X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kylie Padilla on breastfeeding: “It’s still one of my favourite parts of motherhood.”

4 min read
Kylie Padilla on breastfeeding: “It’s still one of my favourite parts of motherhood.”

Aljur may sweet na mensahe sa anak na si Alas na nag-birthday nitong August 5.

Kylie Padilla masaya sa naging breastfeeding experience sa dalawa niyang anak. Sabi pa ng aktres, hindi siya magdadalawang-isip na magpa-breastfeed muli kung ipapahintulot ng panahon na siya ay magka-baby ulit.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kylie Padilla binalikan ang kaniyang breastfeeding experience sa dalawang anak.
  • Reaksyon ng mga netizens.
  • Birthday ng panganay nina Kylie at Aljur Abrenica na si Alas.

Kylie Padilla binalikan ang kaniyang breastfeeding experience sa dalawang anak

kylie padilla breastfeeding

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

 

 

Limang taon na ang panganay ni Kylie Padilla na si Alas. Habang ang pangalawa niya namang anak na si Axl ay dalawang taong gulang na. Si Kylie proud na ang dalawang anak ay kapwa niya napa-breastfeed. Sa isa sa mga Instagram post niya ngayong breastfeeding month ay binalikan ni Kylie ang experience niya sa pagpapasuso.

Kuwento ng aktres, isa sa mga dahilan kung bakit na-delay ang pagbabalik trabaho niya noon ay para masiguro ng ma-breastfed niya ng maayos ang mga anak.

“Happy breastfeeding month! I remember part of why I delayed going back to work right away was because I wanted to breastfeed my kids directly.”

Ito ang bungad niya sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa ng aktres, ayaw niya na pinu-pump ang gatas niya. Mas gusto niya na diretso itong inumin ng anak mula sa kaniya. Dahil sa ganitong paraan ay mas nararamdaman niya daw ang koneksyon sa kanila at naipapaabot niya ang pagmamahal niya sa mga ito.

“Personally I hated pumping. For me, the intimacy and connection I built with my kids through breastfeeding was so hard to give up kahit sobrang hirap to be available anytime and all the time.”

“I had no control over my body but the eye contact, the skin to skin and the slowly watching my kids fall asleep and feeling their heartbeat slow is the closest physical feeling of love I’ve ever experienced.”

Ngayon, sa pagbabalik tanaw ng aktres ay napakasaya niya na nagawa niya ito sa dalawang anak. Ito daw ang favorite part niya ng pagiging ina na hindi siya magdadalawang isip gawin ulit sa susunod kung magkaanak ulit siya.

“Now when I look back on it I’m happy I did it. Both boys I was able to breastfeed for over a year. It’s still one of my favourite parts of motherhood. Would do it all over again in a heartbeat. #happybreastfeedingmonth”

Ito ang sabi pa ni Kylie.

Kylie Padilla with her sons

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Reaksyon ng mga netizens

Maraming mommy netizens naman ang naka-relate sa post na ito ni Kylie. Ito ang mga reaksyon nila.

“Yes, proud breastfeeding mother here! Lahat sila breastfeeding that was the best expreriemce of mother hood. #happybreastfeedingmonth”

“Love the caption. Ganyan din ang iniisip ko when I started my breastfeeding journey.”

“I’m in my golden year on Earth and I still I can remember my breast feeding days. Young mom before but now a young widow. I can attest that my breastfeeding did a good job to my kids performance in school, they were both achievers until their tertiary education.”

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa post na ito ni Kylie tungkol sa breastfeeding.

Mensahe ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa birthday ng anak nila na si Alas

alas birthday celebration - kylie padilla breastfeeding

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Samantala nitong August 4 ay nagdiwang ng 5th birthday niya ang panganay na anak ni Kylie na si Alas. Ang aktres nag-share ng larawan ng anak na nagbo-blow ng cake kalakip ang short but sweet na mensahe niya para dito.

“Happy birthday to my panganay. We love you.”

Sa parehong araw ay bumati rin ang dating mister ni Kylie na si Aljur Abrenica sa kaarawan ng anak. Ang aktor may madamdaming mensahe para sa anak na sinabi niyang maraming naituturo sa kaniya bilang isang ama.

“Happy Birthday Anak. Hindi man tayo magkasama Pero Alam ko naging makahulugan at masaya ang araw mo. Hindi mo alam ang dami mong napapaligaya na tao. Nagpapasalamat ako dahil ang dami Kong natututunan sayo bilang isang ama. Papa will always be here for you. Proud ako at Ako na muna swimming coach mo sa ngayon ah.”

Ito ang birthday message ni Aljur sa anak na si Alas.

Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon ng mabalitang hiwalay na sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ito ay kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla sa isang panayam sa kaniya ni Ogie Diaz. Sinundan rin ito ng pahayag ni Kylie na kung saan inamin niya ngang hiwalay na sila ni Aljur.

Pero mariin niyang sabi, sila ay may healthy relationship ngayon ni Aljur. Sila ay may maayos na co-parenting relationship para sa kanilang mga anak.

Instagram

 

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kylie Padilla on breastfeeding: “It’s still one of my favourite parts of motherhood.”
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.