4 ways to cook creamy and special Laing

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakatikim na ba kayo ng Laing, kung hindi pa subukan ng iluto ito sa easy recipe at tikman ang isa sa mga kilalang pagkain sa Bicol.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap sa pagluluto ng Laing
  • Paraan ng pagluluto ng Laing

Cream and Special Laing recipe

Ang Bicol, hindi lang kilala sa putaheng Bicol Express, kilala rin dahil sa mga putaheng gawa sa gata o coconut milk. Kabilang na dito ang ginataang santol, ginataang sigarilyas, ginataang langka, kinunot, at kung anu ano pa na nilalahukan ng gata. Isa sa pinakakilalang putahe ay ang Laing. 

Ang laing ay naimbento dahil sa kanilang putaheng tinatawag na Pinangat. Ang Pinangat ay kapareho ng mga sangkap ng laing ngunit magkaiba ang proseso ng pagluluto. Binabalot ang mga mga ginayat na dahon ng gabi sa mas malapad na dahon ng gabi, nilalahukan ang loob nito ng bagoong at kaunting karne ng baboy. Niluluto ng higit sa loob ng isang oras sa gata upang manuot ang lasa. Samantalang ang laing, simpleng paggisa ng dahon ng gabi na nilalahukan ng tinapa, alamang, baboy, hipon, o alimasag, at nilalagyan ng gata hanggang maluto.

Masarap, makrema, at malinamnam, ilan lang ito sa characteristic ng Laing. Ang simple pero masustansya ulam na ito ay hindi nangangailangan ng madaming oras ng pagluluto.

Ituturo ko sa inyo ang apat na paraan sa pagluluto ng makremang laing.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unang paraan: Gamit ang Sariwang Dahon ng Gabi na Laing recipe

Laing leaf. | Larawan mula sa iStock

Mga sangkap  Laing recipe:

  • 10 pirasong Dahon ng gabi (sariwa at malalapad); gayatin o hiwain ng 1 sentimetro
  • 6 butil ng bawang; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng luya; tadtarin
  • 1 kutsarang bagoong alamang
  • 2 pirasong tinapa; himayin
  • 2 tasang gata (pangalawang piga)
  • 1 tasang kakang gata (unang piga)
  • ½ kutsaritang asukal
  • Patis
  • Siling berde o labuyo

Paraan ng pagluluto ng Laing recipe:

  1. Sa isang kawali, maglagay ng 2 kutsarang mantika. Igisa ang bawang, sibuyas, at luya. 
  2. Isunod na ilagay ang hinimay na tinapa. Lutuin sa loob ng 2 minuto. Ilagay ang bagoong alamang at gata (ikalawang piga).
  3. Ilagay ang dahon ng gabi. Ilubog ng bahagya at hinaan ang apoy. Hayaang kumulo at huwag hahaluin upang maiwasan ang makati sa dila na laing.
  4. Kapag kumulo na at nabawasan na ang ang gata, ilagay ang kakang gata (unang piga), at asukal. Haluin ng bahagya at timplahan ng patis kung kinakailangan. 
  5. Ilakas ang apoy at pagmantikain. I-off ang apoy at ilagay ang siling berde o labuyo para sa spicy na laing.

Pangalawang paraan: Pinatuyo at pinakremang Laing recipe

Mga Sangkap sa Laing recipe:

150 grams Pinatuyong dahon ng gabi

  • 6 butil ng bawang; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng luya; tadtarin
  • 1 kutsarang bagoong alamang
  • ¼ kilo ng baboy (hiniwang maliliit)
  • ¼ tasang tubig
  • 1½ tasang gata (pangalawang piga)
  • 1½ tasang kakang gata (unang piga)
  • Patis
  • Siling berde o labuyo
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Paraan ng pagluluto ng Laing recipe:

  1. Sa isang kawali, ilagay ang baboy, lagyan ng ¼ tasang tubig. Takpan at iluto sa katamtamang apoy hanggang magmantika.
  2. Isunod na ilagay ang bawang, sibuyas, luya, at bagoong alamang. Lutuin ng dalawang minuto.
  3. Ilagay ang tuyong dahon ng gabi, ilubog ng bahagya. Hayaang kumulo at maluto. Wag hahaluin.
  4. Hinaan ang apoy at ilagay ang kakang gata (unang piga). Timplahan ng patis kung kinakailangan. Hayaang magmantika. At ilagay ang siling berde o labuyo bago i-off ang apoy.

*mas makrema ang bersyong ito dahil sa dami ng kakang gata na nilagay

BASAHIN:

Ginataang Tulingan: Ang tamang paraan ng pagluluto ng masarap na ulam na ito

Nilagang Baboy Recipe: Ang classic na ulam para sa homecook beginners

Buko salad recipe: Masarap na panghimagas sa salu-salo

Pangatlong paraan:  Special Seafood Laing recipe

Mga Sangkap Special Seafood Laing recipe:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • 150 grams Pinatuyong dahon ng gabi
  • ¼ kilong hipon 
  • ½ kilong alimasag; hatiin sa gitna
  • 6 butil ng bawang; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng luya; tadtarin
  • 2 tasang gata (pangalawang piga)
  • 1 tasang kakang gata (unang piga)
  • ½ kutsaritang asukal
  • Patis
  • Siling berde o labuyo

Paraan ng pagluluto Special Seafood Laing recipe:

  1. Sa isang kawali, ilagay ang 2 kutsarang mantika, igisa ang bawang, sibuyas at luya. Iluto hanggang mag-aroma.
  2. Isunod ang hipon at alimasag. Lutuin ng limang minuto. Isunod ang gata (pangalawang piga) at asukal.
  3. Ilagay ang tuyong dahon ng gabi at ilubog ng bahagya. Huwag hahaluin. Pakuluin.
  4. Kapag lumukulo na, ilagay ang kakang gata (unang piga). At timplahan ng patis ayon sa panlasa. Iluto hanggang magmantika. Ilagay ang siling berde o labuyo bago i-off ang apoy. Ready to serve na ang Special Seafood Laing!

Ika-apat na paraan: Simple at Easy to cook Laing recipe

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga Sangkap:

  • 150 grams Pinatuyong dahon ng gabi
  • 6 butil ng bawang; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas; tadtarin
  • 1 katamtamang laki ng luya; tadtarin
  • 1 kutsarang bagoong alamang
  • 2 tasang gata (pangalawang piga)
  • 1 tasang kakang gata (unang piga)
  • ½ kutsaritang asukal
  • Patis
  • Siling berde o labuyo
  • 2 kutsarang dilis

Paraan ng pagluluto:

  1. Sa isang kawali, ilagay ang gata (ikalawang piga), bawang, sibuyas, luya, bagoong alamang, at asukal. Pakuluin.
  2. Isunod na ilagay ang tuyong dahon ng gabi. Ilubog ng bahagya, at hayaang kumulo. Huwag hahaluin.
  3. Kapag kumukulo na, ihalo ang kakang gata (unang piga) at timplashan ng patis na ayon sa panlasa. Ilagay ang siling berde o labuyo kapag kumulo na.
  4. Sa isa pang maliit na kawali, iluto o isangag sa kaunting mantika ang dilis. Ito ang magsisilbing toppings ng nalutong gata.

Masarap itong ipareha sa pritong o inihaw na isda. Siguraduhing puno ng kanin ang kaldero bago magluto ng laing, para hindi mabitin sa kanin. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement