Kylie Padilla tinuturuan ng maglinis ng bahay at maglaba ang anak na si Alas sa edad nitong anim na taong gulang. Netizens mas lalong humanga sa aktres bilang isang ina.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kylie Padilla sa pagtuturo sa anak na si Alas ng pagluluto at paglilinis ng bahay.
- Reaksyon ng mga netizens.
Kylie Padilla sa pagtuturo sa anak na si Alas ng pagluluto at paglilinis ng bahay
Nitong Agosto ay nag-anim na taong gulang na ang panganay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na si Alas. Si Kylie simpleng ipinagdiwang ang birthday ng kaniyang panganay kasama ang kapatid nitong si Axl. Makikitang very happy ang mag-iina sa buhay nila ngayon. Bagamat pag-amin ni Kylie sadyang mahirap ang pagiging single at working mom. Pero kinakaya niya lahat ng ito para maibigay ang pangangailangan ng mga anak habang inaalagaan ang mga ito.
Sa bagong post ni Kylie ay ibinahagi niyang sa murang edad ni Alas ay tinuturuan niya na itong mag-luto at maglinis ng bahay. Paliwanag ng aktres, ginagawa niya daw ito bilang paghahanda sa lumalaki niya ng anak na si Alas.
“Lately I have been inviting Alas to cook and clean with me because in reality it’s these habits that will make him into a capable and self-sufficient young man.”
Ito ang bahagi ng caption ng post ni Kylie.
Sabi pa ni Kylie paraan niya rin ito upang makapag-spend ng dagdag na oras sa mga anak. Dahil sa nangyayaring giyera ngayon sa Middle East mas na-appreciate niya daw ang pagbobonding nila ng mga anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla
“Also with what’s going on in the world currently I want to appreciate more than ever every single moment I have with them.”
Reaksyon ng mga netizens
View this post on Instagram
Ang mga netizens mas lalong humanga kay Kylie bilang isang ina. Narito ang ilan sa reaksyon nila kaugnay sa post niyang ito.
“Household chores are adult roles not gender defined roles, goodjob po kayo for teaching your son how to cook.”
“The best mama,👏👏 ito Yung nkakabilib na tinuturuan Ang anak kng ano.ang reality ng buhay..”
“I am seeing a young kid that will have his own well kept/ loved family in the far future. He will grow as a disciplined, loving and righteous man like/ and with the nurturing of his mom. Kuddos to you Ms. Kylie.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!