LJ Reyes sa pagiging single mom kina Aki at Summer: "Sila lang ang kailangan ko to keep me going."

Mga mommy netizens hanga at tinitingnang inspirasyon si LJ sa pagpapalaki sa mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes receives a cute Mother’s Day greeting from her children Aki and Summer. LJ masaya sa pagiging solo parent sa mga anak niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • LJ Reyes thankful to children Aki and Summer.
  • BIlang single mom, LJ ginagawang inspirasyon ng maraming ina.

LJ Reyes thankful to children Aki and Summer

Image from LJ Reyes’s Facebook account

Ilang buwan narin ang nagdaan mula ng maghiwalay si LJ Reyes at Paolo Contis. Matapos ng kanilang paghihiwalay ay agad na nagpunta sa Amerika si LJ kasama ng mga anak niyang si Aki at Summer. Doon ay maayos na nakapag-move on si LJ at makikitang masayang nabubuhay kasama ang mga anak niya.

Nitong nakalipas na Mother’s Day celebration ay ibinahagi ni LJ kung paano siya binati ng mga anak niyang si Aki at Summer. Sa pamamagitan ng social media post ay ipinakita niya ang simple pero cute na pagbati ng mga anak niya.

Kalakip ang pagninilay-nilay niya sa kung paano nga ba maging isang magulang. At pagbabalik-tanaw sa naging karanasan niya sa pagbubuntis at pag-aalaga sa mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Paano nga ba maging isang magulang? Paano nga ba magdesisyon para sa buhay ng iba? Carried them inside your body for 9 months, will be taking care of them til they can stand on their own, but you never really stop “taking care” of them.”

Ito ang bungad ni LJ sa kaniyang Instagram post.

Dugtong pa ni LJ, pagdating sa pagiging magulang marami ang tanong at desisyon na mahirap gawin at sagutin. Pero para sa tulad niyang single mom na mag-isang tumataguyod sa mga anak niya ay ang “love” para sa kanila ang nagi-empower sa kaniya.

“And in the very long time that you have to make decisions on their behalf, paano nga ba piliin ang tama? Wala naman handbook for parents. Wala naman iisang tamang paraan kung paano maging magulang.”

“There could be a lot of things that is uncertain and not ideal, but one thing remains certain and true— that LOVE would hold you all together.”

LJ sinisigurong lagi niyang naipaparamdam sa mga anak ang pagmamahal niya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni LJ, sinusubukan niyang sa lahat ng oras at paraan ay maiparamdam sa mga anak ang pagmamahal niya bilang isang ina. Lalo pa’t ang mga anak ang inspirasyon niya para magpatuloy sa buhay at malampasan ang mga hamon nito.

“Na-realize ko sobrang daming ups and downs ng buhay. Pero ang importante maramdaman nila na mahal ko sila in every sense of the word. Like how I would always tell them, home is where we are together. At sila lang ang kailangan ko to keep me going.”

Sa kabuuan, nagagawa daw ni LJ ang role bilang isang ina sa mga anak sa tulong at gabay ng Diyos. Hindi siya perfect na ina pero hindi naman daw matatawaran ang pagmamahal niya sa mga anak.

“We love because God loved us first. And I experience God’s love through them. Kaya naman nag-uumapaw ‘yong pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila. Hindi ako perfect, pero ang alam ko lang mahal na mahal ko sila— buong buo, siksik na siksik, umaapaw.”

Sa huli ay bumati siya ng Happy Mother’s day sa lahat ng ina at ibinida ang simple but cute na Mother’s Day greetings ng mga anak niya sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from LJ Reyes’s Facebook account

“Cheers to all the amazing mommas! Happy Mother’s Day!”

“PS. Last photo is a screenshot of this cute greeting from these sweet kids while I was at work. Simple but I know it’s full of love! (Or feeling lang ako hahahahaha)”

BASAHIN:

LJ Reyes shares heartfelt message to Aki: “Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak.”

LJ Reyes: “Ang forgiveness is a work in progress—hindi madaling ibigay ang forgiveness”

Pokwang muntik sumuko sa buhay nang masawi ang panganay: “Ang sakit-sakit pala talaga.”

Reaksyon ng mga netizens

Image from LJ Reyes’s Facebook account

Maraming mommy netizens ang agad na nag-react sa post na ito ni LJ. May mga single moms rin na naka-relate kay LJ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinaabot nila kung paano sila nai-inspire kay LJ sa pagtataguyod nito at pagpapalaki sa mga anak niya. Pinuri rin nila ang mga anak nito sa pagpapakita ng pagmamahal at appreciation nila sa ina.

“I’ve been a single mom of 3 boys its hard but when they finished their college education its fulfilling and then you will realize you don’t need a partner. I just prayed hard that God will give me strength help me in all my decisions and at the end of the day youve made the right choice to be just a single parent.”

“Love your wisdom LJ. Keep being faithful to God in this journey you and your kids are on. I will root and cheer for you. God bless.”

“Very well said Ms. LJ. I admired you so much. You’re very strong woman and a mom to your kids.”

“You’re a great mom Ms. Lj, your kids are blessed to have you as their mom, hope you will stay there for good living a normal peaceful life, surrounded with your loving family, an environment that is healthy for you and your kids, happy mother’s day, God bless.”

Ito ang ilan sa komento ng netizens sa Mother’s day post ni LJ Reyes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement