Kylie Padilla nakikipag-date ulit, friends na kay Aljur Abrenica: "I want him to be happy."

Si Kylie may mahabang checklist daw para sa bagong lalaking magtatakang pumasok sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla now dating na matapos ang paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica noong nakaraang taon. Ayon pa kay Kylie, friends na rin sila ni Aljur ngayon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Aljur Abrenica at Kylie Padilla relationship
  • Kylie Padilla now dating na!

Aljur Abrenica at Kylie Padilla relationship

Image from Kylie Padilla's Instagram account

Isang taon narin ang nakalipas ng maghiwalay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Sa podcast interview ng showbiz reporter na si Nelson Canlas kay Kylie ay nagbigay ito ng update sa relasyon nila ng dating asawa. Ibinahagi niya rin ang ilang tagpo sa kanilang pagsasama bago sila tuluyang maghiwalay.

Pagkukuwento ni Kylie, kung babalikan ang naging paghihiwalay nila ni Aljur, alam niyang ito na daw ang pupuntahan ng pagsasama nila. Dahil matagal niya na daw nararamdamang mag-isa na lang siya sa marriage na mayroon sila.

“Ramdam ko na na there was a distance forming between us.  Parang alam ko nang nagpupunta na doon. I feel really alone sa marriage namin. And it came to a factor na I should be alone because I had been alone even if I had a partner and ang sakit na.”

Ito ang sabi ni Kylie sa naturang panayam.

Dagdag pa ni Kylie, bagamat ayaw niyang makipaghiwalay kay Aljur dahil may anak sila. Pero kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti nilang dalawa at kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Siyempre as a mom, ayaw mo namang mangyari yun. It’s not something that you wish to happen. Ayokong mag-isa talaga. But sometimes, maybe you need to do that to find your inner strength and magkaroon kami ng respeto outside of being a married couple."

"Ang hirap kasi na kasal kayo and its only in paper. And you are forced to be there and you are not actually together.”

Ito ang pag-aalala pa ni Kylie sa relasyon nila noon ni Aljur.

Sa mga nangyari, sabi ni Kylie tanggap niya na maaring hindi talaga sila ni Aljur para sa isa’t isa. Bagamat nakakalungkot lang na kailangang masira ang pamilya nila. Pero alam niya na mas makakabuti ito para sa mga anak nila.

“Maybe we are not for each other. That’s why doon pumapasok yung sana maging masaya kasi yun din yung wish ko for me.”

“Yon lang ang nakakalungkot, hindi na buo ang family namin. Pero kung ang kapalit nun ay we can take good care of our kids better kasi we are happier.”

Image from Kylie Padilla's Instagram account

Sa ngayon, sabi pa ni Kylie, matapos ang mga nangyari ay magkaibigan na sila ni Aljur at pareho na silang masaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’re friends, we’re good na. Surprisingly, umo-OK na in a year. Good things take time. Ako kasi gusto ko, goods na kami kaagad. Kasi ayoko ng may negative emotions na may dala-dala akong galit, grief.  In time, it naturally evolved na, pati siya narin ganoon na rin, so ang saya.”

Ito lang naman daw ang gusto ni Kylie sa kanilang dalawa ni Aljur ang pareho silang maging masaya.

"I want him to be happy. Kasi nakasama ko siya, we build a life together. I never wanna see him as sad as he was when we were married."

BASAHIN:

“Kylie Padilla sinagot ang tanong kung kailan nag-iba ang feelings niya para sa ex na si Aljur Abrenica”

Kylie Padilla opens up about past eating disorder: “I felt being me was not beautiful”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Erwan Heussaff niligawan si Anne Curtis sa pamamagitan ng pagkain, mix tapes at post cards!

Kylie Padilla now dating na!

Image from Kylie Padilla's Instagram account

 

Masayang pagbabahagi pa ni Kylie, nakikipagdate na ulit siya. At kung sakali ay handa na siya sa set-up ng blended family na familiar na siya dahil ito rin ang nakalakihan niya.

Pero hirit pa ni Kylie, bagamat ready na siyang pumasok sa isang bagong relasyon ay marami ng checklist na kailangang maipasa ang bagong lalaking papasok sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Open naman na ako pero marami ng checklist, e. Marami na silang dadaanan. Hindi ko alam kung sino yung tatagal kasi mga anak ko muna, tapos ako, tapos trabaho ko. Pang-fourth o fifth na sila."

"Papayag ba sila ng ganoon? Depende kung may mahahanap akong ganoon. Hindi naman ako nagmamadali.”

Ito ang sabi naman ni Kylie sa isang hiwalay na panayam na tampok ang bagong niyang proyektong pinagbibidahan.

Hiwalayang Kylie at Aljur

Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon ng mabalitang hiwalay na sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ito ay kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla sa isang panayam sa kaniya ni Ogie Diaz. Sinundan rin ito ng pahayag ni Kylie na kung saan inamin niya ngang hiwalay na sila ni Aljur.

Pero mariin niyang sabi, sila ay may healthy relationship ngayon ni Aljur. Sila ay may maayos na co-parenting relationship para sa kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement