Kylie Padilla sa pagpapalaki ng mga anak ng mag-isa: “Single motherhood is the hardest”

Si Kylie hindi na raw mahintay ang araw na masabi sa mga anak ang katotohanan. Alamin kung ano ang itinutukoy niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla as a single mother, ibinahagi ang hirap na pinagdadaanan ng mga solo parents na tulad niya.

Kylie Padilla as a single mother

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Sa Instagram ay ibinahagi ng celebrity mom na si Kylie Padilla ang hirap niya as a single mother. Dito hindi na napigilan ng aktres na sabihin ang frustrations at challenges ng pagiging solong magulang sa mga anak niya.

Ayon kay Kylie, napakahirap maging ama at ina sa mga anak. Dito kailangan niyang maging tagapag-alaga at taga-disiplina ng mga bata ng sabay. Pati na ang i-regulate ang emosyon nila kahit siya na mismo ay hindi kayang i-handle ang emosyon niya.

“Single motherhood is the hardest. You’re mom and dad. Both nurturer and disciplinarian. But above all the protector. Even against your worst kind of self. Absolutely exhausted but must be always be available to regulate their emotions for them.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang bungad ni Kylie sa kaniyang Instagram post.

 

Pagpapatuloy pa ni Kylie, ang pagiging single mother ay puno ng depression at anxiety. Siya ay puno ng self-doubt at paulit-ulit na kinukwestyon ang sarili kung siya ay isa bang mabuting ina.

“Single motherhood is damn near impossible. When you are plagued with depression and anxiety Or when you are filled with self doubt And you feel completely isolated and alone, And like you’re failing your role as a mother.”

Ito ang sabi pa ni Kylie sa IG post niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin daw nawawala ang mom guilt sa kaniya. Kaya naman sinisiguro niya na masusulit ang mga moments na nakakasama niya ang anak. At umaasa siya na darating rin ang tamang panahon na maiiintindihan ng mga anak ang sitwasyon nila. Pati na ang paghihirap niya bilang isang ina.

Mensahe ni Kylie sa mga anak

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Kylie may mensahe rin para sa mga anak niya. Dito ay ipinaabot niya sa mga anak ang nararamdaman niya bilang isang ina. Ang hiling niya sana lumaking malakas at matapang ang mga anak. Para ang mga sitwasyon na nararanasan niya ay makayanang ma-handle ng mga ito pagdating ng panahon.

Si Kylie hindi na daw makapaghintay na lumaki ang mga anak at masabi sa mga ito ang totoo. Ang katotohanan na hindi siya isang superhero ng tulad ng iniisip nila. Dahil kung mayroong naliligtas sa kanilang pamilya, ito ay walang iba kung hindi si Kylie. Siya daw ay binubuhay at patuloy na ini-inspire ng pagmamahal ng mga anak niya.

 “Mama can’t wait for the day when she tells you the truth that it wasn’t mama that was the superhero, it was the complete opposite. That it was their love that kept saving her. It was them that was mama’s super hero.”

Ito ang sabi pa ni Kylie Padilla sa karanasan niya as a single mother.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement