscarriage.
Sa pamamagitan pa rin ng isang Instagram post ay ibinahagi ng singer ang kalungkutan na kaniyang nadarama at sa kagustuhan niyang maging mag-isa.
Ang kalungkutang ito ay umaabot umano hanggang sa panaginip ni Kyla na kung saan napapanaginipan niya ang kaniyang baby Millie ngunit ito ay walang mukha.
“I’ve been feeling really really down the past few days. I have this overwhelming feeling of sadness, of wanting to be left alone.
And my husband would always wonder why I was acting that way and I can’t explain it. And he’s so nice to me still and so patient, I feel so bad.
Sometimes I’d wake up, I’d have dreams about me carrying a baby. The last dream I had, I was walking Millie to school. I cried because I didn’t see her face. I wish I saw her face.”
Ito ang sabi ni Kyla sa kaniyang Instagram post. Sabi pa ng singer, ang kalungkutan niyang ito ay maaaring pang habambuhay na. Lalo pa’t lagi niyang iniiisip kung ano kaya ang naging itsura ng mga baby niya kung ang mga ito ay naipanganak niya.
“I guess I’ll forever wonder about how my babies would look like if they were born… I keep having those dreams. And losing them. It feels so traumatic.”
Ito ang nasabi pa ni Kyla.
View this post on Instagram
Reaksyon at suporta ng mga kaibigan sa showbiz ni Kyla
Gusto sana ng singer na magbakasyon at magpunta sa isang lugar na tahimik at makakarelax siya. Para narin saglit na makatakas sa kalungkutan na kaniyang nadarama pero dahil sa pandemic ay hindi niya magawa.
“There’s something about the sound of the waves that is so calming. It’s one of the most beautiful calls of nature that i love to hear. I need that feel-good vibe. I need to unwind. We planned to go to Palawan this month. But ECQ happened. Oh well.”
“I just want an escape from reality, even if it’s just for little while.”
Ang post na ito ni Kyla ay nagbigay ng kurot sa mga kapwa niya singer at artista. Sila ay nagpadala rin ng suporta at pagmamahal kay Kyla sa mga panahong ito na labis na kalungkutan ang bumabalot sa kaniya.
eriksantos
Sending hugs and prayers your way with love Kap. 🙏🏻❤️❤️❤️
loveangelinequinto
Ate Ky, payakap❤️❤️❤️❤️🙏🙏🙏
Praying for you ate @kylaalvarez 🙏🙏🙏🙏❤️❤️❤️❤️❤️ Sana patuloy kang maging malakas kasama ang mga anghel mo❤️❤️🙏🙏🙏🥰
Image screenshot from Kyla’s Instagram account
Ang aktres na si Kyla ay ikinasal sa mister at former PBA basketball player na si Rich Alvarez noong November 28, 2011. Ang una nilang anak na si Toby ay ipinanganak ni Kyla noong March 2013.
Image screenshot from Kyla’s Instagram account
BASAHIN:
Kyla, inaming nagiging emotional sa tuwing pinagsasabihan ang anak na si Toby
Kyla, inaming nagiging emotional sa tuwing pinagsasabihan ang anak na si Toby
Heart Evangelista recalls miscarriage, “worst day of my life”
Ano ang miscarriage at ang posibleng mga dahilan nito?
Ang miscarriage o ang pagkalaglag ay ang pagkawala ng fetus bago ito umabot sa ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis. Ayon sa mga pag-aaral halos 50% ng pagbubuntis ay nauuwi sa miscarriage.
Karamihan sa mga miscarriage na ito ay nangyayari bago magkaroon ng regla ang isang babae o bago pa niya malaman na siya ay nagdadalang-tao.
Samantalang 80% naman ng pagkalaglag ay nangyayari sa loob ng first trimester o sa loob ng tatlong buwan na pagbubuntis. Ang pagkalaglag pagtapos ng ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis ay itinututing na late-term miscarriages na bihira nang mangyari.
Isa sa mga tinuturong dahilan ng maraming pagkalaglag ay ang pagakakaroon ng fatal genetic problems ng sanggol na walang kinalaman sa kanyang nanay.
Ito ang madalas na dahilan kung nakakaranas na paulit-ulit na pagkalaglag ang isang babae. Samantalang, ang iba namang tinuturong dahilan ay ang sumusunod:
- Impeksyon
- Medikal na kondisyon ng nanay tulad ng diabetes o thyroid disease
- Problema sa hormones
- Mahinang immune system
- Mga problemang physical ng ina
- Uterine abnormality
Source:
WebMD
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!