LOOK: Kylie Padilla, binigyan ng surprise baby shower

LOOK: Kylie Padilla, binigyan ng surprise baby shower

Silipin kung sinu-sino ang dumalo sa surprise baby shower nila Mariel at Robin Padilla para sa anak na si Kylie Padilla at second baby nito.

Masaya ngang ibinahagi ng GMA-7 actress na si Kyle Padilla ang ilang mga litrato sa naganap niyang surprise baby shower nito lamang Setyembre.

Kylie Padilla, baby no.2, niregaluhan ng baby shower ni Mariel at Robin

Nasurpresa nga si Kylie Padilla sa baby shower na inorganisa para sa kaniya nila Mariel Rodriguez-Padilla at amang si Robin Padilla.

Ginanap ang intimate surprise baby shower para kay Kylie sa Museo de Padilla sa Quezon City.

Nito nga lamang ika-3 ng Agosto, nag-post ng vlog si Kylie sa kaniyang channel kung saan ni-reveal nito na ipinagbubuntis niya ang kaniyang pangalawang anak sa asawang si Aljur Abrenica at ito nga ay baby boy.

Sa Instagram nga ng GMA-7 actress nagpasalamat siya sa pa-surprise baby shower sa kaniya.

Aniya sa kaniyang unang post, "Thank you ✨ @marieltpadilla and everyone ❤️ #welcomeAR"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ? (@kylienicolepadilla) on

Sa pangalawa naman niyang IG post, may special mention para sa kaniyang stepmom na si Mariel at amang si Robin Padilla.

Sambit niya, "Thank you everyone! Na surprise talaga ako. Tita @marieltpadilla and papa @robinhoodpadilla thank you again for making these magical moments happen ?"

"I’ll be making sure AR knows everything you do for him. Thank you to everyone who made it so magical," dagdag pa niya.

May ilan pa siyang pinasalamatan, aniya, "@mikee sa music ? love youuuu. @alleahabrenica & @itsmemarielle28 sa games."

"Galing nyo mag tago ng secret! Wala talaga akong kamalay malay!!!!" aniya pa.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ? (@kylienicolepadilla) on

Sa kaniyang huling IG post nagpasalamat din ito sa kaniyang asawang si Aljur Abrenica.

Pasasalamat niya, "Kaya pala tahimik ka lately, ayaw mo siguro mahulaan ko yung secret."

Dagdag pa ng celebrity mom, "Inaway tuloy kita palagi ? can’t wait for our little boy on the way."

"This party really made it so much more real. Thank you. Sa lahat lahat ❤️," patuloy pa niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ? (@kylienicolepadilla) on

Narito pa ang mga ilan pang litrato sa surprise baby shower ng aktres.


Source: Nice Print Photography

Basahin: Kylie Padilla, buntis sa pangalawang baby!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner