Leon Barretto sumagot sa birthday greeting ng amang si Dennis Padilla

Another "the world is healing" moment para sa mga fan nang sumagot si Leon Barretto sa birthday greeting sa kaniya ng amang si Dennis Padilla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang mahabang panahon nang hindi pag-uusap, hindi nakalampas sa mata ng fans at netizens ang pagre-reply ni Leon Barretto sa birthday greeting ng kaniyang tatay na si Dennis Padilla.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Marjorie Barretto, Dennis Padilla sweet message sa birthday ng anak
  • Leon Barretto may reply sa birthday greeting ni Dennis Padilla

Marjorie Barretto, Dennis Padilla sweet message sa birthday ng anak

Kapwa nag-post sa kani-kanilang social media account ang parents ni Leon Barretto na sina Marjorie at Dennis Padilla. Sa kanilang Instagram ay binati nila ang kanilang anak sa ika-21 kaarawan nito.

Larawan mula sa Instagram ni Marjorie Barretto

“Happy 21st birthday to my only son Leon!! I can’t imagine a life without you, Kuya. You are everyone’s go to person. Our gentle giant, the best son, brother and friend!” pahayag ni Marjorie Barretto.

Hiling umano ni Marjorie na magkaroon nang maayos na future ang kaniyang anak at mapalibutan ito ng mga tamang tao.

“Thank you for all the hard work you put into school, Kuya. I appreciate how you make everything easier for me. I love you so much…My greatest wish and prayer for you, a bright future, good health and that you will be surrounded with all the right people around you. Cheers to 21!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Marjorie Barretto

Nag-reply naman si Leon Barretto ng “LOVE U MOM,” sa nasabing IG post ng kaniyang mother.

Leon Barretto may reply sa birthday greeting ni Dennis Padilla

Hindi rin naman nagpahuli sa mensahe ang father ni Leon Barretto na si Dennis Padilla. Sa kaniyang Instagram ay nagpaskil ito ng larawan nilang mag-ama noong bata pa ang anak. Kasama ang isa pang larawan ng aktor habang hawak ang papel na may nakasulat na pagbati kay Leon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dear Leon… Happy birthday anak!! Love you… Hope to see you soon 🙏🎂♥️,” caption ni Dennis Padilla.

“Dear Leon Marcux, Happy b-day anak. God bless you more!! We love you!! (heart emoji) Papa,” saad naman nito sa collage picture na ipinaskil sa IG.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Dennis Padilla

Hindi inaasahan ng mga netizen na sasagot si Leon sa pagbati na ito ng kaniyang ama. Pero makikita sa comment section ang reply ng binata.

“Thank you Papa 😊🙏🏼.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinatuwa ng mga netizen na tila nagkaayos na ang mag-ama matapos ang mahabang panahon ng di pagkakaunawaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan