Mom confession: "Sorry Hubby, wala talaga akong ganang makipagtalik..."

Nawalan ka rin ba ng ganang makipag-sex kay mister ng dumating na si baby?

Lack of intimacy after having a baby o kawalang gana sa sex matapos manganak, ano nga ba ang posibleng dahilan?

Mababasa sa aritkulong ito:

  • Confession ng mga ina na nawalan ng gana makipag-talik matapos manganak.
  • Ano ang mga dahilan kung bakit nawawalan ng gana ang isang babae sa pagtatalik matapos manganak?

Lack of intimacy after a baby: mothers’ confession

“Sorry hubby, wala talaga akong ganang makipag-sex.”- Ito ang lagi ko nalang naiisip sa tuwing tumatanggi ako sa pangangalabit ng mister ko. Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw ko pero parang ang bigat ng katawan ko. Parang mas gusto kong mahiga nalang sa kama, magpahinga at yakapin siya. Siguro dala ng pagod sa pag-aalaga ng anak ko at pag-aasikaso sa buong pamilya.” –Anne, mother of 2

“Noong first time kong ma-CS, medyo natakot akong makipag-sex ulit kasi baka bumukas ‘yong tahi ko.” – Lia, mother of 3

“Parang hindi pa kasi ako ready. Imagine, 28 hours akong nag-labor. Medyo hindi pa ko nakaka-move on sa sakit at natatakot akong mabuntis ulit.” – Elen, first time mom

“Gustong-gusto ko man siyang pagbigyan pero katabi namin iyong mga bata matulog. Natatakot akong makita kami ng mga anak ko tapos gayahin nila. Haha Napaka-playful pa naman ng baby boy ko at ginagaya niya ginagawa ng daddy niya.” – Rea, working mom

“Ewan ko pero parang nabago iyong tingin ko sa sarili ko. Ngayon pakiramdam ko higit sa sex dapat ang koneksyon naming dalawa. Hindi ko alam kung tama o mali pero parang mas naging malalim iyong role ko sa pamilya. Sa ngayon hindi lang ako basta asawa. Isa na rin akong ina at kailangan ko ng lakas at energy para pagsilbihan ang aming pamilya.” – Glenda, full-time housewife

“Pero walang nabago sa pagmamahal ko sa mister ko. Kung tutuusin ay mas lumalalim pa nga ang feelings ko sa kaniya. Hindi ko lang talaga maipaliwanag at maintindihan. Wala akong ganang makipag-sex at naniniwala akong hindi naman ito ang sukatan ng pagmamahal ko sa kaniya.” – Alice, mother of a 6 month old baby boy

Mga dahilan kung bakit nawawalan ng gana sa pakikipagtalik matapos manganak

Lack of intimacy after baby/People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ang mga nabanggit ay mga confession ng ilang ina tungkol sa estado ng sex life nila matapos manganak. Katulad ka rin ba nila na nawalan ng gana sa pakikipagtalik ng nagkaanak na?

Ayon kay Dr. Sheryl Ross, isang OB-Gyne mula sa Los Angeles, California, USA, normal lang umano sa mga babae pati na rin sa mga lalaki na biglang mawalan ng gana sa pakikipagtalik sa unang anim hanggang siyam na buwan matapos magkaroon ng baby. Pahayag ni Dr. Ross,

“It’s completely normal for both women and men’s libido to hit a rock-bottom low during the first six to nine months following the birth of your baby.”

Sinubukan namang tukuyin ng mga pag-aaral kung bakit nangyayari ito sa mga babaeng bagong panganak. Ito ang kanilang mga natuklasan na dahilan kung bakit ito nangyayari.

1. Physical trauma sa labor at delivery.

Isa sa mga sinasabing dahilan kung bakit nawawalan ng gana sa pakikipagtalik ang isang babae matapos manganak ay dahil sa trauma na naranasan nila sa pagle-labor at panganganak.

Kaya naman sila ay masyado pang sensitive na muling magpagalaw. Dagdag pa na sila ay hindi pa nakakapag-move on sa hirap at sakit na kanilang pinagdaanan at natatakot na maranasan itong muli kaagad kung sila ay mabubuntis muli.

2. Hormonal changes sa katawan.

Epekto rin ng pagbabago sa hormones sa katawan ang isa pang dahilan kung bakit nawawalan ng ganang makipagtalik ang isang babae matapos manganak.

Sapagkat ang mga new mothers ay nagkakaroon ng drop sa hormones na estrogen sa kanilang katawan. Ang hormones na ito ang responsable sa pagiging sexually inclined ng isang babae. Ang estrogen hormones mas bumaba pa ang level kung ang babaeng bagong panganak ay nagpapasuso.

Isa pang uri ng hormone na sinasabing nakakaapekto sa ikinikilos na ito ng isang ina ay ang oxytocin o kilala rin sa tawag na cuddle hormone. Ang hormone na ito ay nag-propromote ng bonding sa pagitan na bagong panganak na ina at kaniyang sanggol.

Kaya naman kaysa mag-spend ng dirty at sexy time sa kaniyang asawa ay mas pinipili ng new mom na yakapin at bantayan ang newborn baby niya.

Baby photo created by jcomp – www.freepik.com 

3. Pakiramdam na hindi na hot o sexy sa paningin ng mister nila.

Dahil sa pinagdaanang pagbabago sa kanilang katawan nang mabuntis at manganak ay nawawala ang confidence ng isang babae sa katawan niya. Kaya naman nahihiya siyang makita ng kaniyang mister ang katawan niya sa paniniwalang siya ay hindi na sexy o hot sa paningin niya.

4. Ang babaeng bagong panganak ay may post-medical birth issues.

Maliban sa hugis ng kanilang katawan, isa pang dahilan kung bakit nahihiya at nawawalan ng gana sa pakikipagtalik ang bagong panganak na babe ay dahil siya’y nakakaranas ng post-medical birth issues.

Tulad na lamang ng pagkakaroon ng bladder prolapse o past-partum hemorrhoids na nahihiya siyang makita ng asawa nila. Maiiugnay rin nito ang takot niya na bumuka ang tahi niya sa puwerta o episiotomy kapag nakipagtalik siya.

5. Nakakaranas ng post-partum depression at anxiety ang bagong panganak na babae.

Ang mga babaeng bagong panganak ay mataas ang tiyansa na makaranas ng depression o anxiety. Epekto pa rin ito ng hormonal changes ng kanilang katawan na dinadagdagan ng pagod at puyat ng kanilang bagong responsibilidad. Kaya naman ang resulta ay nawawala ang gana nilang makipagtalik sa asawa nila.

6. Pagod o fatigue.

Ito ang madalas na dahilan ng maraming panganak na babae. Sanhi ng pagod at puyat sa pag-aalaga kay baby pagdating sa kama sa gabi ay wala na silang energy. Kaya naman imbis na pagbigyan si mister ay pipiliin nilang magpahinga at matulog na lamang.

Tips para maibalik ang gana sa pagtatalik

Lack of intimacy after baby/ People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ang mga nabanggit ay ilan sa madalas na dahilan kung bakit nawawalan ng gana sa pakikipagtalik ang bagong panganak na babae. Bagama’t sinasabing ito ay normal, payo ng mga eksperto dapat ay gumawa ng hakbang ang magkarelasyon para maiwasang magkaroon ito ng negatibong epekto sa kanilang pagsasama.

Ang mga ito nga ay ang sumusunod na makakatulong rin para maibalik ang gana ng bagong ina sa pakikipagtalik sa asawa niya.

  • Ang una at pinakamahalagang bagay na dapat gawin para maiwasang makasama sa inyong relasyon ang kawalang gana mo sa pagtatalik ay ang kausapin ang partner o asawa mo tungkol rito. Dapat ay maging matapat ka sa nararamdaman upang maiintindihan niya ang sitwasyon o saloobin mo.
  • Hindi mo ring dapat pilitin ang iyong sarili na makipagtalik. Hintayin na maging ready ka na ulit.
  • Kung hindi pa ready ay maging intimate sa iyong asawa sa ibang paraan. Tulad ng paghalik kay mister, pagyakap, pagtabi o paghalik sa kaniya.
  • Maglaan ng oras kay mister na kung saan puwede kayong mag-solong dalawa.
  • Makakatulong din ang pagkakaroon ng water-based lubricant na madaling maabot anumang oras. Para kung gusto mong subukan ay hindi ito magiging mahirap sa inyong dalawa.
  • Mag-experiment at subukang ang iba pang sexual positions na hindi ninyo pa nagagawa ni mister. Ngunit siguraduhin na ikaw ay magiging komporable sa pagsasagawa nito.
  • Huwag mawalan ng pag-asa. Subukan ninyo ng subukan ni mister hanggang sa bumalik na ang iyong gana.