LJ Moreno muling nabuntis sa edad na 41 matapos makunan ng dalawang beses

Ayon sa doktor, ang pagbubuntis ni LJ ay tinatawag na geriatric pregnancy. Alamin kung ano ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Moreno happy to announced na siya ay buntis sa pang-apat na anak nila ng basketball coach at retired PBA player na si Jimmy Alapag.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • LJ Moreno announcement na siya ay buntis
  • Miscarriages na naranasan ni LJ Moreno
  • Ano ang geriatric pregnancy?

LJ Moreno buntis sa pang-apat na anak nila ni Jimmy Alapag

Larawan mula sa Faceboook account ni LJ Moreno-Alapag

Sa pinaka-latest vlog episode ng Alapag Family Fun ay ibinahagi ng aktres na si LJ Moreno na siya ay buntis. Ito daw ang dahilan kung bakit sa nakaraang dalawang buwan ay masama ang pakiramdam niya.

“I haven’t been feeling well to the point na my kids actually thought I have COVID for a very, very long time.”

Ito ang bungad ni LJ sa kanilang vlog.

Para matukoy kung ano talagang estado ng kalusugan niya ay nagpa-checkup si LJ at doon nga nalaman na siya ay buntis sa pang-apat na anak nila ni Jimmy Alapag.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ nakaranas ng two miscarriages bago ang kasalukuyang pagbubuntis

Noong inanunsyo nga nina LJ at Jimmy ang magandang balita sa kanilang mga anak ay makikitang masaya at tuwang-tuwa ang mga ito. Pero pag-amin ni LJ, saglit nilang itinago ang balita sa mga anak at nanigurado muna. Dahil pagbabahagi niya, siya ay nakaranas ng two miscarriages bago ang kasalukuyang pagdadalang-tao.

“We are happy because all the kids are happy and excited. And the reason why we kept it until I am now almost 13 weeks, hinintay muna naming matapos 'yong third trimester."

"Because I actually had two miscarriages. We did not announce it on the vlog. I actually had another miscarriage after the one noong before kami lumipat here in the States. I actually had another one just last year around December.”

Ito ang pagkukuwento ni LJ tungkol sa miscarriages na naranasan. Dagdag pa niya, maliban sa kaniya ay naging mahirap rin ang naging karanasan para sa kaniyang mga anak.

“We kept it kasi our kids especially si Kuya sobrang sensitive and sobrang affected siya when I had my first miscarriage. So we wanted to make sure na sure muna before naming i-announce.”

Ito ang pagpapatuloy pa ni LJ tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Faceboook account ni LJ Moreno-Alapag

Ayon pa kay LJ ay normal ang lahat sa kaniyang pagbubuntis. Bagamat sinabihan na siya ng doktor ng posibilidad ng high-risk pregnancy dahil sa kaniyang edad.

“Sabi ng doktor hindi narin daw ako bata because I am now 41 so by the time I gave birth 42 na. Apparently kapag ang girl daw after 35 or 36 [years old], considered na geriatric pregnancy na.”

Sa ngayon, ay unti-unti na daw umaayos ang pakiramdam ni LJ at bumabalik na energy niya. Bagamat hindi parin daw siya nakatagal ng nakatayo at lagi lang nakahiga.

Kaya naman request niya rin sa mga fans at followers nila, sana ay ipagdasal siya at ang kaniyang pagbubuntis. Para ito ay maging smooth at hindi magkaroon ng kahit anong problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga celebrity friends ni LJ, masaya sa big announcement na ito ng kanilang pamilya. At sila ay nagpaabot ng kanilang mensahe sa aktres sa kaniyang Instagram account.

Jackie Forster: His plans are always bigger than ours. congratulations again! Prayers for a smooth journey ahead and so much joy. Love you.

Donita Rose: Oh wow!!! Congratulations sis!!! You are amazing!!!

RR Enriquez:  Aaaawwww congrats Sis LJ and Jimmy

Larawan mula sa Faceboook account ni LJ Moreno-Alapag

Ano ang geriatric pregnancy?

Ayon sa health website na Healthline, ang geriatric pregnancy ay tumutukoy sa pagbubuntis ng mga babaeng lagpas na sa edad na 35-anyos. Kilala rin ito sa medical term na AMA o advanced maternal age at ang pagbubuntis sa edad na ito ay may kaakibat na health risks o komplikasyon. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • premature birth
  • low birth weight si baby
  • miscarriage o pagkakalaglag ng dinadalang sanggol
  • stillbirth
  • chromosomal abnormalities o disorder tulad ng pagkakaroon ng Down syndrome ng sanggol
  • birth defects
  • labor complications tulad ng early labor
  • panganganak sa pamamagitan ng caesarean delivery
  • preeclampsia o pagkakaroon ng mataas na high blood pressure ng buntis
  • gestational diabetes
  • multiple pregnancies o ang pagbubuntis sa twins o triplets.

Maari namang mabawasan ang tsansa ng mga risks na ito sa geriatric pregnancies. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Pagkain ng masusustansiyang pagkain o pagkakaroon ng balanced diet.
  • Pag-inom ng mga prenatal vitamin na may folic acid bago pa man ang pagbubuntis kung posible.
  • Pagma-maintain ng healthy na timbang.
  • Pag-iwas sa mga bisyo na maaring makasama sa sanggol tulad na alak, sigarilyo at droga.
  • Pagpapa-checkup ng regular o pagkuha ng sapat na prenatal care para sa masubaybayan ang pagdadalang-tao.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement