Mom of 2-year old leukemia patient prays for miracle: "Lalaban po ako para madugtungan buhay ng anak ko."

Mensahe ni mommy Danielle, "“Sana po wala na pong iba pang batang dumanas ng gantong hirap at sakit.  Mga batang inosente na nagsisimula pa lang po mamulat sa ganda ng mundo."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila ng kinahaharap na pagsubok, puno ng pag-asa ang makikita sa isang mommy sa kabila ng sakit na hinaharap ng kaniyang anak. Dalawang taon pa lang ang bata, sa kinasamaang-palad ay nagkaroon ito ng leukemia.

Sa panayam ng theAsianParent Philippines kay mommy Danielle, idinetalye niya ang nangyari sa kaniyang anak na si Dheyna Faith Acosta.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mommy humingi ng panalangin para sa 2-year-old na anak na may leukemia
  • Sintomas, sanhi, at gamot sa leukemia sa bata

Mommy humingi ng panalangin para sa 2-year-old na anak na may leukemia

Isinalaysay ni Mommy Danielle sa Usapang Nanay Facebook group na bigla na lang daw nawalan ng malay ang kaniyang anak na si Dheyna noong July 7. Agad umano nila itong sinugod sa ospital at nahimasmasan makalipas ang 30 minuto.

Inilipat daw sa Philippine Orthopedic Center ang bata dahil bukod sa pagkahimatay nito ay isang buwan na rin daw na hindi ito makalakad. Sumailalim sa iba’t ibang tests ang bata at paglabas ng resulta ng blood test ni baby Dheyna, nakitang napakababa ng level ng hemoglobin at platelet counts nito.

Matapos ang pakikipag-usap sa mga doktor, pinayuhan si mommy Danielle na ilipat ang anak sa National Children’s Hospital para umano mas masuri nang maayos ang kalagayan ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula kay Danielle Ira Fernandez

Sa nasabing ospital na nga nakitaan ng mga doktor ng sintomas ng leukemia sa bata ang dalawang taong gulang na si Dheyna.

Nang sumailalim ito sa bone marrow test ay tsaka lang nakompirma na may B-cell acute lymphoblastic leukemia ang bata.

“Hindi mawala sa isip ko ‘yong takot.  Lalo kapag nag start na siya sa chemotherapy. Hindi lahat kinakaya ‘yong panghihina ng katawan nila.  Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan siya pero wala akong magawa.”

Sa panayam ng theAsianParent Philippines kay mommy Danielle, sinabi nitong nasa bahay lang muna sila sa ngayon at hindi pa nagsisimula ang chemotherapy. Nilalagnat at inuubo raw kasi ang kaniyang anak kaya hindi pa maaaring i-chemo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi rin nito na mahirap lang ang buhay ng pamilya at tinutulungan lang sila ng ilang kamag-anak. Hindi rin makapasok pa sa trabaho ang kaniyang asawa dahil kagagaling lang nito sa aksidente kung saan ay biglang bumigay ang tuhod at nabalian ng dalawang litid.

Nahihirapan si mommy Danielle sa kalagayan ng anak. Kung maaari nga lang daw na kuhain niya ang karamdaman nito ay gagawin niya.

“Sabi po ng doktor, ang chemotherapy depende sa katawan ng pasyente kung kakayanin po ‘yong gamot. Kaya natatakot po ako kasi po kapag nag-start na raw po ang chemo bawal na ihinto dahil mas mag-aactive po ‘yong mga cancer cell.”

Larawan mula kay Mommy Danielle

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbabakasakali umano siya na mayroon pang ibang paraan o gamot sa leukemia sa bata bukod sa chemotherapy. Sabi umano ng mga doktor ay mayroon naman kaya lang ay wala noon sa mga public hospital kaya chemotherapy lang ang solusyon para kay Dheyna.

Mahaba-habang laban pa umano ang pagdaraanan ng pamilya dahil paliwanag ng doktor ay pitong taong gamutan ang kailangang pagdaanan bago bumalik sa normal ang buhay ng bata.

Pitong taon bago malaman kung magiging cancer-free ba ito. Tatlong taon ang chemotherapy, dalawang taon ang medication, at dalawang taon ang obserbasyon.

Hiling ni mommy Danielle, “Sana po wala na pong iba pang batang dumanas ng gantong hirap at sakit.  Mga batang inosente na nagsisimula pa lang po mamulat sa ganda ng mundo. Nagsisimula pa lang pong sumilay sa kinabukasan.”

Aniya pa, patuloy ang kaniyang pagdadasal para mabigyan ng miracle ang kaniyang anak sa matinding pagsubok na kinahaharap nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mahirap po sobra pero laban po. Lalaban po ako/kami para po madugtungan po ang buhay ng anak ko at makawala siya sa sakit na to.”

Sintomas, sanhi at gamot sa leukemia sa bata

Ang leukemia ay sakit na nakaaapekto sa dugo, lalo na sa white blood cells. Normal na nade-develop ang white blood cells sa bone marrow. Kaya naman kung magkakaroon ng abnormal growth ng cells sa bone marrow, maaaring magkaroon ng leukemia ang isang tao.

Ilan sa mga sintomas ng leukemia sa bata ay ang mga sumusunod:

  • Pagdurugo ng ilong at gums
  • Madalas na impeksyon
  • Matinding pagod at panghihina
  • Madalas na pagsakit ng ulo
  • Pamamaga ng mukha, braso, abdomen, at lymph nodes
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagbaba ng timbang
  • Pananakit ng mga buto o joint pain
  • Pagsusuka at seizures
  • Hirap sa paghinga at pag-ubo
  • Skin rashes

Maaari ding makaranas ng anemia ang taong kulang sa red blood cells. Ang anemia ay sintomas din ng leukemia sa bata. Kabilang sa mga senyales ng anemia ay ang pamumutla, pagkahilo, panghihina, at hirap sa paghinga.

Karaniwang nada-diagnose ang leukemia sa bata sa pagitan ng edad na isa hanggang apat na taon. Hindi pa batid ng mga mananaliksik ang sanhi ng leukemia sa bata. Pero tinitingnang dahilan ay pinagsamang genetics at environmental factors.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kanser sa dugo | Image from Freepik

Saad nga ni mommy Danielle, sinabi raw ng doktor na maaaring namana ng bata ang leukemia. Posible rin naman daw na dahil sa mga kinakain tulad ng mga frozen meat gaya ng hotdog.

Mayroong apat na klase ng leukemia sa bata at matatanda. Ito ay ang acute lymphocytic o lymphoblastic leukemia, acute myelogenous leukemia, chronic lymphocytic leukemia, at chronic myelogenous leukemia.

Nakadepende sa kung anong uri ng leukemia ang paraan ng paggamot dito. Mahalagang kumonsulta sa inyong doktor kung makitaan ng ano mang sintomas ng leukemia sa bata ang iyong anak. Ito ay para agad na malaman kung ano ang dapat na gamot para dito.

Maaaring magbigay ng tulong kay mommy Danielle at baby Dheyna sa pamamagitan ng cash donation. Ipadala lamang ito sa kanilang Gcash account: 09758138159 (Maria Elena Fernandez).

Pwede rin namang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng blood donation. Type A+  ang blood type ni baby Dheyna.

Sinulat ni

Jobelle Macayan