Sagot ni Kylie Padilla sa netizen na nagsabing sana ay magkabalikan pa sila ni Aljur: “No, thanks”

undefined

Si Kylie ibinahagi kung paano lumalaking mabubuting bata at close sa kaniya ang mga anak na sina Alas at Axl.

Kylie Padilla deretsong sinagot ang netizen na humiling na sana ay magkabalikan sila ng mister niyang si Aljur Abrenica. Si Kylie nagbigay update rin sa buhay nila ngayon ng kaniyang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Update sa buhay ni Kylie Padilla at mga anak na si Alas at Axl.
  • Kylie sa pakikipagbalikan sa mister na si Aljur Abrenica.

Update sa buhay ni Kylie Padilla at mga anak na si Alas at Axl

Kylie Padilla kasama ang mga anak na sina Axl at Alas

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Sa Instagram ay nagbahagi ng update ang aktres na si Kylie Padilla sa buhay nila ngayon ng mga anak niyang sina Alas at Axl. Si Kylie makikitang masaya sa piling ng mga anak niya na tinawag niyang kaniyang mga anghel. Ibinahagi niya rin kung paano lumalaking mabubuting bata ang mga anak niya at kung paano lalo itong nagiging close sa kaniya. Ang anak niyang si Alas, siya na ang inaasikaso ngayon. Habang ang bunso niyang si Axl lagi paring nakasunod sa kaniya at nagrerequest na sana ay maka-breastfeed parin sa kaniyang ina.

“Last night we went to sleep in our own rooms and they came to kiss me goodnight. Alas, the thoughtful boy that he is noticed I didn’t have my usual cup of water on my side table and he went to get me one on his own volition. The sweetest thing. Axl who is still my shadow continues to follow me around everywhere and keeps telling me he wants to breastfeed again huhu.”

Ito ang pagbabahagi ni Kylie na sinabi ring soulmates niya ang dalawa niyang anak.

 “Who knew I would find my soulmates in my two boys hearts. We are the three musketeers for life 🙏🏻🧿”

Ito ang sabi pa ni Kylie.

alas at axl padilla abrenica

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Kylie sa pakikipagbalikan sa mister na si Aljur Abrenica

Sa Instagram post na ito ni Kylie, isang netizen ang napa-comment tungkol sa kanila ng mister niyang si Aljur Abrenica. Ang hiling nito sana ay magkabalikan pa silang dalawa. Si Kylie naging maikli at deretso ang reply sa comment ng netizen. Ito ang sabi niya.

“No thanks. We good.”

Nitong Hulyo sa isang panayam ay ini-reveal ni Kylie na siya ngayon ay in relationship na. Bagamat ang aktres piniling hindi magbigay ng detalye tungkol sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

kylie padilla life

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!