LOOK: Kylie Padilla, blooming sa kaniyang maternity photo shoot

LOOK: Kylie Padilla, blooming sa kaniyang maternity photo shoot

Ika-3 ng Agosto, nag-post ng isang birthday video si Kylie Padilla para sa anak nitong si Alas, na nagdiwang ng kaniyang ikalawang kaarawan.

Ngunit, nagkaroon pa ng isang sorpresa ang aktres na ibinahagi niya sa kaniyang mga fans. Inanunsiyo niya na buntis siya sa kanilang pangalawang anak ng asawang si Aljur Abrenica.

Baby #2 na ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Sa birthday video nga na ipinost ng GMA-7 actress sa kaniyang YouTube video aniya, "My husband and I are expecting our second child. We are equally as happy. The journey with this one is most especially different from the first."

Sa video nga na mapapanood ay nagsagawa nga si Kylie Padilla at Aljur Abrenica kasama ang anak na si Alas ng isa ring munting gender reveal.

May hawak na lobo si Aljur na kailangan niyang putukin upang makita ang nilalaman. Nang putukin ng aktor ang lobo, may sumabog na blue confetti.

Makaraan nga ng isang buwan, ika-9 ng Setyembre, sinurpresa naman si Kylie ng isang baby shower na inorganisa para sa kaniya nila Mariel Rodriguez-Padilla at amang si Robin Padilla.

Ginanap ang intimate surprise baby shower para sa aktres sa Museo de Padilla sa Quezon City.

Maternity photo shoot

At nito nga lamang ika-15 ng Setyembre, nag-post si Kylie Padilla ng kaniyang litrato sa kaniyang Instagram account na wari'y isang litratong galing sa maternity photo shoot.

Isang makabuluhan nga na caption ang nakakabit sa kaniyang post na sinambit ng writer at poet na si Kahlil Gibran, "Your children are not your children. They are the sons and daughters of Life’s longing for itself. They come through you but not from you."

"And though they are with you yet they belong not to you. You may give them your love but not your thoughts. For they have their own thoughts."

"You may house their bodies but not their souls. For their souls dwell in the house of tomorrow, which you cannot visit, not even in your dreams."

"You may strive to be like them, but seek not to make them like you. For life goes not backward nor tarries with yesterday."

"You are the bows from which your children as living arrows are sent forth. The archer sees the mark upon the path of the infinite, and He bends you with His might that His arrows may go swift and far."

"Let your bending in the archer’s hand be for gladness. For even as He loves the arrow that flies, so He loves also the bow that is stable."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ? (@kylienicolepadilla) on

Ang maternity photo shoot nga na ginawa ni Kylie Padilla ay kinuhanan ng beauty at fashion photographer na si Rap Yu.

Ang naging glam team naman ni Kylie ay binuo nila Jen C sa styling, Liah Roxas-Magundayao sa make-up, at Mark Ibarrola sa hair naman.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by rapyuphotos (@rapyuphotos) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by rapyuphotos (@rapyuphotos) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by rapyuphotos (@rapyuphotos) on

Nakasama rin ni Kylie ang kaniyang mag-amang si Aljur at Alas sa maternity photo shoot nito.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by rapyuphotos (@rapyuphotos) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by rapyuphotos (@rapyuphotos) on

Isang glowing at blooming Mommy-to-be nga si Kylie sa kaniyang pangalawang baby.

Source: Kylie Padilla

Basahin: Mariel Padilla, nagbigay ng tips sa pagplano ng maternity shoot

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner