Leap year baby facts at mga dahilan kung bakit espesyal ang mga ipinanganak sa araw na ito.
Leap year baby facts
Ang leap year ay nangyayari tuwing kada apat na taon at tumatapat ang araw na ito sa ika-29 ng Pebrero. Paliwanag ng mga eksperto, ang leap year ay ang solusyon upang tumugma ang ating ginagamit na kalendaryo o calendar year sa bilang ng pag-ikot ng mundo sa araw o solar year.
Bagamat para sa nakakarami ang leap year ay tila isang normal na araw na nadagdag lang sa pinamaiksing buwan ng taon. Hindi naman para sa mga sanggol o taong ipinanganak sa araw na ito na nangyayari lang kada apat na taon. Maliban nga sa kanilang birthday na naiicecelebrate lang nila every 4 years, narito ang mga leap year baby facts at mga rason kung bakit sila itinuturing na espesyal.
1 in every 1,461 babies lang ang ipinanganak sa araw ng leap year.
Ayon sa History.com, tinatayang may 4.1 million na tao sa mundo ang ipinanganak ng Feruary 29. At isa sa kada 1,461 na sanggol lang ang may tiyansang maipanganak sa araw na ito. Mas bibihira ito sa 1 out of 500 na mga sanggol na maaring maipanganak ng may sobrang daliri sa kamay at paa ayon sa isang pag-aaral.
Kaya naman sadyang kokonti lang ang mga leap year babies na tinatawag ding “leaplings” o “leapers” sa buong mundo.
Maaring mamili ang mga leap year babies na kanilang birthday.
Minsan naisip mo bang sana tumapat sa ibang araw ang birthday mo at ng anak mo? Ang oportunidad na ito ay esklusibo lang para sa mga leaplings. Dahil sila ay maaring mamili ng kanilang birthday sa mga normal na taon sa pagitan ng February 28 o March 1. Ayon nga sa Harvard psychologist na si Holly Parker, ito ay very unique lang sa mga leaplings.
“There’s no other birthday that offers as much freedom. If a person chooses to celebrate their birthday on March 1, they can literally celebrate their birthday in two different months [March for three years, February for one year]. No one else gets to do that.”
Ito ang pahayag ni Parker. Habang biro naman ng iba ang mga leaplings ay mas bata kumpara sa kasabayan nilang ipinanganak ng parehong taon. Dahil sa kada apat na taon lang opisyal na nadagdagan ang kanilang edad.
Maraming sikat na tao ang ipinanganak sa araw na ito.
Bagamat maliit na bahagi lang ang mga leaplings sa kabuuang bilang ng populasyon, marami naman sa kanila ang sikat at matagumpay sa pinili nilang larangan.
Ilan nga sa kanila ay ang rapper na sina Ja Rule at Saul Williams. Mga aktor na sina Peter Scanavino, Antonio Sabato, Alex Rocco at Dennis Farina. Ang composer na si Gioacchino Rossini at mga musician na sina Jimmy Dorsey at Mark Foster. Pati na ang British football player na si Darren Ambrose at motivational speaker na si Tony Robbins.
Record breaker din ang mga ipinanganak ng leap day.
Samantala, ayon sa Guiness World Book of Records, ay ipinanganak sa leap day ang pinakamaraming magkakapatid na isinilang sa parehong araw. Ito ay ang magkakapatid na sina Heidi, Olav at Leif-Martin Henriksen mula Norway na ipinanganak ng February 29 sa mga taong 1960, 1964 at 1968.
May isang pamilya rin sa Utah ay may tatlong anak na ipinanganak ng leap day. Ito ay sina Jade, Xavier at Remington Estes na ipinaganak sa mga taong 2002, 2004 at 2008.
Habang may isang pamilya naman sa UK ang may 3 generations leaplings. Sila ay ang pamilya Keogh. Ang unang henerasyon ng leaplings sa pamilya Keogh ay sinimulan ni Peter Anthony Keogh na ipinanganak noong February 29, 1940. Sinundan ito ng anak niyang si Eric na ipinanganak noong February 29, 1964. At ang pangatlong henerasyon ay ang kaniyang apo na si Bethany Wealth na ipinanganak naman noong February 29, 1996.
May grupo ang binuo para sa mga leap year babies sa buong mundo.
Dahil sila ay kokonti, may isang grupo ang binuo para sa mga ipinanganak ng leap year. Ito ay ang The Honor Society of Leap Year Day Babies na naglalayong mag-promote ng leap day awareness at pag-ugnayin ang mga leap day babies.
Itinayo ang grupo noong 1997 ni Raenell Dawn, isang leap year baby. Ayon sa kaniya ang kanilang grupo ay nagnanais na mag-raise ng leap consciousness. Ito ay sa pamamagitan ng isang online community na kung saan maaring mag-share ng kanilang experience ang mga leaplings pati na ang kanilang mga magulang. Dito ay maari ring magpalitan ng komento, mag-tulungan at mabigayan ng payo ang mga leaplings sa isa’t-isa.
“There are those few moms who hate it. They do not want a leap day baby, so we try to help them understand that there’s no need to feel this way about the date.”
Ito ang pahayag ni Dawn sa isang panayam.
Sa ngayon ay mayroon ng 11,000 members ang kanilang grupo sa buong mundo.
Ilan lamang ito sa mga interesting leap year baby facts. Kaya kung ipinanganak sa araw na ito ang anak mo ay napaka-espesyal niya hindi lang para sayo kung hindi para rin sa buong mundo.
SOURCE: National Geographic, Medical Daily, The Guardian, DailyMail UK
BASAHIN: February babies are more likely to be famous, according to research