Kyla, inaming nagiging emotional sa tuwing pinagsasabihan ang anak na si Toby

Para mapalaki ng maayos at tama ay magkasamang dinisiplina ni Kyla at Rich Alvarez ang kanilang anak na si Toby sa mahinahon na pamamaraan hanggat maari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magkatulong ang mag-asawang sina Kyla and Rich Alvarez sa pagdidisiplina ng nag-iisa nilang anak na si Toby.

Image of Kyla and Rich Alvarez family from Instagram

Kyla and Rich Alvarez sa pagdidisiplina ng kanilang anak

Sa isang post ni Kyla sa Instagram ay makikita ang isang litrato na kung saan yakap-yakap niya ang anak na si Toby habang ito ay umiiyak. Ayon sa caption ng litrato, ito daw ay ang araw na napagalitan si Toby ng kaniyang amang si Rich Alvarez matapos ang muntikang pagtawid sa daan ng mag-isa sa bakasyon nila sa France.

Dagdag pa ni Kyla ay sinusubukan nilang maging mahinahon ng kaniyang asawang si Rich Alvarez sa tuwing pagsasabihan ang kanilang anak. Minsan nga ay hindi din nitong mapigilang maiyak sa tuwing makikitang umiiyak rin ang kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit, kailangan daw siyang maturuan at mapagsabihan. Tinapos niya ang post nya na ito sa pamamagitan sa pagtatanong sa mga netizens kung paano dinidisiplina ang kanilang anak.

Sinagot naman ito ng mga netizens na may kaniya-kaniyang paraan sa pagdidisiplina ng kanilang anak ang iba naman ay nakisentimyento rin sa paraan ng pagcocomfort ni Kyla sa anak niya.

crazy2bluv

I usually let it go for a couple minutes and explain what,why we scolded him I feel you bcoz I only have one kid Kaya minsan mahirap but go Lang ng go ????❤️#kamimagkakampi

immyrenldcc

I feel you mommy @kylaalvarez ♥️? sometimes i really dont know what to do when it comes to that situation.. ung galit ung daddy pero ikaw parang you need to hold ur emotions din kc pano nga ba matututu kung agad agad icocomfort din sya db.. pro at the end prin comfort zone prin tlg ang mommy ♥️?♥️

cheanmendoza

Nakaka gulity pero kailangan ?talaga gawin na mapagalitan..

itsme_etey

I feel you mamsh @kylaalvarez . Minsan nasa point na na sobrang kulit na ni baby . Napapahamak sya pero kahit nasa 3rd warning padin wala padin effect na dumarating na sa point na kailangan na talagang pagalitan tas ikaw na mommy di sanay na nakikitang umiiyak anak mo at humihikbi . Minsan tumatalikod nalang ako kasi diko kayang makita yung face nya na ganun kasi naiiyak din ako ??? kasi gusto nyang kampihan ko sya ?

itsme_etey

@ibryibryibry minsan ko yung nagawa sa anak ko na paluin sya pero ang sabi nya sakin . "Akala ko mommy ayaw mong nasasaktan ako pero bakit masakit palo mo" then i cried . And never ko na inulit yun ?

irishalexa

I tell my lovely daugther that our love will protect her. Try to create a sporty area for them. So they will feel that everything they want and need is at home.. ???

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

arlcosto

when one of us is the disciplinarian, the other comforts her and explains why there is a need to call out her actions. I try to be as tough as I can to hold my emotions but sometimes you really can't help it.?

evslcgo1986

It’s not easy po na disiplinahin mga kids now adays.. but you have to show how strong u are. I mean mas I pakita mo na mas matapang ka Keysa sa kanila. Scold them but do not comfort agad agad ? the explain why after nalang.

Sa isa pang Instagram post ni Kyla habang nasa bakasyon parin nila sa France ay ipinabatid niya ang kaniyang pagmamahal at kung gaano ka-special ang kaniyang anak na si Toby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kyla and Rich Alvarez sa pagtratravel kasama ang kanilang anak

Sinabi niya rin sa isa pang post kung gaano naging mabuti kay Toby ang pagtra-travel nila ng magkakasama bilang isang pamilya.

Ayon sa post ni Kyla, ay nagimprove daw ang communication skills ni Toby at natuto na itong sumunod sa mga rules.  Ipinagdadasal niya nga rin daw sa kada simbahan na kanilang mapupuntahan na sana ay mabiyayaan na sila ng isa pang anak para naman maipakita nila rito kung gaano kaganda, kaligtas at kafascinating ang mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gumawa nga rin ng isang collage ng mga photos ng kanilang travels si Rich Alvarez na kung saan sinabi niya na isang blessing daw na nakapunta siya sa mga magagandang lugar na ito kasama ang kaniyang pamilya.


Si Kyla and Rich Alvarez ay ikinasal noong 2011 matapos ang 7 years bilang mag-boyfriend at girlfriend. Nabuo naman sila bilang isang pamilya ng manganak si Kyla sa kaniyang unico hijo na si Toby noong 2013. Samantala, Nobyembre lang ng nakaraang taon, ay ibinahagi ni Kyla ang kaniyang kalungkutan sa miscarriage na pinagdaanan. Pangalawa na ito matapos ang nauna noong Marso rin ng nakaraang taon.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sources: ABS-CBN News, The Asian Parent Philippines, PEP.ph

Basahin: Kyla ibinahagi ang kalungkutan sa kaniyang pangalawang miscarriage