LOOK: Anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa, sinubukan ang surfing!

Alamin dito kung ano ang bagong pinagkakaabalahan ng family nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Game na sumubok ng surfing ang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa sa Siargao.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Lilo at Koa sinubukan ang surfing
  • Surf school at bagong negosyo nina Andi at Philmar

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Lilo at Koa sinubukan ang surfing

Masaya sa simpleng pamumuhay sa isla si Andi Eigenmann kasama ang kanyang pamilya. Sa vlog nila na ‘Happy Islanders’, makikita ang update sa buhay ni Andi at kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Syempre, hindi rin mawawala ang mga happening sa kanilang mga anak na sina Lilo, Koa at Ellie.

Sa panibagong YouTube vlog ni Andi Eigenmann, pinasilip niya ang bonding moments nilang pamilya. Happy sina Koa at Lilo nang kanilang subukan ang pagsu-surf.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman dapat kabahan ang mga tagasubaybay ng pamilya nila Andi at Philmar. Ito ay dahil nakabantay naman sila kina Koa at Lilo.

Sa mababaw na bahagi lang din ng dagat sinubukan ng tsikiting nina Philmar at Andi ang surfing.

“It’s a beautiful day! Koa and Lilo are surfing.”

Larawan mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Andi habang kinukuhanan ng video ang special moment ng kanyang mga anak.

Makikita sina Koa at Lilo na nakatayo sa iisang surf board. Bakas din sa kanilang mga mukha ang ngiti sa pagsubok ng naturang sport.

Hindi naman sorpresa na nakakatayo agad sa surf board sina Koa at Lilo kahit sila ay bata pa. Ito ay dahil champion surfer lang naman ang kanilang ama na si Philmar.

Si Philmar ang kinikilalang unang champion sa Philippine Surfing Championship Tour na ginanap sa isla ng Siargao. Nakuha ni Philmar ang naturang parangal noon pang 2017.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noon ding 2016, naging top 2 surfer si Philmar Alipayo sa buong Asya. Kaya naman isa siya sa tinuturing na pinakamahusay na surfer sa Pilipinas.

Samantala, proud naman si Andi Eigenmann sa pagtangkang mag-surf ng kanyang bunso na si Koa. Noong January 2022 pinagdiwang ni Koa ang kanyang 1st birthday.

“I’m so proud of this guy! Are you ready to catch real waves, Koa?”

Bukod sa surfing adventure nina Koa at Lilo, sa naturang vlog din nakita ang island life ng pamilya. Pinasilip ni Andi ang kanilang simpleng breakfast sa dahon ng saging.

Kinilaw at sugba ang kanilang kinain. Hands on din si Andi kay Koa na kanyang sinusubuan habang sila ay kumakain ng almusal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinamahan din si Andi Eigenmann ng kanyang panganay na si Ellie para sa isang quick grocery run. Habang si Philmar Alipayo naman ang nakatoka sa pagluluto sa kanyang signature dish na adobo.

BASAHIN:

Saab Magalona proud sa mister na si Jim Bacarro: “He never takes me or the boys’ yayas for granted.”

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo to start a business in Siargao: “We’re excited!”

Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: “Pag ‘di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad?”

Surf school at bagong negosyo nina Andi at Philmar

Noong April 20 ay bumungad ang ngiti nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann sa pagbubukas ng kanilang surf shop at snack bar.

Sa Instagram post ni Kanaway Surf School, binahagi ang opisyal na opening ng bagong pagkakaabalahan ng couple.

Magiging surf instructor si Philmar sa naturang surf school. Mayroon din silang mga ibinebentang merchandise at souvenir sa Siargao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang si Andi naman ay busy sa kanyang bagong snack bar. Matitikman doon ang mga fruit slushies, ice coffee at ilan pang pagkain para sa mga turista at residente ng isla.

Sa nakaraang vlog ni Andi, makikita kung papaano sinimulan ni Philmar at ilang kasamahan nito ang pagtatayo ng surf school.

“We are spending the morning here while waiting for papa who’s busy there working because finally he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop.”

Katabi ng surf school ni Philmar ay ang snack bar naman ni Andi.

Larawan mula sa Instagram account ng Kanaway Surf School

Makikita sa Instagram post ni Andi na nagpapalamig ang kanyang mister sa kanilang surf bar. Ito ay matapos ang shift ni Philmar sa surf shop.

“He took a shift at the @kanaway.surfschool Surf Shop this morning, while the kids were asleep, and I went to go for a surf!”

“Grateful for all. The ups and even the downs. In bliss to be at this point where we are beginning to live our dream and more.”

Nagpasalamat din si Andi sa kay Philmar sa panibagong journey na kanilang hinaharap bilang mag-partner.

“By keeping our focus on the goal, while we enjoy the journey, timing of course, and each other. Wouldn’t be here without you mahal.”

Matatandaan na na-miss nina Andi, Philmar at kanilang mga anak ang island life. Ito ay matapos na tumama ang bagyong Odette sa isla, dahilan para masira ang karamihan ng istruktura ng mga residente.