Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya

Narito kung paano ipinaramdam ni Marco Alcaraz ang kaniyang pagmamahal sa kaarawan ng misis niyang si Lara Quigaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lara Quigaman birthday celebration binigyang kilig at saya ng isang simpleng mensahe mula sa kaniyang asawang si Marco Alcaraz.

Lara Quigaman birthday celebration, naging sobrang saya!

Ngayong araw Enero 3, ay ipinagdidiwang ng dating beauty queen na si Lara Quigaman ang kaniyang ika-37 na kaarawan. Hindi nga pinalampas ng kaniyang mister na si Marco Alcaraz ang importanteng araw na ito at binati ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Kalakip nga ng pagbati ni Marco Alcaraz sa misis ay isang nakakakilig na mensahe na paniguradong gustong marinig ng kahit sinong maybahay mula sa kanilang mister.

Ang mensahe ni Marco sa kaniyang misis ay ito.

“To The Best Wife, Best Mom, Best Daughter, Best Friend, Best Actress 👰🏻🔪🏆 Happy Happy Birthday!! Enjoy your working birthday and continue to inspire people. We Love you and marami nagmamahal sayo ❤️ P.S. ATM ko nasa wallet mo pa kaya withdraw ka lng at bilin mo kahit ano gusto mo. Hehehe”

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Hindi lang ito ang unang beses na ipinakita ni Marco kung gaano niya ini-spoil ang asawa sa kaniyang pagsuporta at pagmamahal. Dahil ilang araw bago pa ang kaarawan ni Lara Quigaman ay pinagdiwang din nila ang kanilang 9th wedding anniversary. At sa pamamagitan parin ng isang Instagram post ay isang mensahe ang ibinigay ni Marco kay Lara na siguradong ang masasambit lang ng sinumang misis na makakarinig ay “sana all”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lara Quigaman and Marco Alcaraz wedding anniversary

“IS THIS A DREAM? 🙈

Tomorrow is 2020.. It marks 9 years that I’m married to this amazing woman. Feel so blessed waking up beside her everyday, the most beautiful woman I know even without make up. She’s the best Mom to Noah & Tobias.

And she’s also The BEST actress for me. Congrats Tita Alice!! Happy Anniversary and I LOVE you Forever. Sayo na lahat ng Pera ko ☺️”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Ngunit kahit walang mahalagang okasyon ay hindi parin naman mapipigilan si Marco Alcaraz na ipakita ang pagmamahal niya sa kaniyang misis. Pagmamahal na may kalakip na sense of humor at birong lahat ng misis ay makakarelate.

marcoalcaraz

Ang tawa nya nung nakuha nya lahat ng sweldo ko 👀
ang d nya alam kaya nakangiti rin ako.. may konte akong kupit🤣

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Maliban nga sa mga sweet posts at messages na ito ay makikita rin ang sobrang pagmamahal ni Marco sa asawa sa mga byahe nilang magkasama sa iba’t-ibang lugar sa mundo. Sa mga malalagkit na titig palang ni Marco kay Lara ay mararamdaman mo na pagka-proud at pagmamahal niya sa asawa.

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Lara Quigaman and Marco Alcaraz family

Lalo na sa pagiging mabuting ina sa kanilang dalawang anak na sina Noah, 7 at Tobias, 1. Dagdag pa nga ni Marco kahit dalawa na ang anak nila ay hindi parin nagbabago ang kaniyang asawa na sexy at napakaganda parin sa paningin niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Bago maikasal si Marco Alcaraz at Lara Quigaman ay naging magkasintahan muna sila sa loob ng tatlong taon. At noong January 1, 2011 ay una silang ikinasal sa Vancouver, Canada sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. Sinundan ito ng isang Christian wedding ceremony noong July 8, 2012 sa Hacienda Isabela sa Tagaytay.

Source:

ABS-CBN News

LOOK: Cute photos ng pamilya ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement