LJ Reyes hindi napigilan maging emosyonal sa dasal ng anak na si Aki

LJ Reyes hindi napigilan maging emosyonal sa dasal ng anak na si Aki

Alamin kung bakit naging emosyonal ang celebrity mom na si LJ Reyes sa naging dasal ng kaniyang panganay na anak na si Aki.

Ika-23 ng Oktubre, nag-post ang celebrity mom na si LJ Reyes na wari'y makahulugan at emosyonal na post.

Sa post ng aktres, makikita ang larawan niya at ang siyam na taong gulang niyang anak na si Aki.

Pag-share ni LJ sa kaniyang mga followers, hindi di-umano niya napigilang maging emosyonal sa naging dasal ng kaniyang panganay bago nga kumain ng kanilang hapunan.

Aniya sa kaniyang caption, "9 yrs of sweetness, joyfulness and LOVE with this (big baby) boy!"

Kuwento ni LJ, "Last night as he led the prayer over dinner, he said '...God pls don’t let Mommy and Tito Pao die. Let them live forever! But if you ever need to take them away, pls take me instead!...'"

"Naiyak akooooo! Pinigilan ko lang kasi hindi kaya ng puso ko!?" pagbabahagi ng GMA-7 actress.

Aniya, "When he was done with the prayer, I talked to him and told him we will never let that happen! That we will always choose his welfare and his life over ours!"

"My prayer everyday is for God to give me long life so I can see my kids grow up. So I can guide them and be there for them as long as I can," dasal ni LJ.

"I always tell Pao losing any one of them will really break me! So hearing this prayer from Aki, I felt scared coz I don’t ever want that to happen! NEVER!" dagdag pa niya.

"But it’s definitely one of the “Awwwww” moments of my life, when you know your child loves you that much!?" pagpapatuloy niya.

"Teka lang po... iiyak lang ako.. hindi ko na kaya!!!???" sambit pa nu LJ sa huli.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Nag-comment nga ang now-partner at ama ng bunsong si Summer na si Paolo Contis sa post ni LJ.

Pahiwatig nito, "My sweet boy ?? hindi ako iiyak... ?????"

LJ Reyes hindi napigilan maging emosyonal sa dasal ng anak na si Aki

Si Paolo na nga ang tumatayong ama ngayon ni Aki at di-umano ayon kay LJ, very hands-on dad si Paolo kay Aki at sa bunsong si Summer.

Source: LJ Reyes

Basahin: LJ Reyes: “As a parent, you can’t do it alone. You can ask for help.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner