Ang mga lalaking may “Dad Bod” umano ay mas mabuting tatay at committed sa isang relasyon.
Mommies, napansin niyo bang si hubby ay nadagdagan ng timbang matapos niyong ikasal at maging magulang? Naging “Dad Bod” na ba ang kanyang pangangatawan? Alamin ang isang good news mula sa isang pag-aaral patungkol sa mga lalaking may ‘dad bod’ ay mas mabuting tatay at mas committed daw sa relasyon.
Pagkakaroon ng “Dad Bod” sign ng pagiging mabuting Tatay?
Ayon sa mga mananaliksik iomula sa University of Southern Mississippi. Tingin ng maraming babae na ang mga lalaking may ‘dad bods’ ay mas magiging mabuting magulang o tatay sa kanilang mga anak.
Ang terminong ‘dad bods’ ay isang body shape na tumutukoy sa isang lalaki, partikular ang mga tatay na hindi naman payat o toned. Pero mayroong kapansin-pansin na taba partikular na sa kanilang mga tiyan.
Aabot sa 800 ang nakilahok sa pag-aaral ang pinakitaan ng mga litrato ng mga lalaki na mayroong iba’t ibang itsura ng katawan. Mula fit hanggang sligthy overweight.
Ni-rank din ng mga kalahok ang mga litrato ng mga lalaki sa sa 36 na positibo at negatibong parenting behavior.
Natuklasan sa resulta na ang mga lalaking may ‘dad bod’ ay ang nanguna sa pagiging committed sa isang relasyon. Dagdag pa rito nakita rin sap ag-aaral na may mas magandang pakikitungo sa mga bata ang mga may ‘dad bod’ at magiging mas mabuting mga tatay sa kanilang mga anak.
Positibong behavior ng mga may ‘Dad bods’
- “Napapalambot ang puso ng taong ito sa mga bata”
- “Ang taong ito’y tinuturuan ang kanilang mga anak ng mga bagong bagay”
- “Ang taong ito’y siguradong tutulungan ang kanyang anak sa homework”
- “Tingin ko’y ang taong ito’t poprotektahan ang kanyang mga anak mula sa panganib”
Ang mga lalaking may toned at muscular physiques (may mababang body fat at mataas na muscle mass) sa kabilang banda ay mas mataas ang lebel ng dominance at nakakuha ng mababang grado mula sa babae. Kahit na sila’y mas attractive generally sa kabuuan.
Negatibong katangian ng mga ganitong lalaki:
- “Tingin ng taong ito ay nakakairita ang mga bata”
- “Ang taong ito’y parang sasagutin ang tawag habang siya’y nasa recital ng anak”
- “Ang taong ito’y hindi maingat sa pagbuhat at pag-akay sa mga bata”
Ayon sa mga mananaliksik mula sa University of Southern Mississippi, ang mga tatay na may mabigat na timabang ay less dominant, kaya naman mas warmer at committed ang mga ito.
“High fat and small muscles were perceived as more indicative of positive parenting abilities,” pahayag ng mga mananaliksik sa kanilang journal na Evolutionary Psychological Science.
Kahit pabor ang mga tatay na magkaroon ng ‘dad bod’ kaysa magkaroon ng katawan na mas tone at may muscle. Tingin ng mga babae na ang katulad ito ng katawan nina Matt Damon, Leonardo DiCarpio, at Jack Black.
Kapansin-pansin, sa ginawang pananaliksik na ang babae at lalaki ay nagbago ang physiological at mas lumalim pa ang commitment, sa kanilang pamilya at sa kanilang relasyon.
Ang mga lalaking may mataas na testosterone ay mayroong less body fat. Subalit kapag sila’y naging committed sa kanilang mga partner o mga magulang ay bumaba ang kanilang testosterone.
Subalit hindi nakasama sa pag-aaral ang mga unfit o overweight na lalaki na maaari ring mahusgahan. Sa esensya ang pagkakaroon ng ‘dad bod’ ay tungkol sa pagiging fit subalit hindi naman aabot sa pagiging self-obsessively fit.
“It is often the case that people are motivated to be fit to attract mates. So, heavier men and women may be communicating less concern with personal attractiveness and attracting new mates. And greater interest in parental investment with a current partner,” pahayag ni Donald Sacco ang pangunahing awtor ng pag-aaral.
Isinalin sa wikang Filipino ni Marhiel Garrote mula sa wikang Ingles mula sa theAsianparent Singapore