Isang open letter para sa anak ang nais kong ibahagi para sa anak niyang maagang naging Kuya. Tunghayan ang aking mensahe sa aking anak sa artikilong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mensahe ng isang ina sa kaniyang anak
- “Open letter para sa aking anak”
Open letter para sa aking anak
Sa aking dating baby na maagang naging kuya. Sorry bunso, hati na ang oras ng mommy. Wala na sa iyo ang buong atensyon ko. Sorry kung minsan minamadali kita sa pagkain, sa pagligo kasi marami pang naiwang gagawin si mommy..
Patawarin mo ako kung minsan naiirita ako kapag maingay ka kasi baka magising si baby. Kapag natataasan kita ng boses kapag hindi ka sumusunod. Kung gusto kong matulog ka muna kasabay si baby para makapagpahinga ako..
Larawan mula sa author
Sorry sa mga oras na tinatawag mo ako maglaro pero karga ko si baby. Sa mga oras na nagpapapansin ka at naglalambing ngunit hindi ko napapansin.
Sorry, sa mga sayaw mo na hindi ko nasusundan, sa mga kanta mo na hindi ko na nasasabayan, mga kwento mo na hindi ko na napapakinggan, sa mga drawing mo na hindi na natin sabay kulayan, mga laro mo na hindi ako kasama.
Sorry kuya kung hindi na katulad ng dati.
Larawan mula sa author
Nahihirapan si Mommy at nagi-guilty….sobra. Masakit sa akin makita kang nag-iisa sa isang sulok at hindi mo ako kasama. Nalulungkot ako tuwing hindi kita makarga. Kapag natutulog ka na hindi na ako katabi.
Miss ko ng kilitiin ka at marinig ang iyong tawa, na katabi ka at yakapin ka, na kargahin at amuy amuyin ka.
Pangako anak babawi ako. Asahan mo magiging mas responsable ako. Gagawin lahat ni Mommy ang lahat upang maibigay ang atensyon na kailangan mo.
Larawan mula sa author
Para hindi mo maramdaman na may kahati ka at para maramdaman mo pa rin na mahal kita.
Tandaan mo kuya hindi nahati ang pagmamahal ng mommy sa ‘yo, nadoble lang dahil my baby ading ka na.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!
Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.