LJ Moreno and Jimmy Alapag malungkot na ibinahagi na nakunan sa kanilang pang-apat na anak. Ayon kay Jimmy, ang pinaka-mahirap na parte ng miscarriage na ito ay ang sabihin ang balita sa kanilang mga anak na excited na sa pagdating sana ng kanilang kapatid.
LJ Moreno and Jimmy Alapag sad news of miscarriage
Hindi tulad ng mga nakaraan, isang malungkot na LJ Moreno and Jimmy Alapag ang humarap sa kanilang mga fan at follower sa kanilang latest vlog. Dahil ayon sa mag-asawa, ang balitang very excited nilang ibinahagi noong nakaraang buwan ay wala na. Si LJ nakunan sa kanilang pang-apat na anak.
Kwento ni Jimmy, sa 6th week ng pagbubuntis at 2nd appointment ni LJ nila nalaman ang malungkot na balita.
“She actually had an appointment last week that would have been around past six weeks. So still so early in the pregnancy process.”
Ito ang panimulang pag-kukuwento ni Jimmy.
Dagdag naman ni LJ, dapat sana sa kanyang 2nd pregnancy appointment ay pakikinggan lang nila ang heartbeat ni baby. Dahil noong nauna niyang appointment ay wala silang narinig na heartbeat nito. Pero ayon sa kaniyang OB, ito ay maaaring dahil masyadong maaga pa ang kanyang pagbubuntis. Dagdag pa ang natuklasang tumutubong bukol o myoma sa kanyang matris. Bagaman ayon pa rin sa kanyang doktor, walang dapat ipag-alala rito. Dahil sa ito ay tumutubo naman sa kabilang bahagi ng kanyang uterus at malayo sa dinadala niyang sanggol.
“On my first appointment, the doctor was saying I had growth or myoma in my uterus. Although she said not naman alarming because it was growing the other way, not towards the baby.”
Dahil sa myoma o tumutubong bukol sa matris
Pero sa kanyang 2nd appointment ay nabago na ang pahayag ng doktor. Hinanda na sila nito sa posibilidad ng miscarriage. Dahil sa wala silang narinig na heartbeat ng kanyang dinadalang sanggol.
“I went back for the next appointment hoping na we could hear the heartbeat, but unfortunately, we still couldn’t. The doctor said, we’ll still do everything we can. She said I want to manage your expectations. There’s a possibility you could have a miscarriage”, pagkukuwento pa ni LJ.
Kaya naman nagsagawa ng mas malalim na pagsusuri ang kanyang doktor sa kanya. Doon nga nila nalaman na wala na talaga ang kanyang sanggol at siya’y nakunan sa kanyang pang-apat na anak.
“Unfortunately, we found out na wala na talaga. They called it a miscarriage because I didn’t bleed at first, but then the pregnancy stopped, the baby stopped.”
Dagdag pa ni LJ, ayon sa kanyang doktor maaring ito ay dahil sa myoma na tumutubo sa kaniyang matris. Pati na sa antibodies na nakita sa kaniyang katawan na hindi healthy para sa isang babaeng nagbubuntis.
Kung papaano sasabihin sa mga anak ang malungkot na balita
Para naman kay Jimmy, bagama’t nakakalungkot ang nangyari mas naging mahirap umano para sa kanila bilang magulang na sabihin ang balita sa kanilang mga anak. Sapagkat ang mga ito ay super excited na sana sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.
“Not easy news for us to find out, but at the same time we have absolute faith in God’s plan for us a married couple and even more importantly as a family. As disappointing as it is, my biggest concern was making sure that LJ is okay, and having to tell the kids.”
Ito ang pahayag ni Jimmy.
Dagdag pa ni LJ, naging pinaka-mahirap nga umanong sabihin ang balita sa kanilang panganay na anak na si Ian. Sa katunayan nang malaman niya nga ang nangyari ay napaiyak ito.
“As a mom that was the hardest thing for me to see him. we tried as much as possible to explain, to simplify it for him. Kaya lang when we said that mama was not pregnant anymore, he broke down.”
Mensahe at paalala sa iba pang mga magulang
Pero magkaganoon man, sa ngayon ay unti-unti na silang nakaka-move on at naniniwala sila na may dahilan kung bakit ito nararanasan ng kanilang pamilya. Isang patunay rin umano ito na tulad ng mga ordinaryong Pilipino hindi sila naiiba at nakakaranas ng mga ganitong pagsubok sa buhay. Kaya naman hindi umano dapat mawalan ng pag-asa at higit sa lahat ng tiwala sa Diyos.
“At the end of the day, we pray and we trust God, God has a plan for all this. If you guys are going through anything, you may not understand it now but don’t lose the faith.”
Ito ang pahayag ni LJ.
Para naman kay Jimmy, may isang bagay na itinuro sa kanila bilang magulang ang karanasan na ito. Ito ay ang pag-alalaga sa ating mga sarili para sa ating mga anak. Dahil tulad ni LJ na hindi mahilig magpa-checkup at magpunta sa doktor, hindi niya pa malalaman ang nangyayari sa kanyang katawan kung hindi pa siya nabuntis at nakunan.
Kaya paalala ni Jimmy, alagaan natin ang ating mga sarili. Ito ay upang mas magkaroon pa tayo ng mas mahabang oras na maalagaan ang ating mga anak.
“And I think that’s what’s really important. If you are in your late 30s and early 40s, make sure that you guys get your annual checkup. We should take care of ourselves as parents so that we’re around long enough to take care of the kids.”
Ito ang paalala ni Jimmy Alapag.
Sa ngayon si LJ Moreno at Jimmy Alapag ay may tatlong anak na sina Ian, Keona at Calen.
SOURCE:
ABS-CBN News
BASAHIN:
Myoma: Ano ito at paano nakaka-apekto sa kalusugan ng babae?