Kylie Padilla on being a single parent: “Single motherhood is so hard!”

Sabi pa ni Kylie, matagal-tagal naring nagpapakatatay siya para sa mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla naglabas ng kaniyang hinaing sa pagiging isang single mom. Mga netizens lalong humanga sa aktres sa pagiging ina nito sa mga anak nina ni Aljur Abrenica na sina Axl at Alas.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kylie Padilla sa pagiging single mom.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Kylie Padilla sa pagiging single mom

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Hindi napigilan ng aktres na si Kylie Padilla na ibahagi ang kaniyang nararamdaman sa pagiging isang single mom. Si Kylie ginawa ito sa pamamagitan ng isang social media post na may kalakip na larawan na kung saan makikitang kasama niya ang dalawang anak at tila sila ay nasa isang bakasyon.

Sabi ni Kylie sa caption ng kaniyang post, napakahirap ng pagiging isang single mom. Maliban sa wala na siyang oras na makasama ang mga anak ay nahihirapan din siyang ipaliwanag sa mga ito kung bakit kailangan niyang magtrabaho at mawala lagi sa tabi nila.

“Single motherhood is so hard! I don’t want to mince words anymore. I miss my kiddos. I’m trying to find so many ways to explain to them why Mama is always away and always tired.”

Ito ang bahagi ng post ni Kylie.

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa niya, sana ay magawa niyang ipaintindi sa mga ito na para sa kinabukasan ng mga anak ang ginagawa niya. Pero babawi naman daw siya sa mga anak at ipaparamdam ulit ang presensya niya bilang ina. Bagamat pag-amin niya pa matagal-tagal naring nagpapakatatay siya sa mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I wish I could just hold them forever and make them understand how much they ground me and how much they guide me and how much of what I do is for their future.

Konting tiis nalang and you’ll have me the whole day promise. I think I’m ready to mom again, I’ve been dad for quite sometime now huhuhu.”

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga netizens hindi napigilang mag-react at lalong humanga kay Kylie. Ito ang ilan sa reaksyon nila.

Super Mom ❤”

“Your doing a great job salute to you!sending hugs!!”

“Best mom!♥♥♥”

“I always admire you for being a great mom.”

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement