Masasabi mo bang kumpleto ang skin care routine mo kung nakakaligtaan mong alagaan ang iyong lips? Hindi pa huli ang lahat para alagaan ang iyong lips. Maraming lip care products na mabibili sa market na makakatulong upang maachieve mo ang soft at naturally pink na labi.
Kung nais mo nang simulan ang iyong lip care routine, tamang-tama ang listahan na ito for you! Alamin ang aming recommended lip care products, plus matuto ng ilang tips kung paano mo mapapangalagaan ang iyong labi.
Paano pumili ng lip care products
Mahalagang piliing mabuti ang gagamiting produkto para sa labi. Narito ang ilang gabay sa pagpili nito:
- Alamin ang iyong skin concern – May mga lip care products na ginawa para solusyonan ang partikular na problema sa labi gaya ng dry lips, cracked lips, pangingitim at marami pang iba.
- Maging mapanuri sa components ng produkto – Mas magandang gawa sa natural ingredients ang gagamiting produkto para sa labi. Makakatulong din na maging mapanuri sa nilalaman ng produkto upang matiyak na wala itong harsh chemicals na makakasama para sa iyo.
- Tignan ang iba pang benepisyo ng produkto – Sulit din ang iyong pagbili sa mga lip care products kung ito ay makakapagbigay pa ng ibang benepisyo sa iyong labi. Bukod sa pagpapalambot ng labi at pagtanggal ng dry skin, may mga lip care products na nagtataglay ng SPF na nagbibigay proteksyon sa araw. Mayroon ding tinted na at nakakapagbigay ng natural pinkish color sa iyong labi.
Kung sensitibo ang iyong balat o di kaya ay matagal nang hindi nawawala ang iyong problema sa labi, mas makabubuting kumonsulta sa Dermatologist upang malaman ang nararapat na produkto para sa’yo.
Best lip care products
Lip Care Products
| The Face Shop Lip Scrub Best Lip Scrub | | View Details | Buy Now |
| Laneige Lip Sleeping Mask Best Lip Mask | | View Details | Buy Now |
| Vaseline Lip Therapy Balm Best moisturizing | | View Details | Buy Now |
| BLK Cosmetics Lip Oil Best Lip Oil | | View Details | Buy Now |
| Sunnies Face Lip Treat Best Tinted Lip Balm | | View Details | Buy Now |
| The Body Shop Skin Defence Lip Balm Best Lip Balm With SPF | | View Details | Buy Now |
Best Lip Scrub
Lip Care Products: Best Brands To Achieve Soft And Naturally Pink Lips | The Face Shop
Kung naghahanap ka ng lip scrub na makakatulong sa iyong dry at flaky lips, ito ang perfect choice for you! And lip scrub na ito mula sa The Face Shop ay gawa sa natural ingredients na maganda para sa labi. Nagtataglay ito ng shea butter na nakakapag moisturize ng labi. Ang walnut shell naman ang nagsisilbing srub upang matanggal ang dead skin sa lips.
Karagdagan, ito ay nakalagay sa tube packaging kaya naman very easy-to-use at hindi makalat. Dermatologically tested din ang lip care product na ito kaya naman makakasigurado kang safe ito gamitin.
Features we love:
- Gawa sa natural ingredients
- Nakakatanggal ng dead skin sa labi
- Dermatologically tested
Best Lip Mask
Lip Care Products: Best Brands To Achieve Soft And Naturally Pink Lips | Laneige
Magandang addition din sa iyong lip care routine ang lip mask. Ang magandang pick para dyan ay ang lip mask mula sa Laneige. Ito ay nakakapagbigay ng deep hydration para mapanatiling smooth and soft ang iyong labi. Naglalaman kasi ito ng berry fruit complex na rich in vitamin C at antioxidants.
Bukod pa riyan, hinaluan din ito ng coconut oil na nakakapagmoisturize ng labi. Madali lamang din itong gamitin. Isa itong overnight lip mask kaya inilalagay ito sa lips bago matulog at pupunasan lamang pagdating ng umaga.
Features we love:
- Hydrating lip mask
- Nagtataglay ng vitamin C at antioxidants
- Easy-to-use
Best Moisturizing Lip Balm
Lip Care Products: Best Brands To Achieve Soft And Naturally Pink Lips | Vaseline
Isa sa mga trusted brands ng lip balm ay ang Vaseline. At siguradong magugustuhan mo ang kanilang lip therapy balm dahil ito gawa sa pure vaseline petroleum jelly na maganda para sa dry at cracked lips.
Nakakapagbigay din ito ng long-lasting mosturization sa labi at nag-iiwan ng light pink tint. Nagtataglay din ito ng vitamin E at iba pang lip-loving ingredients. Higit pa riyan, non-greasy at non-sticky rin ang formulation ng lip balm na ito kaya naman hindi nakakairita gamitin.
Features we love:
- Naglalaman ng petroleum jelly
- Nag-iiwan ng light pink tint sa labi
- Non-greasy at non-sticky
Best Lip Oil
Lip Care Products: Best Brands To Achieve Soft And Naturally Pink Lips | BLK
Kakaibang level ng softness din ang hatid ng lip oil. Kaya naman kung gusto mo itong isama sa iyong lip care routine, ang lip oil mula sa BLK Cosmetics ang aming inirerekomenda. Bukod sa taglay nitong vitamin E, mayroon din itong hyaluronic acid na nakakatulong upang maging light at pinkish ang iyong labi.
Bukod doon ay infused din ito ng real watermelon seed extract na nakakapagbigay ng extra hydration sa lips. At dahil din dito, refreshing ang lip oil nito kapag ginagamit. Non-sticky rin ito at nag-iiwan ng light tint sa labi.
Features we love:
- Mayroong vitamin E at hyaluronic acid
- Refreshing
- Tinted at non-sticky
Best Tinted Lip Balm
Lip Care Products: Best Brands To Achieve Soft And Naturally Pink Lips | Sunnies Face
Extra moisture din ang hatid ng tinted lip balm na ito from Sunnies. Kahit na nagbibigay ito ng karagdagan kulay sa iyong labi, hindi ito drying at nakakadamage ng balat. Ang formulation kasi nito ay may kombinasyon ng shea butter at collagen na effective na pampalambot ng dry lips.
Mas magugustuhan mo pa ang lip balm na ito dahil sa Vitamin E na taglay ito. Ito ay isang antioxidant na kayang magbigay proteksyon sa iyong labi sa damage na maaaring makuha mula sa araw. Sa isang pahid lamang nito, mararamdaman mo na ang smoothness ng iyong labi.
Features we love:
- Tinted lip balm
- Malambot sa balat
- Nagbibigay proteksyon sa sun damage
Best Lip Balm With SPF
Lip Care Products: Best Brands To Achieve Soft And Naturally Pink Lips | The Body Shop
Mahalaga rin na maprotektahan ang lips mula sa damaging effect ng araw. Kaya naman di mawawala sa aming recommended lip care products ang The Body Shop Protective Lip Balm. Hindi lamang nito pinapangalagaan ang labi, bagkus ay nagbibigay proteksyon dito ito mula sa UVA/UVB rays dahil sa taglay nitong SPF50.
Natural ang formulation ng lip balm na ito. Mayroon itong coconut oil, rosehip oil, Vitamin E at Vitamin C na kilala bilang mga skin-loving ingredients. Refreshing din ito gamitin sapagkat may peppermint oil ito na malamig sa pakiramdam. Non-sticky rin ang lip balm na ito kaya naman di nakakairita gamitin.
Features we love:
- Gawa sa natural ingredients
- SPF 50
- Refreshing at non-sticky
Price Comparison Table
|
Brand |
Pack size |
Price |
Price per gram or ml |
The Face Shop |
10 grams |
Php 395.00 |
Php 39.50 |
Laneige |
8 grams |
Php 499.00 |
Php 62.38 |
Vaseline |
7 grams |
Php 168.00 |
Php 24.00 |
BLK Cosmetics |
4.6 grams |
Php 349.00 |
Php 75.90 |
Sunnies Face |
2.8 grams |
Php 445.00 |
Php 158.93 |
The Body Shop |
4 grams |
Php 595.00 |
Php 148.75 |
Lip Care Tips
Ito ang ilan sa mga lip care tips na maaari mong sundin upang maiwasan ang problema sa labi:
- Palagiang uminom ng tubig. Ang pag-inom ng tubig ay makakatulong upang maiwasan ang dehydration.
- Mag exfoliate ng labi isang beses sa isang linggo. Malaking tulong ang pag gamit ng lip scrub upang maalis ang dead skin sa labi at maiwasan ang pagiging dry nito.
- Gumamit ng lip balm lalo na kapag malamig ang panahon.
- Kapag gumamit ng lipstick o anumang pangkulay sa labi, tanggalin ito bago matulog.
- Isama ang pag gamit ng lip mask o petroleum jelly sa iyong skin care routine sa gabi.
- Iwasan ang pagkagat ng labi upang ito ay hindi masugatan o mangitim.
Sa pagsunod ng aming lip care tips at pagpili ng tamang lip care products para sa’yo, tiyak na maaachieve mo ang soft, smooth at naturally pink lips!