LJ Reyes to her children, Aki and Summer: "Kaya ko dahil kayo ang lakas ko"

LJ ibinahagi kung sino ang nagpapakilig sa kaniya ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buhay ni LJ Reyes sa US, masigla at masaya dahil sa mga anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Buhay ni LJ Reyes kasama ang mga anak na sina Aki at Summer sa US.
  • Mensahe ni LJ sa mga anak na sina Summer at Aki.

Buhay ni LJ Reyes kasama ang mga anak na sina Aki at Summer sa US

Image from LJ Reyes’ Faceboook account

Agosto ng nakaraang taon ng maghiwalay sina LJ Reyes at dating kinakasamang actor na si Paolo Contis. Ito ay nangyari matapos ang 6 na taon nilang pagsasama. Ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noong una ay dahil umano nawala na ang spark sa pagitan nila.

Pero kinalaunan ay lumabas na may third party sa hiwalayan nina LJ at Paolo. Ito ay ang aktres na si Yen Santos na ilang ulit na nakitang kasama si Paolo sa ilang pampublikong lugar.

Nang umamin sa kanilang naging paghihiwalay, si LJ ay nakaalis na ng bansa kasama ang mga anak. Sila’y nagpunta na sa Amerika upang doon na muna mamalagi.

“Sa totoo lang kung anuman yung 3rd party na sinasabi nila its actually the least of my concern. Kaya nga ako nag-speak up kasi ‘pag anak mo na ‘yong nagagawan ng mali kailangan mong sabihin na hanggang dito lang. Kailangan ko somehow malayo ang mga bata, kailangan ko maprotektahan sila.”

Ito ang pahayag ni LJ noon kung bakit pinili niyang lumayo at mangibang bansa kasama ng dalawang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon, matapos ang higit sa anim na buwan matapos lisanin ang bansa at pakikipaghiwalay kay Paolo Contis, si LJ nagbigay ng update sa buhay nila ng mga anak sa Amerika.

Ito ay bilang tugon daw ni LJ sa mga taong nangangamusta sa kaniya at patuloy na nagbibigay ng magagandang mensahe matapos ang kaniyang pinagdaanan.

LJ masaya ang buhay kasama ang mga anak sa Amerika

Ayon kay LJ, naging maganda at masaya ang buhay niya at mga anak na sina Aki at Summer sa mga nakaraang buwan. Sa katunayan, sa vlog na inilabas ni LJ ay makikita kung gaano kasaya ang mga anak niya.

Ganoon din si LJ na makikitang very hands-on sa pag-aalaga kay Summer at Aki. Hindi rin nga sila nawawalan ng quality time at tila hindi nabobored ang mga anak dahil sa dami ng fun activities na ginagawa nila kasama ang pamilya ni LJ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kamusta ka?” Ito na yata ang lagi kong naririnig na tanong sa lumipas na 6 na buwan. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta niyo sa akin at sa mga anak ko kaya naman gusto kong ibahagi sa inyo kung gaano kaganda ang buhay sa mga nakaraang buwan.”

Ito ang caption ni LJ sa kaniyang vlog. Dagdag pa niya, ang paggawa niya ng vlog na ito ay bilang pasasalamat sa mga taong nag-aalala at sumusubaybay sa kalagayan nilang mag-iina kahit sila ay malayo na.

“Sana ay maramdaman niyo ang taos puso naming pasasalamat sa munting handog namin na pagbabahagi ng aming simpleng buhay!”

Ito ang sabi pa ni LJ.

Sa latest vlog ni LJ, ay makikita rin kung gaano siya kamahal at pinapahalagahan ng mga anak. Sa isang bahagi ng vlog na kung saan magse-celebrate sila ng thanksgiving ay sinabi ng anak niyang si Summer, 3-anyos na nagpapasalamat siya sa ina. Sinagot naman ito ni LJ na thankful rin siya sa anak, ganoon rin sa kuya nitong si Aki, 11-anyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“LJ: Who are you thankful for?

Summer: Mommy.

LJ: You are so sweet love. I am thankful for you and Aki.”

Ito ang sweet na pag-uusap ng mag-ina.

Maliban dito ay binibigyan din ni Summer ang ina ng flowers at chocolates para maiparamdam dito ang pagmamahal niya.

BASAHIN:

LJ Reyes, ibinahagi na nag-reach out ang ex na si Paulo Avelino para kamustahin sila ni Aki

LOOK: LJ Reyes slays in New York, keeps busy after split-up with Paolo Contis

LJ Reyes: “Ang forgiveness is a work in progress—hindi madaling ibigay ang forgiveness”

LJ sa mga anak na sina Summer at Aki: “Kaya ko dahil kayo ang lakas ko.”

Image from LJ Reyes’ Faceboook account

Sa dulo ng vlog ay sinabi ni LJ, matapos ang kaniyang pinagdaanan ay nakayanan niya ng lahat ng dahil sa mga anak niya.

“Kaya ko dahil kayo ang lakas ko.”

Ito ang sabi ni LJ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa mga Instagram post ni LJ ay ibinahagi niya ang ilan naman sa mga pagbabago sa anak habang lumalaki. Tulad ng anak na si Aki na ngayon ay hindi niya na daw nahahalikan sa public place gaya ng dati. Ito umano ay kagustuhan at request ng anak sa kaniya.

“In private pwede pa siya ikiss, in public bawal na!!!”

Ito ang bahagi ng caption ni LJ sa kaniyang IG post na kung saan makikitang hinahalikan niya ang anak na si Aki sa pisngi.

Nito namang Enero ay nag-celebrate ng kaniyang 3rd birthday si Summer. Si LJ may sweet na mensahe sa anak na siyang nagpapakilig sa kaniya ngayon.

“You are a God-sent angel who never fails to brighten up our day with your non-stop talking and singing, and dancing too!

Thank you for bringing so much joy in my life! I am so grateful to be your mother! Continue making pa-cute to mommy kasi kilig na kilig ako. I love you sooooo much my love Summer!”

Ito ang bahagi ng mensahe ni LJ para sa anak na si Summer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from LJ Reyes’ Faceboook account