Kyla ibinahagi ang kalungkutan sa kaniyang pangalawang miscarriage

Ibinahagi sa instagram ni R&B singer Kyla Alvarez ang kaniyang kalungkutan sa pagkawala ng kanyang pinagbubuntis noong nakaraang linggo. Ito na ang pangalawang beses na nakunan siya ngayong taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nalungkot ang followers ng R&B singer Kyla Alvarez nang ibinahagi nito sa Instagram kanina ang pagkawala ng kaniyang dinadalang sanggol dahil sa miscarriage o pagkalaglag.

Kyla Alvarez

Ayon sa mensahe ng 37 years old na singer, Kyla Alvarez sa kaniyang Instagram post, pangalawang miscarriage niya na ito ngayong taon na kung saan ang una ay nangyari noong Abril.

Dumaan daw sa napakasensitibong pagbubuntis si Kyla na kinailangan niyang huminto sa trabaho at magbed-rest, ayon narin sa payo ng kanyang doctor. Sa ngayon ay dumaraan sa napakalungkot na sitwasyon si Kyla at ang kanyang asawa na si Rich Alvarez na sadyang inaasahan na sana ang pagdating ng bago nilang anghel. Tinatayang nasa pangatlong  buwan palang ang sanggol na dinadala ni Kyla na tuluyan na silang iniwan nito nung nakaraang linggo lamang.

Narito ang kaniyang buong post:

Miscarriage: Sanhi, sintomas, lunas

Ngunit ano nga ba ang dahilan ng miscarriage o pagkalaglag sa mga kababaihan at ano ang mga sintomas nito na dapat nating malaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang miscarriage o ang pagkalaglag ay ang pagkawala ng fetus bago ito umabot sa ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis. Ayon sa mga pag-aaral halos 50% ng pagbubuntis ay nauuwi sa miscarriage. Karamihan sa mga miscarriage na ito ay nangyayari bago magkaroon ng regla ang isang babae o bago pa niya malaman na siya ay nagdadalang-tao.

Samantalang 80% naman ng pagkalaglag ay nangyayari sa loob ng first trimester o sa loob ng tatlong buwan na pagbubuntis. Ang pagkalaglag pagtapos ng ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis ay itinututing na late-term miscarriages na bihira nang mangyari.

Ilan sa sintomas ng miscarriage o pagkalaglag ay ang pagdurugo mula mahina papalakas, matinding sakit sa bandang puson, lagnat, panghihina at pananakit ng likod. Pinapayuhan ang mga babaeng nagdadalang-tao na pumunta agad sa doktor o sa kanilang OB-Gyne kapag nakaramdam ng anumang sintomas para mabigyan agad ito ng pansin at maagapan.

Isa sa mga tinuturong dahilan ng maraming pagkalaglag ay ang pagakakaroon ng fatal genetic problems ng sanggol na walang kinalaman sa kanyang nanay. Ito ang madalas na dahilan kung nakakaranas na paulit-ulit na pagkalaglag ang isang babae. Samantalang, ang iba namang tinuturong dahilan ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Impeksyon
  • Medikal na kondisyon ng nanay tulad ng diabetes o thyroid disease
  • Problema sa hormones
  • Mahinang immune system
  • Mga problemang physical ng ina
  • Uterine abnormality

Minsan nangyayari rin ang pagkalaglag dahil sa mahinang cervix ng isang babae na hindi kayang dalhin ang sanggol na pinagbubuntis. Ang mga ganitong kaso ng pagkalaglag ay nangyayari sa pangalawang trimester ng pagdadalang-tao.

Ang ilang sintomas ng ganitong pagkalaglag ay ang pagkaramdam ng pressure sa tiyan o ang maagang pagputok ng panubigan ng babaeng buntis. Nabibigyan ng lunas ang isang incompetent cervix sa pamamagitan ng “circling stitch” o ang pagtahi sa cervix para sa susunod na pagbubuntis. Ginagawa ito upang mapatibay ang cervix para madala ang sanggol na tatanggalin kapag oras na ng delivery o panganganak.

Mas mataas naman ang tiyansa ng pagkalaglag sa mga babaeng edad 35 na pataas, may sakit tulad ng diabetes o thyroid problems at mga babaeng nakaranas na ng tatlo o higit pa na pagkalaglag.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa oras naman na makaranas ng hinihinalang pagkalaglag ang isang buntis ay daraan parin siya sa ilang pagsusuri upang masiguro kung ito nga ay kaso ng pagkalaglag. Ang isang babaeng nakaranas ng hinihinalang pagkalaglag ay daraan sa isang pelvic exam at ultrasound test para masigurong na siya nga ay nalaglagan. Kung sakali ito nga ay kumpimardong kaso ng pagkalaglag at ang uterus o bahay bata ay malinis na hindi na kailangang dumaan sa ano pa mang prosesong medical ang babaeng nakunan.

Ngunit kadalasan, ang bahay bata ay hindi tuluyang nalilinis at may naiiwan pang dugo o fetal tissue na kailangang malinis upang makaiwas sa impeksyon. Sa ganitong sitwasyon kinakailangang dumaan sa isang medical procedure na kung tawagin ay Dilation and Curettage (D and C) o raspa sa tagalog ang babaeng nalaglagan upang malinis ang kanyang bahay bata. Maari rin siyang resetahan nalang ng gamot na kanyang iinumin na magpapalinis at magpapalabas din ng mga naiwang dugo at fetal tissue sa kanyang tiyan.

Si Kyla Alvarez at Rich Alvarez, isang basketbolista, ay may apat na taong gulang na anak na si Toby. Sa ngayon ay wala pang nalabas na statement si Kyla sa naging dahilan kung bakit siya nakunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: WebMD, ABS-CBN, Webmd.com

Photo: Kyla’s Instagram

Basahin: Heart Evangelista has another miscarriage, loses remaining baby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement