LJ Reyes to son Aki on his 12th birthday: “I would give my all just to see you happy.”

LJ hindi umano titigil sa paghalik at pagyakap sa anak kahit binata na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes may sweet message sa para sa kaniyang son na si Aki sa 12th birthday nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • LJ Reyes message to son Aki on his 12th birthday.
  • Birthday greeting ni Paulo Avelino sa anak na si Aki.
  • Appreciation post ni LJ sa panganay na si Aki.

LJ Reyes message to son Aki on his 12th birthday

Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes

LJ Reyes may sweet at funny message sa only son niyang si Aki sa 12th birthday nito. Ito ay ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Bungad ng celebrity mom, alam niyang ma-awkwardan si Aki at sasabihin niyang hindi cool ang ina sa greeting niyang ito. Pero si LJ, hindi ito pinapansin at nais lang ipabatid sa anak kung paano siya nai-inspire ng kaniyang panganay at ganoon rin ng kapatid nitong si Summer. Ang mga ito daw ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy pa sa kaniyang buhay.

“I know that at this age, I will never sound cool to you. Ever! But I don’t care, I would still try to be cool to you (and your friend)! What actually is so cool though is that you have been in my life this long and we have been through so much and you still are the reason (and Summer) that makes mommy keep going and going.”

Ito ang bungad ni LJ sa birthday greeting niya sa anak na si Aki sa Instagram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni LJ, si Aki bilang panganay niyang anak ay maraming naituro sa kaniya sa pagiging isang magulang. At ngayong binata na ito, sabi ni LJ na mananatili pa rin itong kaniyang baby at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para ito ay panatilihing happy. Hindi lang ngayon sa kaniyang birthday kung hindi sa araw-araw na magkasama silang mag-ina.

“You have taught me a lot of things I know as a parent. I know you’re a tough young man now but they say you would always need your mom right? So please know that I would give my all and more just to see you happy and well baby! Not just on your birthday but every single day!”

Dagdag pa ni LJ sa birthday message niya sa anak, hindi siya titigil na halikan at yakapin ito. Pero hirit ni LJ gagawin niya ito sa anak sa oras na wala ang mga friends nito. Tulad ng ginagawa niya noong maliit at little boy pa si Aki.

“I would never ever let a day pass without kissing you or hugging you! Kahit binata ka na!!! Haha!! I can compromise — basta wala friends mo! Haha! (Just like the last photo).”

Sa huli, binati niya ang anak sa kaarawan nito at ipinaabot dito ang kaniyang pagmamahal.

Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I thank God for you everyday! He knows how much I love you baby! I hope you do too! Happiest and most blessed birthday Aki my love! Let’s have fun today!!!”

Ito ang pagbati pa ni LJ sa anak.

Samantala, ang aktor na si Paulo Avelino at ama ni Aki ay binati rin ang anak. Maikli at may kaunting pang-aasar ang birthday greeting nito.

Ito ang kaniyang sabi kalakip ang ilang larawan ni Aki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Birthday “King of power nap” Boi.”

Appreciation post ni LJ sa panganay na si Aki

Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes

Samantala, nitong Abril ay may appreciation post na isinulat si LJ para sa anak niyang si Aki. Doon ibinahagi niya ng pagbabagong ginawa ni Aki ng dumating ito sa kaniyang buhay sa batang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aminado rin sa LJ, sa generation gap na mayroon sa pagitan nila ni Aki. Pero magkaganoon man, anuman ang differences nila may isang bagay na hindi magbabago. Ito ay ang pagiging ina niya sa anak at ang pananatiling baby boy ni Aki sa kaniyang puso.

“Just an appreciation post. I think I was quite young when I had you, but still the generational gap exists! Can’t deny that! Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak. There will be days when I wouldn’t understand you right away and vice versa."

"Di ko na gets music nyo, at nacocornyhan ka sa music namin noon! Ang kulit ko parang naka-repeat araw araw sa responsibilities mo, pero makulit ka rin naman sa kakaulit ng game time and currencies mo! So quits lang tayo."

"But you will always be my baby boy! I pray that some day, you will understand why I want you to put God first above all else. Let Jesus be your guide!"

"I still remember all the moments you made mommy very strong! And I keep that in my heart.”

Ito ang buong appreciation post ni LJ para kay Aki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sila ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa New York kasama si Summer pati na ang ina at kapatid ni LJ.